Kabanata 11

34 2 2
                                    

Author's note: I dedicated this chapter to KateGodito , thank you for patiently waiting fo this story. Love lots.






Kabanata 11: ‘Use me, Joxzel.’


“Rein,” I mumbled his name.
Rinig ko ang tunog ng paggalaw sa kabilang linya. Animo’y may metal na kumakaluskos sa isang bagay. Hindi ko mawari kung baril ba ‘yun o patalim. Wala din akong ideya kung saan ito tumatama.

“Rein, where are you? Are you fine there?”

Ilang segundo akong napatulala sa phone ko nang wala naman akong marinig na tugon mula sa lalaking tumawag.

“Rein,” Mariin na saad ko, hindi ko maiwasang kabahan.

“Kyl, I am listening…” He said in a soft and low voice. Para naman akong nakahinga ng maluwag sa pagtugon na ginawa niya. “I am safe… I just want to check on you.”

I heard a loud sound of metal bumping to one another. Kaya agad akong nag angat ng tingin sa may kusina. Una kong nakita doon si Hexion na nakatayo habang pinagmamasdan ang kawali na aksidente niya atang nalaglag sa lababo.

Bahagya kong inilayo ang cellphone ko sa bibig ko.

“Hexion, just a few minutes, huh?” I asked, tinuro ko pa ang cellphone ko para sabihin na saglit lamang akong makikipag-usap sa lalaking nasa kabilang linya.

Tumango lamang si Hexion sa’kin at mabilis na nag-iwas ng tingin.
Binalik ko naman ang atensiyon ko sa kausap ko. Ilan taon na rin simula noong maging sundalo si Rein, pero hanggang ngayon kinakabahan pa rin ako para sa kaniya tuwing lumalaban siya sa gyera. He is the Colonel, holding that rank means he is a good soldier. But here I am, still worried about him.

I think that won’t change even he retired. I am always worried when it’s Rein.

“Nasa byahe kami ngayon, we will be assign in Mindanao. We manage to accomplished the mission as early as possible, Kyl. You have nothing to worry.” Halata sa pagsasalita nito na hinihinaan niya ang boses niya. Hindi ko alam kung may mga katabi ba siya o sadyang bawal lamang talagang sabihin sa iba ang mga sinabi niya sa’kin.

“I am safe,” Pauna niya, “pupuntahan agad kita kapag natapos na ito, huh? Let’s go out together.”

“Okay…” Mabilis na tugon ko sa kaniya. “Rein, please… stay safe there.”

“I will,” He mumbled, “Take care, Kyl. I must drop the call now before I get caught. Will see you again sooner.”

“See you again, sooner.” I replied.
Hindi ko namalayan na pangiti ako nang malaman ko na ligtas siya at natapos na ang isang misyon. ‘yung kaba kasing nararamdaman ko tuwing papasok sa gyera o sa isang misyon si Rein ay talagang nag-uumapaw. Nasa hukay na kasi ang isa niyang paa tuwing makikipagdigma siya alang-alang sa kaligtasan ng bayan na sinilangan niya.

And I don’t want to lose someone, I care about.

“He seems really important to you.”
Nag angat ako ng tingin nang marinig ko ang komento ni Hexion. Sinilid ko ang cellphone ko sa bulsa ko bago maglakad papalapit sa kusina.

“He is,” I honestly answer.
Binalingan ko ng tingin si Hexion bago ako magsimula magluto. “You wanna help?”

Mabilis na umiling si Hexion. Hindi ko alam kung guni-guni ko lamang ba ito o biglang nag-iba ang awra ng mukha ni Hexion matapos kong ibaba ang tawag kanina. Hindi naman siya ganito kanina, ngumingiti pa nga siya ih.



SAUDADE: Loving Eye of Catastrophe (BS8)Where stories live. Discover now