kabanata 8

62 2 8
                                    

 Kabanata 8: the fear she can't ignore.

EshaTheClown sent you a message.

A smile can't be removed on my lips as the notification pop out. Kanina ko pa kausap ang mga kaibigan ko sa group chat ng Burgurls. Ibinaba ko ang cream na kanina ay ina-apply ko sa balat ko, upang basahin ang message nila.

EshaTheClown: Ka, alam mo ba may plano sila KC? Hahahhaha.

BilyonaryongTanga: Ako na naman?

EshaTheClown: Sinong gusto mong ituro ko, 'yung asawa mo?

Kanina pa inaasar ni Esha ang mga Burgurls, pero mukhang si KC ang pinaka target niya ngayon.

I pause for a while. Hindi ko maiwasang manibago sa ganitong usapan ng Burgurls. We never been this jolly after the crisis that happened. Mukhang nakatulong din ang pandemya na 'to para ipaalala sa'min ang kahalagahan ng pagpapatawad at pagtanggap.

BilyonaryongTanga: Kyl, 'yung pinsan mo o!

Me: typing...

Bago pa man ako makapagsent ng message ay nakita ko ang message galing kay Tresha.

DaMarupokNo1: Sino nanamang nagbago ng nickname ko!?

DaMarupokNo2: 'Wag kang ma-ingay, Tresh, may chismiss si Duran.

DaMarupokNo2: Puta... Sinong nagpalit nanaman ng nickname?

I laughed as Shiela realized that they almost got the same nicknames. Hindi ko maiwasang ma-miss 'yung ganito ka-ingay na group chat namin. Though, Risimei, for her safety purposes chose to distance herself from us. Nakakausap ko naman siya pero hindi na kagaya noon.

EshaTheClown: Ka, mag-iinvest daw ng lupa sila Khaning at KC malapit sa Laguna. Para daw kung sakaling mamatay tayong Burgurls, magkakasama pa rin tayo.

EshaTheClown: Mga hayupp kayo! Ampp... Mauna na kayo!

Hindi ko mapigilang mapahalakhak nang mabasa ko ang message ni Esha.

Me: Ayaw mo ba n'yun, Me? Literal na magkakasama tayo hanggang huling hantungan?

Kakhaning: Bakit ako naman magbabayad ah! Tsaka kailangan natin ng insurance...

I drop my phone after reading Chloe's message. Mukhang nasisiraan nanaman ng ulo ang mga kaibigan ko. Napailing ako nang maglakad ako patungo sa kusina, upang uminom ng tubig.

Kapansin-pansin na walang tao sa kabilang kama. Ako lamang mag-isa ang nasa kwarto, hindi naman ako nag-rereklamo sa bagay na 'yun. Mas mabuti nga 'yun ih.

Nadatnan ko si Dr. Casperzylle na nasa sala. Naka-loud speaker ang cellphone nito. He is sitting a meter far from his phone. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kaniya. Hinihilot niya ang sintido niya habang may kinakausap sa kabilang linya. Animo'y namomoblema.

"Dad, I need to be quarantine first."

"Hexion, muchos socios de negocios de nosotros están de vuelta en la salida!" Pagalit na saad ng kausap nito. Wala akong naintindihan sa wika nila pero base sa tono nila ay alam kong seryosong usapan ang nagaganap. "If this will continue the supply of drugs that we have will declined."

Halos mabitiwan ko ang baso kong hawak nang maintindihan ko ang huling katagang bitiwan ng Ama ng doktor na kasama ko. Is there a possibility that he is part of Muerto? Hindi naman impossible ang bagay na 'yun dahil lagi kaming sinusundan ng mga miyembro nila. Nang magawi ang tingin sa direksyon ko ni Dr. Casperzylle ay kutsilyo agad ang una kong hinawakan.

SAUDADE: Loving Eye of Catastrophe (BS8)Where stories live. Discover now