Kabanata 16

30 3 2
                                    

 

Kabanata 16: Affection

Pinagmasdan ko ang bawat pagpatak ng ulan, habang tahimik na nakikinig sa diskusyon ng mga katrabaho ko. Minsan hindi ko din talaga napipigilang mapatulala. Life seems to run in a fast phase. My last memories with Burgurls are when we are on highschool ditching classes. And then, we are all professionals drinking and dancing at the bar, followed up with a memory of me attending all of their weddings. Sa walo, ako na lamang ang hindi kinakasal. I am in my late 20's, halos isa't kalahating taon na lamang at mag ttrenta na ako.

When I was younger, planado ko ang bawat hakbang ko sa mundo. Mula sa pinakamaliit na desisyon hanggang papalaki. I got my life together. But as I get older, I forget to do those habits. I constantly found myself crying due to being overwhelmed by things. Ngayon, pakiramdam ko na stuck ako sa loop at hindi ko alam kung anong nangyayare. I let things go with the flow.

"Like what I am saying... sobrang nakakakilabot 'yung mag-live-in partner sa room 408."

Hinila ako pabalik sa realidad nang marinig ko ang saad ng isang surgeon. Bahagya niyang tinignan kung nakasarado ba ang pintuan ng meeting hall namin bago muling magsalita. Parte ng tarbaho namin ang mag obserb; madalas, puro pang gamot at opera pero hindi din maiwasan na may makalusot na ganitong mga balita.

I crossed my arms while silently watching her.

"Yung nasa 408 na room, pareho silang may kaso ng domestic violence." She said, "parang parehong may sira sa pag-iisip 'yung dalawa o sobrang toxic lang talaga ng relasyon nila."

Another doctor from the same department speaks, "Ah, 'yung Hun na pasyente ba? Pang apat na beses na nilang pinapapulis ang isa't-isa ngayong buwan. Last 2018 ko pa naging pasyente 'yang dalawa. They are indeed toxic with one another, tho, hindi naman nila maiwan ang isa't-isa."

"They will fill charges now, claiming na sinaktan sila ng partner nila tapos hahatulan ng punishment then sila din mismo ang mag bbail sa isa't-isa and then magsasama ulit sila sa isang bahay and the cycle continues." He continued.

"Why don't they simply abandon each other?" I asked.

Nakuha ko naman ang atensyon ng lahat sa kwarto.

A surgeon with psychology as pre-med stood. "Trauma bond. Marahil galing sila sa parehong abusadong relasyon noon at nasanay sila na kaunting galit lang ay dapat dinadaan sa dahas. If you were ask me kung may love ba na existing kahit halos magkapatayan na sila lagi? I might say yes."

Nakita ko ang marahan na pagtango ng mga kasama namin. What?

"How come na may pagmamahal doon?" I asked again.

She smiled at me, "I studied their case, sobrang pabalik balik kasi sila dito kaya na curious ako. The woman, Alexandra Hun, 32, divorced. While her partner, Lee Raymond, 28 and also divorced. Lee Raymond is a loving father to his three daughters, on the other hand, Alexandra is the exact opposite of him, in treating her son."

We are in the middle of the room with 20 doctors listening to her.

"They are both products of failed marriage." She stated, "The man, Lee, suffers from extreme anger issues. Sunod sunod na cases ang nireport laban sa kaniya ni Alexandra. Sinasaktan niya ang kinakasama niya sa pinakamaliit na inconvenience, ganon siya magalit. Hindi niya napipigilan ang sarili niya ih. I am talking about his third case that Alexandra raised that made him imprisoned for 2 months, yet afterwards, si Alexandra din mismo ang nag piyansa sa kaniya–"

My jaw dropped, what?

Magsasalita pa sana ako nang maramdaman ko ang presensya ng lalaki sa likuran ko. Kahit hindi ko pa nililingon, sa amoy pa lamang nito ay alam kong si Hexion na 'yun.

SAUDADE: Loving Eye of Catastrophe (BS8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon