Kabanata 26

19 0 0
                                    


"Xron..." I gently called my son.

Napapikit ako pagtama ng buhangin sa direksyon ko buhat ng pagtakbo ni Rulle. Hindi ko maiwasang mapangiti nang habulin si ni Xron. Malayo-layo naman ang lokasyon namin sa mga turistang nag s-surfing kaya hindi ako masyadong nag aalala na baka matamaan nila si Xron o si Rulle.

Mula sa gilid ng mga mata ko ay nahagilap ko naman si Luxxe na payapa lamang nakahiga sa kaniyang mat. Nakatingin lamang ito sa dagat. Kung tao siguro si Luxxe ay iisipin ko na malaki ang problema nito sa mundo.

"M-mommy!" Saad ni Xron habang patakbong lumapit sa'kin. "Mommy, I see a crab over there–" Tinuro nito ang parte ng seaside kung saan may mga buhangin na nakatayo, sa itsura nito animo'y may tinayong kastilyong buhangin na inabot lamang ng alon. "Mommy, Crab!"

"Come on, Mommy!" saad ni Xron nang subukan niya akong hilain patayo.

Tumayo na lamang ako at sinundan ang lokasyon na tinuturo niya sa'kin. Tama nga siya may mga maliliit na alimango nga na matatagpuan doon. Hindi ko maiwasnag mamahangha sa talino ng anak ko. Pero hindi na rin nakakapagtaka ang bagay na 'yun. He came from me and Hexion, both of us excel.

"Can you count them, baby?"

Xron nods at me, nakangiti itong humakbang palalapit sa isang bucket na halatang ginamit sa pagtatayo ng ngayon ay inalon ng kastilong buhangin. "One here," Turo nito sa alimango na naglalakad palabas ng bucket.

Hindi ko binibitawan ang kamay ng anak ko habang tinitignan niya ang mga alimango, mahirap na at baka masipit siya ng mga ito.

"Two! Mommy, two!" Xron excitedly informed me.

"Yey, there's another one there." I mumbled,

He smiled at me, "Three, four! Mommy, they have many friends!"

Hindi ko mapigilang mapangiti habang nakatingin sa anak ko. Xron is one of the best gifts the Universe has given me. Hindi ko lang maiwasang maalala si Hexion sa mga mata niya. Parang photocopy na version ng ama niya si Xron. Impossibleng hindi makilala agad ni Hexion ang batang ito na sa kaniya kapag nakita niya.

But why am I thinking about that too much... sayaw ko sa sarili ko. Dalawang taon ang nagdaan na ni anino niya ay hindi ko manlang nakita. Ni walang kamusta, ni hindi man lang niya tinanong kung maayos lang ba ang anak niya? Ni hindi ba sumaggi sa isipan niya ang bagay na 'yun?

"Mommy, why are you crying?"

Natigilan ako nang haplusin ni Xron ang pisnge ko. Ni hindi ko namalayan na may pumapatak na palang mga luha doon. Hindi ko namalayan na kahit nakalipas na ang dalawang taon ay talagang may epekto pa din sa'kin ang mga pangyayare noon.

-

-

-

-

"Nasa hospital ako ngayon..."

Mariin akong napapikit. Alas tres na ng madaling araw. Payapa nang natutulog si Xron sa tabi ko at ganon din naman sila Rulle at Luxxe. Nagising ako sa sunod-sunod na pagtawag sa'kin ni Rein.

I mumbled, "What happened to Papa? I told him already that he needs to rest."

"He wanted to see you, Kyl. He wanted to talk to you in person."

Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang lumuwas pa Manila si Rein. My life with Xron has become pretty normal. Quiet and calm. We are indeed living in peace as of the moment. A life that was far from trouble and stress. Pero alam kong hindi din pang habang buhay ay ganito. Hindi din pang habang buhay ay mamanatili kaming nasa Baler.

SAUDADE: Loving Eye of Catastrophe (BS8)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum