Kabanata 30

29 0 0
                                    

 Kabanata 30: Who?

Nakahiga ako sa malambot na kama. Ramdam na ramdam ko ang pagkakomportable dito. Ito na ba ang kabaong ko? Napangiti ako bigla. Ano kayang kulay ang pinili ng mga kaibigan ko? Ano kayang damit ang ipapasuot nila sa'kin? Sino kayang make-up artist ang i-hire nila? Alam ko kung paano mag-isip ang mga ito. Alam ko kung paano tumakbo ang ideya sa mga pag-iisip nila.

"Kyl..."

Sunod sunod na paghikbi na ang naririnig ko. Gusto kong imulat ang mga mata ko pero hindi ko magawa. Animo'y nakabenda ang mga ito. Ganto ba kapag namatay na?

"Ka... gumising ka na jan." Kahit wala akong makita ay alam kong si Esha ang nagsabi n'yun. Ramdam ko ang bigat sa simpleng kataga na binitiwan niya. "G-gumising ka na, Ka..."

Parang may humaplos sa dibdib ko nang marinig ko siyang nagmamakaawa. Si Esha ang pinakamasayang tao na kilala ko sa buhay ko. Masakit para sa'kin na nalalaman na nalulungkot siya.

"Hoy, Kaka." I heard Shiela's voice. "Nakakainis ka... n-nakakainis."

Hindi ko inaasahan na hahagulgol siya. "Bumangon ka na nga diyan, bumangon ka n-na..."

"Kyl!" sunod-sunod ko nang narinig ang mga boses ng kaibigan ko. Lahat sila ay umiiyak. Pero masaya ako na kumpleto pa din sila na dumalaw sa akin.

"Excuse Madams,"

May narinig akong panibagong boses, hindi ko alam kung kanino 'yun dahil ni minsan ay hindi ko pa 'yun narinig at ito ang unang beses na narinig ko 'yun.

"I pe-prepare na po namin ang pasyente para sa operation."

Operation? Sinong pasyente? Ako ba? Kumunot ang noo ko. Kung ako ang pasyente ay buhay pa ako? Pero hindi ko magalaw ang katawan ko. Possible kayang nasa comma ako? Pero dapat nasa loob ako ng isang panaginip kapag ganon. Ngayon, ni wala akong makita. Blangko ang lahat.

"Ano ang success rate ng procedure?" I heard Jannilyn ask.

So, ako nga ang pasyente na tinutukoy nila?

"Around 60 to 80 percent, we will do the best we can. Nakaready na ang eye donor niya, we will prepare the patient too."

Eye donor?

Gumalaw ang kamang sumusuporta sa katawan ko. Ngunit bago pa ito tuluyang gumalaw ay pinilit kong igalaw ang mga daliri sa kamay ko.

"Kyl,"

"Ka..."

"She moves her finger," Komento ni KC.

"Naririnig mo ba kami, Kyl? Igalaw mo nga 'yung isang daliri mo..." Kahit hindi ko nakikita ay alam kong si Khaning ang nagsasalita. Pinilit kong itaas ang isang daliri ko, mas mahirap ito sa inaasahan. Parang napaka bigat ng alin mang parte ng katawan ko.

"Kyl..." Narinig ko ang paghagulgol niya, "Inaalagaan namin si Xron, huwag kang mag-alala."

I force myself to open my mouth... "who... needs t-the eye donor?" Napakahina ng mga katagang 'yun.

Narinig ko ang paghagulgol ni Esha sa tabi ko. Alam kong pinipigilan niyang huwag umiyak. Alam kong pinapalakas niya ang loob niya. "Ka..."

"Ka, napakalakas ng impact ng truck sa sasakyan mo." She almost whisper, naririnig ko pa din ang mahinang paghikbi sa pagitan ng bawat salitang binibitiwan niya. "... sa sobrang lakas na damage n'yun ang mga mata mo. H-hindi tayo nag match. Ako sana ang magiging d-donor mo–"

Parang may humaplos na kung ano sa dibdib ko. Esha's genuine thoughts made me cry.

"T-then, who...?"

Pansamantalang natahimik ang mga kaibigan ko sa tanong ko na 'yun. Pansamatala silang tumigil.

"Malalaman mo nalang pagkatapos ng operasyon."

Gusto kong tanungin muli sila, gusto kong malaman kung sino. Ngunit wala na akong lakas muli para ibuka ang labi ko. Ang dami ko pang mga tanong. Ilang araw na akong nasa comma? Ano na ang nangyare kay Xron? Sino ang eye donor ko? Gaano kalala ang damage na binigay sa'kin ng banggaan sa pisikal.

Iyon na ang huli kong alaala bago ako patulugin sa operation room.

-

-

-

-

-

Wala akong ideya kung anong petsa na. Wala akong ideya sa oras. Binisita ako ni Rein kani-kanina lamang, ngunit kinailangan niya na din umalis dahil may duty pa ito. I am still thankful for Rein in every ounce of my being. He really doesn't leave.

Nang bumukas ang pintuan ay naging alerto ako. Amanda is still wanted as of the moment, yun ang balitang dinala sa akin ni Rein. Madami daw nakuhang ebidensya sa loob ng sasakyan ko na nagtuturo sa kaniya. Hanggang ngayon ay pinaghahanap si Amanda.

"Doc, Mr. Casperzylle wants to talk to you."

"Hexion..."

"Joxzel, how are you?"

"Maiwan ko muna kayo..." The Nurse informed us.

"Hexion, what do I look like? I mean, the damage, my skin? Am I burned?"

"Joxzel," He mumbled, "The last time I looked at you, your right cheek was damaged by a crash. Your eyes lost their vision."

"Now? Am I healing?"

"I can't tell," Nawala ang ngiti sa labi ko nang sambitin niya 'yun.

"So, it's bad..."

"No, what I meant is I can't tell because the surgery was a success..."

I gasped on his words. "Wag mong sabihin sa'kin na ikaw 'yung–"

"Tatanggalin ang benda sa mata mo mamaya. Tell me Joxzel what you see, because I want to know how you will view yourself from my perspective–"

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Nababasa nito ang benda na nakakabit sa mga mata ko.

"Why did you do that..."

"Noong araw na iniwan mo sa'kin si Xron, I go with my journal again. The way I wrote about you screams love. Wala akong maalala hanggang ngayon, pero noong nakita kitang tinatakbo sa ospital na walang malay, you don't know what I've felt." He sighed, "Sabi ko... utak ko lang ang hindi nakakaalala sa kaniya, but my heart tends not to forget."

"Alam kong mahal kita..."

"Hexion,"

"There, take care of my eyes... For those, I witnessed how mesmerizing you are. If the world gets a little bit rude, remember there is a part of me that is in you... And you will never be alone." He genuinely said.

SAUDADE: Loving Eye of Catastrophe (BS8)Where stories live. Discover now