kabanata 3

78 4 0
                                    

Killer eyes

Marahan kong inunat ang mga braso ko, nang makababa na kami sa bus na naghatid saamin sa isang hotel. Kung saan kami pansamantalang mananatili hangga't hindi pa nakaset-up 'yung mga clinic na gagawin namin.

It's more a day travelling...

It's energy draining.

Nang marating naming ang hotel, walang ibang pumasok sa utak ko kung hindi ang humiga na sa kama ko. Bukas ko nalang siguro iintindihin, kung sino ang mga kagrupo ko. I really badly need to rest.

NAPABALIKWAS AKO sa pagkakahiga nang maaninag ko ang pagtama ng araw sa mga mata ko. Mabilis kong pinalibot ang paningin ko sa paligid, ang mga doctor na makakasama ko sa medical mission mamaya ay mukhang tulog pa. Tahimik na tahimik pa kasi ang paligid... at mukhang maaga parin.

3PM on the clock.

Ang unang tribe na bibisitahin namin ay mamaya pang 6PM, doon na kasi mag papalipas ng gabi.

"You awake?"

Nilingon ko ang pinto nang may biglang magsalita doon. I sighed as I recognize the voice of the speaker. Hindi na ako naghayang mag-sayang pa ng oras at agad akong lumapit doon. I am really excited to join this trip.

"Rise and shine, Rav." Saad ko nang buksan ko ang pintuan.

Bungad saakin ang nakangiting mukha ni Raven. Mukhang kagaya ko, excited na excited din ito.

"Mamaya pa naman 'yung start ng trip ah." I said as I observed her clothes.

Nakasuot na ito ng polo shirt na may naka printa ng capsule. Kada medical mission trip na sinasamahan namin ni Raven, nagpapagawa kami ng isang polo shirt. Isang remembrance na rin namin 'yun sa sinalihan naming trip.

"Bakit ba?" She ask, "kailangan ready tayo lagi,"

Ilang beses akong napailing bago ko sya lagpasan. Mukhang hindi na makapaghintay ang isang 'to.

"Nag donate ba si tito ng mga gamot?-"

Pinanlakihan ko ng mata si Raven nang bigla nyang sabihin 'yun. Nakita ko naman ang agaran nyang pagtatakip ng bibig matapos makita ang reaksyon ko.

"sorry," she mumbled.

Marahan akong tumango sa kanya. I don't like to be treat special because of my family status. Gusto ko tatratuhin ako ng tao, base sa pagtrato ko sa kanila.

I am thankful for my family, but I don't want to he shadowed by their deeds.

"He does," Mahinang saad ko nang muli akong umikot.

Ilang kahon ng gamot din ang binigay ng ama ko sa medical mission na 'to. Maybe I got that thing from him, the care for others.

Mabilis akong dumiretso sa banyo. Hindi ko na inintindi ang sinasabi ni Raven sa likod ko. I sighed as I face the mirror. Nakakapanibago nga talaga ang buhok ko lalo na't wala na akong tinatali tuwing humaharap ako sa salamin.

But I think, this is better this way.

Mabilis kong tinapos ang pagsisipilyo ko. Habang umaagos ang tubig sa faucet, nilapit ko doon ang mukha ko para mahugasan ito.

"Doc, good afternoon,"

Napangiti nalang ako nang batiin ako ng ilang doctor, pagka labas ko ng banyo. Karamihan sa kanila ang nakaupo sa lamesa. Ang ilan naman sa kanila ay nakatayo at nakasandal kung saan-saan. Karamihan sa mga ito ay lalaki, halos lahat kasi ng babae nakaupo na sa silya.

"good afternoon," I greet them too,

"kain na, Doc," Saad ng isang med student.

Tumango ako, "sige,"

SAUDADE: Loving Eye of Catastrophe (BS8)Where stories live. Discover now