Kabanata 20

21 2 0
                                    

 Kabanata 20: Pregnant? 

Nagpakawala ako ng sunod-sunod na malalim na bugtong hininga habang inaantay ang resulta ng test kit. Nanginginig ang kamay ko habang hawak-hawak pa din ang dropper na ginamit ko sa testing. Shet, this is what I like, I must remind myself. Pero nakakaba pa din pala talaga. Nakakatakot pa din pala talaga.

My jaw dropped as the first test kit appears to have one line. Makakahinga na sana ako nang maluwag pero biglang nagkaroon ng isa pang guhit. Mariin akong napapikit.

Positive.

Buntis ako... napahawak ako sa tiyan ko.

"Bakit ka umiiyak?" Esha asked as she opened the door of the bathroom.

Mabilis kong pinahid ang mga luhang tumakas sa mata ko, "W-wala, nagiging emosyonal lang talaga ako nitong mga nakaraan..." I sobbed, nagbaba ako ng tingin sa iba pang mga test kits. "Mayroon ka pa bang test kits, kasi baka mali lang 'to—"

Lumapit si Esha sa'kin, namilog ang mga mata niya nang makita niyang positive na ang apat na PT, at ang huling isa naman ay nagpapakita na din ng dalawang guhit.

"Limang pregnancy test ang nag positive, Ka." She commented. Agad ako nitong niyakap, "congrats, matagal mo na 'tong pangarap ah."

I can't help but to sobbed,

"Nakakatakot pala..." Kinagat ko ang pang-iibang labi ko upang pigilan ang paghikbi.

She chuckled, "parang tanga amputa, naiiyak din tuloy ako."

Ginayak ako ni Esha patungo sa second floor ng bahay nila. I make sure na naka disinfect muna ako bago umakyat sa taas. Sa kwarto na daw kami ng mga bata tumambay. Tulog ang mga sanggol nang marating ko ang kwarto.

Halatang halata na piloto at flight attendant ang mga magulang ng mga batang ito dahil sa dekorasyon sa kwarto. Nakita ko ang mga naka sabit na iba't-ibang aircraft toys, ganon din ang magandang dalampasigan na wallpaper painted sa dingding ng kwarto na 'to.

"Ang ganda ng lahi mo ah," I joked as I observed her kids' visuals. "Ang tataas ng bridge ng ilong."

Esha proudly look at me, "Naman... hindi ata ako nagkamali ng pagpili ng mapapangasawa ano?"

Bigla kaming naging tahimik nang gumalaw ang lalaking anak ni Esha. Hindi ko mapigilang mapangiti habang nakatingin sa batang 'yun, he looks like an angel.

"I'm sure that your offspring will be as lovely as you, Ka."

Parang may humaplos sa dibdib ko nang sambitin 'yun ni Esha. Nag angat ako ng tingin sa kaniya, natagpuan ko lamang itong nakatingi sa akin habang nakangiti.

"You love him?" She suddenly asked, "don't you?"

"I know that I shouldn't," I mumbled, "Me, he is just my sperm donor–"

"Sperm donor pero sinasamahan sa family gathering kagaya nito?" natatawang tanong niya sa'kin, "bakit hindi pa kayo matapos sa highschool phase ng lovelife? Bakit hindi pa rin kayo umaamin sa nararamdaman niyo?"

"Kasunduan lang naman 'to..." I said that she almost cut.

"Hindi ako naniniwalang dahil lang sa kasunduan lahat ng 'yan." Mailing-iling na saad sa'kin ni Esha.

"Hindi mo naiintindihan, Me." I mumbled, "ayaw niya sa commitment. He is still in the phase of his life that he wanted to explore–"

"Hexion is not Rein, Ka."

Bahagya akong natigilan habang nakatingin sa kaniya.

"You know that they're different. I might have known about Hexion for long, but I know you. I know you from head to toe, Dr. Joxzel Kyl Hermes." She figured it out. "I know when you love, when you don't care, when you hate, when you are angry and when you are confused. Do not judge new people in your life because of the old people's traits."

"Hindi ko kinakampihan si Hexion ha, when Hexion fails you, then act accordingly. Pero huwag mong isabotage 'yung sarili mo na kaya hindi mo bibigyan ng chance 'yung tao kasi ginago ka ni Rein. That's unfair for both of you." She added,

"Promise me that you will never sabotage your own happiness." Inoffer ni Esha ang pinky finger niya sa'kin, "Promise?"

I smiled, and slowly nodded. "Promise,"

Hindi ko maiwasang ngumiti habang nakatingin sa pinsan ko. Talking to Esha is like talking to a therapist.

"Dito ka ba talaga sa isla mag sstay kasama ang mga bata?" I asked Esha.

Mabilis siyang umiling, "No, nag stay lang ako dito kasi magulo pa ang mga Regidor at Ruizzons."

"I will never rob my children's childhood. Gusto kong maglaro sila kasama ang mga kaklase nila after class, kumain sa labas, mag cutting classes..." she laughs. "...kagaya ng naranasan nating Burgurls."

"I can't wait for the second generation of us to do that." Nakangiting saad ko.

It's already lunch. Kinakabahan akong bumaba, pero inaassure ako ni Esha na magiging okay lang din lahat.

"Pag nalaman niya, edi nalaman niya." She said, "Hindi mo naman matatago talaga 'yan ih."

Pinatignan muna ni Esha ang mga anak niya sa tatlong babysitter na hinire ni Hans. Sabi ni Esha namimilit lang talaga ang asawa niya na mag hire ng tao, kung siya lang ang masusunod ay ayaw niya. Pero mukhang hindi din niya talaga kakayanin ang mag alaga sa tatlo na siya lang mag-isa kaya napapayag na din siya.

"Joxzel," rinig kong tawag ni Hexion pagkababa na pagkababa ko pa lamang ng hagdan.

Bahagya akong siniko ni Esha sinenyasan niya akong umakto ng normal. Bago siya pumunta sa kinatatayuan ng asawa niya.

"Why?" tanong ko sa nakangiting si Hexion. "Seems like you enjoy being with Hans, huh?"

He nodded, "Yes, ang ganda sobra ng collection ni Hans–"

The smell of garlic triggers me to vomit. "-are you okay, Joxzel?"

"Ka?"

Hindi ko na pinakinggan ang sinasabi nila. I rush to the nearest sink to vomit. Hindi ko maintindihan, halos kakalapag lamang ng pagkain sa kusina nang maamoy ko 'yun. This pregnancy will make my life differ. Paborito ko naman dati ang bawang, ngayon amoy pa lamang ay nasusuka na ako.

"Ate, 'yung fried rice pabalik na lang muna sa likod." Maagap na saad ni Esha sa kasambahay nila.

Naramdaman ko ang presensya ni Hexion sa likuran ko.

"You are not feeling well?" Hexion asked,

Nagulat ako nang lumapit din si Hans sa amin para icheck ako.

"Are you okay, Kyl?" He asked, tumango na lamang ako para iaassure sa kaniya na okay lang ako. "You remind me of Esha being pregnant, nasusuka din siya sa amoy ng bawang."

Napauwang ang labi ko nang sambitin 'yun ni Hans. Kitang kita ko naman si Esha na nilakihan ng mata ang asawa niya at sinenyasan na umalis na muna.

"Joxzel..." Kalmado pero mariin na saad ni Hexion, "uwi na tayo after lunch."

Ilang beses akong napakurap habang nakatingin sa kaniya. Naramdaman ko ang kamay nito na kumapit sa kamay ko. He intertwined our hands.

"We will stay longer next time," Hexion mumbled, "but not now."

SAUDADE: Loving Eye of Catastrophe (BS8)Where stories live. Discover now