Kabanta 23: Ikalawang parte

24 0 0
                                    

"Joxzel, ako na." Agad kong iniwas ang isang karton na hawak ko sa lalaking lumapit sa'kin para kunin ito.

"Ako na," I insist.

Halos nabuhat na ni Hexion ang lahat ng mga gamit namin. Kapansin-pansin din ang tagatak ng pawis nito. But mind you, he smells like a man fresh from a bath. Hindi ko din alam kung paano 'yun ginagawa ni Hexion. Ni walang bakas na pagka hagard sa mukha nito kahit pinapawisan at pagod.

He sighed, "Ang kulit mo naman, love."

Para akong napako sa kinatatayuan ko, hindi ako makagalaw, ni makapagsalita. Sobrang bumilis ang tibok ng puso ko. Tulala akong napatingin sa lalaking tumawag sa'kin, pero agad ko ding iniwas 'yun dahil ramdam ko ang pag init ng magkabilang pisnge ko.

Nilipag ko na lamang ang karton sa bukana ng bahay. Nang ilibot ko ang tingin ko para pansamantalang libangin ang sarili at hindi maukol ang atensyon ko sa tinawag sa'kin ng lalaking nakatayo sa likuran ko, ay nakita ko ang madaming mga kagamitan sa loob ng bahay na nababalot pa ng plastic at mukhang hindi pa nabubuksan.

"Bagong bahay mo ba 'to?" I asked,

I can feels Hexion glance at me from behind, "Bahay natin,"

Kunot noo ko siyang nilingon. Hinayaan ko na mapagtakpan ng facial expression ko na 'yun ang bilis ng pagtibok ng puso ko ngayon. Bahagya akong napatingala sa tangkad ng lalaking kausap ko.

"I bought this house a few weeks ago and named it under yours."

Na-ubo ako sa sinabi niya. Banayad na paghaplos naman sa likuran ko ang naramdaman ko matapos 'yun. Makailang beses niyang tinanong kung ayos lamang ba ako pero hindi ako nakasagot.

"What are you thinking?" I asked, "why, Hexion? Why are you doing this?"

He smiled and looked at me straight to my eyes. "This is me... committing to you, Joxzel."

"H-hexion..."

He grabbed my hand and intertwined it. "I know you came from a great family, Joxzel. Alam kong ayaw mo lamang pag-usapan na mula ka sa mga Hermes." Bumakas ang pagkagulat sa mga mata ko nang sambitin niya ang apelyido ko.

I am not denying my roots. I am proud to be part of Hermes' clan, and have their blood running into my veins. Pero ang pressure na binibigay sa'kin ng pangalan na 'yun ay hindi ko gusto. I wanted people to act up to me as a plain me. Me without power, influence and money. Kasi madalas nagbabago ang paningin sa'tin ng tao dahil sa mga bagay lamang na 'yan.

"I just found it after I bought this house. Hindi ko tuloy sigurado kung magugustuhan mo."

Muling kumunot ang noo ko sa kaniya. "What are you saying, Hexion?" Nilibot ko ang paningin ko sa paligid, "This is literal a mansion."

"You like it?" He asked, I can sense a hint of nervousness in his voice.

I nod, "I love it... for I love being with you, even if it means living under the roof of a nipa hut."

Hexion grabbed my waist and pulled me closer to hug me. "Joxzel..."

-

-

-

-

-

"Heyyy, 'yung medyas mo oh!" Natatawang saad ni Hexion bago tumalon sa kama at sinuotan ako ng medyas.

We are living under one roof since our quarantine in Mindanao. Simula naman noon ay naasasanay na akong sino-suotan niya ako ng medyas sa gabi dahil alam niyang di ako makakatulog n'yun. Having Hexion around is a breath of fresh air.

SAUDADE: Loving Eye of Catastrophe (BS8)Where stories live. Discover now