Kabanata 14

38 2 0
                                    

Kabanata 14: Territorial

"Mag sstay ka sa hospital, Joxzel?" Raven asked me over call.

"Yas," I mumbled, "Ich-check ko lang muna si Luxxe sa bahay tapos tsaka ako aalis. Bibilhan ko din muna siya ng supply bago ako mag quarantine ulit."

"Okay, stay safe." That's the last words she said before she dropped the phone. Mukhang nagkaroon ng pasyente bigla si Raven kaya niya di-nrop ang tawag agad-agad.

Bahagya kong inantay si Hexion na nasa likudan ko. I rode the bus last time. Baka mag book na lamang ako ng UV, madami namang dumadaan sa lugar na 'to. Pero kailangan ko munang magpaalam sa lalaking nasa likod ko.

That would be rude, If I didn't do so.

"Hexion," I called, "Mag bbook ako ng UV–"

"Why?" Kunot noong tanong nito sa'kin.

"Kailangan ko pa kasing umuwi muna, I need to check Luxxe."

"Okay," He said, akmang maglalakad na ako papunta sa direksyon ng UV nang muli siyang magsalita. "Iuuwi muna kita sa inyo, tapos tsaka ako pupunta ng Hospital."

Natigilan ako nang sambitin niya 'yun. Bago pa man ako makapagsalita naglakad ito papalapit sa sasakyan habang buhat-buhat ang mga bagahe ko. Una niyang pinasok ang mga maleta sa likurang parte ng sasakyan, bago siya muling magtungo sa unahan at pagbuksan ako ng pinto.

God... Jozxel, remember that this man is just your sperm donor! How come you felt butterflies!? Hindi ko maiwasang sermunan ang sarili ko.

"Joxzel, let's go... We both need sleep." Malambing na saad niya.

Inosente naman ang pagkakasabi niya na kailangan namin ng tulog dahil sa byahe. Pero hindi ko maiwasang mamula kasi alam kong may isa pang rason kung bakit namin kailangan 'yun. Nakayuko akong naglakad papasok sa passenger seat.

After I successfully put on my seatbelt, Hexion started the engine of the car.

Hindi ko maiwasang isipin, iniwan niya ba ang sasakyan niya dito ng isang linggo o may naghatid nito dito ngayon-ngayon lang. Dahil kapansin-pansin ang linis ng sasakyan niya. Gabi na ngayon, pero ni isang alikabok ay wala akong napansin. Noong unang beses na nakita ko si Hexion sa DIA ay may kasama siyang lalaki. Baka pinahatid niya lamang ito.

"Saan banda ang bahay mo, Joxzel?"

"Crissantum Street... Block 22 Lot 4." Halos pabulong na saad ko, ngayon ko lamang naramdaman ang pagod.

"Okay," He responded.

Nilingon ko na lamang ang labas ng bintana ng sasakyan. Nakatulala sa pamilyar na mga karatula na pangalan ng bawat street sa subdivision na ito.

"Dito nalang," I almost whispered as I unlocked the seatbelt. "Thank you..."

Akmang baba na ako nang mapagtanto ko na naka lock ang pinto. I sign Hexion to open the door on his side button. He just nodded at me. 

"Ibaba ko muna lahat ng gamit mo sa bahay mo."

"No, kaya ko naman na, mag rest ka nalang—"

Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang bigla siyang bumaba. Agad naman akong sumunod. I felt the cold breeze of night wind as step outside the car. Napayakap ako sa sarili ko bago ako maglakad patungo sa likuran. Hexion carried every baggage I had with his both hand. I offer my hand to help, pero hindi niya 'yun hinayaan kaya naglakad na lamang ako papunta sa gate ng bahay ko upang pagbuksan siya ng pinto.

"Ate Manda," I called to my dog sitter. 

"Is your family living with you?" Tanong ng lalaking nakatayo sa gilid ko. 

Before I could even answer his question...

"Luxxe!" I shouted as the dog cheerfully wagged his tail, while running aggressively towards my direction. Hindi na ako nakapagpigil na yakapin ang aso ko. It's more than a week since I last hug him. 

"Oh, nandito ka na pala, Iha." Saad ng babaeng lumabas sa bahay ko.

"Opo, pero aalis din ako agad--"

"Good Evening po," The man beside me greet in a very respectful manner.  

Ate Minda gives me a look of questioning. Marahil ay nagtataka siya kung sino itong kasama ko, eh si Rein lamang ang kilala niya. 

I cleared my throat and speak, "Magkape ka muna, Hexion...?"

Ang buong akala ko ay tatanggi siya, pero tumango lamang ito sa akin bago maunang maglakad. Sinenyasan ko din si Ate Manda na sumunod na sa amin. Natigilan ako nang pinauna akong pinapasok ni Hexion bago sumunod sa akin. This man raised in a western country but know how to show respect when he is in an Asian household. That thing is a very impressive.

"Hexion?" I murmured, napalunok ako nang bahagya nitong ilapit ang mukha niya sa akin. It was an innocent gesture of listening to me, yet I didn't know how it gives me butterflies? "Sure ka bang wala kang importanteng gagawin, I mean, did you really have time for a cup of coffee?"

Nakakatakot kasi baka sisihin na naman ako ng isang 'to kapag may napurnada sa plano niya.

He raised his eyebrow to me, "I thought you asked me for coffee--"

"I did," I answer,

"Then, I have time. You asked, that's enough." Nilapag nito ang mga gamit ko sa tabi ng sofa. 

Luxxe barks that caught both of our attention.  Muli akong umupo at niyakap siya bago mag tungo sa kusina para mag timpla ng kape. 

Natigilan ako sa ginagawa ko nang marinig ko ang tawanan sa salas. 

It's Ate Manda talking to Hexion. Dahan dahan akong naglakad papalapit sa kanila, dala dala ang tray na naglalaman ng kape.

"Ay naku, iho, 'yang si Kyl, puro aso ang inaatupag at hindi nagkaka oras sa lalaki." Namilog ang mata ko sa daldal ni Ate Manda, "at alam mo pa bang, minsan may nanligaw jan na sundalo—"

"Sundalo?" Puno ng kuryosidad na tanong ni Hexion.

Nanliit ang mata ko sa sinabi ni Ate Manda. Akmang magsasalita na ako nang muling magtanong si Hexion. Kapansin pansin sa tono ng pananalita nito ang pagkadismaya.

"Hanggang ngayon ba nanliligaw 'yung sundalo na 'yun kay Joxzel?"

Bago pa man makasagot si Ate Minda, ay nagsalita na ako. Inilapag ko ang kape ni Hexion sa lamesa.

"Kape ka na, Doc..." I mumbled, nakangiti pa ako nang banggitin ko 'yun.

Malumanay lang siyang tumango. "Okay... Thank you."

Kumunot ang noo ko sa biglang pagbabago ng emosyon niya. Pero pinagsawalang bahala ko na lamang iyon, baka dahil lang 'yan sa pagod niya.











SAUDADE: Loving Eye of Catastrophe (BS8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon