Kabanata 23: Unang parte

24 0 0
                                    

 Kabanata 23: How can you do it to me?

"Raven?" I mouth out to the phone. Nagising ako sa tawag ni Raven sa akin. It's just 11pm, maaga akong natulog pagkauwi namin ni Hexion. And speaking of that man, he is sleeping deeply beside me. Ang binti nito ay nakadikit sa'kin, habang ang kamay niya ay nasa balakang ko.

I heard a chuckle at the other line. "Buntis ka ba, Joxzel?"

"Hmm?"

"Hexion scheduled an appointment for Ob-gyn, under your name." She mumbled, "kung tatanungin mo kung paano nakarating sa'kin, eh nasa Baler ako... walang available Ob-gyn ngayon. Naalala mo 'yung Dr. Hulman Maternity Hospital?"

"'Yung paanakan malapit sa Pan De Manila?" I asked, 'yun lamang ang naalala kong Maternity Hospital.

"Sinunog 'yun last week para sa insurance–"

"What!?" Halos mapasigaw ako doon, agad kong nilingon si Hexion mabuti na lamang ay hindi siya nagising sa sigaw ko. Matagal na Ospital na ang Dr. Hulman's. Malawak din 'yun at abot kaya ang presyo para sa mga buntis, manganganak, nakunan at ano pa. It is a trusted hospital.

"May mga nadamay bang mga sanggol?"

Raven sighed, "may tatlong newborn na muntik nang hindi malabas ng mga nurses. May isang nurse na namatay para maligtas 'yung mga bata."

Natigilan ako sandali sa sinabi niya. Hindi ako agad makapagsalita. I don't know the nurse personally but one thing is for sure: she did whatever she vowed on her duty to keep that baby alive. It is so sad that in our country, we paid more attention to the artists on television rather than the medical professionals whose job is to save our lives.

Pagtapos ng tawag namin ni Raven ay bumabagabag pa din 'yun sa isipan ko.

Nitong mga nakaraang araw ay nakokonsensya ako. Doktor ako na gumugol ng matagal na oras sa pag-aaral ng medisina. Naglingkod ako ng mahigit isang dekada sa mga taong malayo sa kabihasnan, kinasaya ko ng lubos na tulungan sila. Sobra akong natutuwa habang nakatingin sa kanilang na himasmasang mga mukha kasi nagtiwala sila ng buong buo sa kakayahanan ko upang mapagaling sila.

Namuhunan ako ng pagod, pera, oras at maraming maraming mga pag-iyak para ilaban ang propesyon na taglay ko ngayon.

Med School is far from being easy. At hindi din libre, maswerte ako na kaya akong pag-aralin ng mga magulang ko para sa propesyon na gusto ko. I spent decade studying, habang nag aaral ako nakikita ko ang mga kaklase ko na nag-aasawa, may kotse na, may sariling bahay at bumubuo ng pamilya. Nakakainggit... at maraming beses na sumagi sa isapan ko na baka napag-iiwanan na ako. Baka hindi na ako maka keep up sa timeline.

The pressure became heavier when all of my friends settled down in front of my eyes.

Nilingon ko si Hexion na nanatiling tulog at nakayakap sa akin. Malumanay kong sinuklay ang buhok nito gamit ang mga daliri ko sa kamay. I've been feeling bad lately because... pakiramdam ko ay hindi ko na nagagampanan ang trabaho ko bilang isang doktor.

Kailangan ako ng mga tao pero heto ako ngayon: nagiging makasarili at pinipili ang sarili.

Sa tingin ko, oras na talaga para piliin ko kung ano man ang tumatakbo sa puso ko ngayon. Maybe love does expire and our hearts have the capability of loving another.

"Hmmm..." nagulat ako nang biglang ingungod ni Hexion ang mukha niya sa dibdib ko. "Why are you awake?" He asked with a gentle voice.

I can't help but to smile at our position. Sinong mag-aakala na ang dating masungit na doctor sa medical mission ay nagpapakalma sa akin ngayon. I felt safe and warm when he is with me, para akong tao na komportableng komportable sa bahay niya. That's exactly what Hexion made me feel.

SAUDADE: Loving Eye of Catastrophe (BS8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon