kabanata 9

59 4 7
                                    

Kabanata 9: The attack of cockroaches

Ako na mismo ang lumayo kay Hexion. Hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya kaya napayuko ang ulo ko nang tumayo ako sa kama. I gave him an awkward smile. Mukhang seryosong-seryoso naman ito habang nakatingin sa'kin.

"S-sinigurado ko lang na patay 'yung ipis, Doc—Hexion." I shyly said, bahagya kong binalik ang tingin ko sa ipis na ngayon ay 'di na gumagalaw. Pinagsaklob ko ang mga kamay ko bago muli siyang lingunin. Marahan akong tumango at pilit na ngumiti nang magtama ang mata namin. "Salamat..."

Nang tumalikod na ako doon ko lamang narinig ang tugon ni Hexion.

"Don't disturb me again, especially... when the reason is so freaking small." Rinig kong saad niya. Sinalubong ako ng isang seryosong tingin nang bahagya akong lumingon sa likod ko. "Cockroahes won't kill you, believe me."

Natigilan ako habang nakatingin sa kaniya, hindi ko alam kung paano sasagutin ang bagay na 'yun. My sight drop to his laptop, maybe he is really busy.

"I'm sorry..." I mumbled, "...hindi na mauulit."

Hindi ko maiwasang makaramdam ng hiya pero may parte din sa'kin na nainis sa lalaking 'to. Sadyang ganon ba talaga siya kaseryoso sa buhay para sungitan lahat ng tao sa paligid niya?

o—o—o—o

It's day three on being quarantine here. Napatulala ako habang nakatingin sa water despenser. Alas tres pa lamang ng madaling araw ngayon, tulog pa ang lalaking kasama ko. Habang ako ay hindi makatulog. Ang daming mga bagay na tumatakbo sa isipan ko ngayon.

Binalik ko ang tingin ko sa takure na ngayon ay sumisipol na. Inayos ko ang pagkakapatong ng tuwalya sa balikat ko bago lumapit doon. I want to take my shower really early, lutang kasi ako nitong mga nakaraang araw. Naninibago ako sa ganitong routine.

Akmang dadalhin ko na sana ang takure sa banyo nang tumunog ang cellphone ko.

From Rein:

I love you, remember that... always.

Mabilis kong binaba ang takureng hawak ko nang mabasa ko ang message ni Rein. Biglang nangingig ang kamay ko habang nakatingin sa sreen ng cellphone ko.

Rein...

Makailang beses kong denial ang number ni Rein, pero hindi niya ito sinasagot. Mas lalo akong kinabahan.

From Rein:

Kyl, I am trained to do this. I'll be fine. No worries, huh?

Napabuntong hininga ako habang nakatingin doon. Hindi ko maiwasang makaramdam ng pag-aalala habang ang atensyon ko ay nasa message niya.

Rein...

I typed a message first.

To Rein:

Take care, I want to see you again.

Ilang minuto na akong nakatayo doon nang wala akong marecieve na mensahe galing sa kaniya. Bagsak balikat kong binalingan ng tingin takure na nasa harapan ko. Inalapag ko saglit ang cellphone sa counter at dumiretso na sa banyo.

Rein making me nervous again.

Nakatulala ako habang dinadama ang lamig ng tubig na bumabagsak sa balikat ko. Marahan kong minamassage ang buhok na bumubula na ngayon dahil sa shampoo. Napapikit ako nang may bulang napadpad sa kilay ko.

"Joxzel, your phone is ringing—"

Namilog ang mata ko nang marinig ko na sinabi 'yun ni Hexion. In my adrenaline, hindi ko na napigilan ang sarili ko na balutin ang katawan ko. Wala akong pakialam kung may sabon pa ang ulo ko, kung basang basa pa ang mukha ko ngayon. The important thing I have in my mind now is to talk to Rein.

SAUDADE: Loving Eye of Catastrophe (BS8)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ