Kabanata 10

117 6 15
                                    


Kabanata 10: Breakfast

Pinanood ko ang likuran ng lalaking naglalakd palayo sa'kin. Kunot noo ko siyang sinusundan ng tingin. Hindi ko maiwasang maguluhan sa sinasabi niya.

"Anong sleep on your bed?" I asked him. I took steps closer to him.

Naglalakad si Hexion papalapit sa kama ko. Iisipin ko sana na ang gusto niyang palabasin ay ang magpalit kami ng pwesto. Pero hindi tumuloy si Hexion sa kama ko. As he become near on my bed, he stops. Tumingala ito, nang sundan ng tingin ang tinitignan niya, doon ko napagtanto na nakatingin siya sa pinaglalabasan ng mga ipis kanina.

"There is high possibility that those cackroaches will get into you, directly. If you lay here..."

Nilingon ko ang kama ni Hexion, "If I sleep on your bed, saan ka matutulog?"

"On my bed, too." Mabilis na saad ni Hexion.

Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Saglit kong nilingon ang kama ni Hexion, bago ibalik ang tingin sa kaniya. Malaki nga ang kama ni Hexion pero hindi ako sanay na matulog na may kasamang lalaki.

"No... thank nalang—"

"Okay," Mabilis na saad ni Hexion bago ako lagpasan.

My jaw dropped on his action. Hindi ko rin alam kung anong ine-expect ko na gawin niya, pero hindi ko maiwasang mabigla nang lagpasan lamang ako nito.

Dumiretso si Hexion sa kama niya, walang kung ano-ano itong bumalik sa pagkakahimbing. Naiwan akong nakatayo habang nakatingin sa kaniya, nag-aalangan akong bumalik sa kama ko dahil may punto si Hexion sa sinabi niya kanina. Madali nga akong malalapitan ng mga ipis kapag nandoon ako.

Napanguso na lamang ako ay umupo sa lapag. Naka angel sit ako habang nakatingin sa kama ko. Dinadapuan na ako ng antok, hindi ko maiwasang mapahikab habang pinagmamasdan ang nilalagusan ng mga ipis kanina.

Hindi ko alam kung dahil ba ito sa antok o ano, pero naramdaman ko ang isang kamay na humaplos sa buhok ko. Mukhang tinitignan nito kung tulog na nga ba ako.

"Joxzel, the floor is cold." I heard Hexion's voice said. His husky voice is indeed pleasing to hear.

Mabibigat na ang talukap ng mata ko nang lingunin ko si Hexion. Hindi pa man tuluyang nag reregister sa paningin ko ang kabuohan ng mukha niya nang maramdaman ko na umangat ang paa ko sa sahig.

"Hexion—"

Hexion is carrying me in a bridal position. Napahawak na lamang ako sa braso nito dahil sa pagkabigla.

"May unan sa pagitan natin, I won't cross boundary." Mahinang saad niya. Bakas na ang pagkaantok doon. Dahan-dahan ako nitong nilapag sa gilid ng kama niya. Kung saan mas malayo sa lagusan ng mga ipis kanina.

Sunod niyang inilapag ang isang malaking unan sa gilid ko. Then he lay down on the other side of bed. Tinalikuran pa ako nito.

Mukhang sinadya niyang tumalikod sa'kin upang hindi ko maramdaman ang ilang. Napatulala ako habang nakatingin sa likuran niya. He is still a doctor, malapit ang puso niya sa mga taong nangangailangan. Maybe that trait is just bare minimum.

"Thank you..." I mouth out, "good night, Hexion."

Pinikit ko ang mga mata ko matapos kong pakawalan ang mga salitang 'yun. Bago ako tuluyang kainin ng antok narinig ko ang isang mura, pero hindi ko na 'yun inintindi. Baka dala lamang ng guni-guni ko o dahil sa antok.

----

"Then, it should be your problem."

Napabalikwas ako ng pagkakahiga nang marinig ko ang boses ni Hexion. Bakas ang inis sa boses niya. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Una kong napansin ang kumot na umabot sa balikat ko, that's new. Malikot akong matulog kaya madalas nasa paanan ko na ang kumot ko pero iba ngayon. Parang kakaayos lamang nito.

SAUDADE: Loving Eye of Catastrophe (BS8)Where stories live. Discover now