Kabanata 27

27 1 0
                                    

Kabanata 27: Lost

"Lolo Daddy! You asleep?"

Umupo ako sa gilid na upuan dito sa kwarto ng hospital bed ni Papa. Wala sa lugar na 'to ang dalawa kong nakababatang kapatid, marahil ay hindi nila alam na luluwas ako patungo dito.

"Xron! Apo kong napakagwapo," My Papa commented, bago kargahin pa taas ng kama si Xron. Pinaalalahanan ko siya na mag dahan dahan. "Manang mana sa Lolo."

"Kyl, si Tito tumatawag sa'yo."

Dalawang buwan na ang nakakaran nang mag pasiya akong manatili muna sa Baler. Si Rein lamang ang may alam at ang mga kaibigan ko, ni hindi pa ako nakapag sabi sa pamilya ko.

I sighed. "Sinagot ko na siya kanina."

"Mabuti naman kasi kinukulit ako ni Tito."

Tumingin ako kay Rein. "Tumawag si Papa para ipaalam sa'kin na kinasuhan ako ng nanay ni Hexion." Humina ang tono ng pananalita ko nang bigkasin ko ang bagay na 'yun.

Nanatiling nakatingin ako sa tatay ko na tuwang tuwa na makita ang apo niya. Hindi ko maiwasang maisip kung makita kaya ng nanay ni Hexion ang apo niya ay matutuwa din siya?

Sa loob ng buong durasyon ng pagbubuntis ko Kay Xron ay hindi ako tinantanan ng nanay ni Hexion.

"Wait lang..." I mumbled to someone's doorbell outside my house.

Napalunok ako nang mariin nang makita ko si Mrs. Casperzylle na nakatayo doon. Nakataas ang kilay nito habang nakatingin sa'kin.

"Mayabang ka ding babae ka eh no? Talagang may gana ka pang mag sinungaling sa korte!—"

Rinig ko ang tahol ni Rulle at Luxxe sa likuran ko, mukhang nararamdaman nila na hindi ako okay sa mga oras na 'to.

Pero hindi nadala doon ang babaeng kausap ko, hinablot nito ang braso ko. Ramdam ko ang pagbaon ng mga kuko niya sa parte ng katawan ko na 'yun.

"Tatandaan mo 'to, hindi ito ang huling beses na magkikita tayo."

Sunod sunod ang pagpatak ng luha ko habang pinagmamasdan ang papalayo niyang imahe. Hindi ko na alam ang kasunod na pangyayare.

Narinig ko na lamang ang wangwang ng ambulansya. At ang natatarantang si Rein. Lumalabo na ang paningin ko. Nang iaangat ko ang kamay ko ay punong puno iyun ng dugo.

"No... ang anak ko," I sobbed, "a-ang anak ko..."

"Kyl..."

Napalingon ako sa ama ko nang tawagin ako nito. Kunot noo itong nakatingin sa'kin.

"Pang apat na beses na kitang tinatawag," saad niya. "Ayos ka lang ba?"

I gently smile at him, "yeah... may iniisip lang ako."

"Magpahinga na kayo ni Xron, padating na din ang mama mo dito. Mag llunch tayo bukas, umattend kayo ha."

I kiss my father goodbye before leaving the room.

Hindi ako makapali buong gabi. He was really married the last time we've been together, but he claims that he is filing for a divorce. What happened? He realize na mahal niya pala talaga ang babaeng 'yun kaya ganon? Binalikan niya?

I sighed, Yah, maybe they are really in love with each other.

I dialed Jannilyn mobile number, ang naalala ko, kaibigan ni Hexion si Madrid. Madrid is Jannilyn's husband but we have no chance to get close to him. Masyadong abala ang mga buhay namin pare-pareho.

"Jannilyn," I called, "do you know about Hexion?"

"No, but my husband does." Mabilis na sagot nito sa'kin. "Ano bang gusto mong malaman? You know I wanted to spill a lot to you, kaso pinipigilan ko... I think that's not right to do so."

Nagpakawala na lamang ako ng malalim na buntong hininga, mukhang excited na excited mag chika ang babaeng ito sa'kin.

I pout. "Is he still with Amanda?"

Natigilan si Jannilyn sa kabilang linya. "He is,"

Parang may kumurot sa dibdib ko. Ilang taon na ang nakakaraan ah. Sa loob ng dalawang taon ay alam ko sa sarili ko na maraming pwedeng mangyare, hindi ko naman inakala na ganito pala. Hindi ko inakala na ganito pa din ang magiging reaksyon ko sa mga bagay na 'to.

Amanda is his wife. Mahirap man tanggapin ay 'yun ang katotohanan.

"But the weird thing is... My Husband told me that Hexion doesn't seem to remember filing for divorce. Hindi daw niya malaman kung na realize nitong mahal niya talaga si Amanda o–"

Ilang segundo na tumigil sa pagsasalita si Jannilyn.

"O?" I asked,

"My husband jokes about Amnesia." She states, "Noong gabi na nagkaroon ng family reunion sila Hexion ay yun din ang huling gabi na nagkita si Hexion at ang asawa ko... nag cut sila ng connection which is so mysterious, they are best friends for decades."

SAUDADE: Loving Eye of Catastrophe (BS8)Where stories live. Discover now