Chapter 3

838 40 0
                                    

Joaquin's PoV

Pagkadating na pagkadating ko sa mall ay sinalubong agad ako ni Marcus na halatang inaantok pa. Tsh.

"Asan kambal mo?" Tanong ko pagkalabas ko ng sasakyan. Agad n'ya namang itinuro si Marco na kumakaway kaway sa malayo. May itinuturo s'ya, siguro ay si Lucas.

Agad namang napataas ang kilay ko ng makita ko si Lucas na nakasilip sa salamin ng department store no'ng nakalapit na ako. Ano naman kayang trip ng isang 'to?

Naglakad ako papunta sa likod n'ya na halata namang hindi n'ya ako napansin kaya kinuha ko ang panahon na 'yon para tignan kung ano ang tinitignan n'ya at nakita ko ang babaeng nakasuot ng leather jacket at nakamask na namimili ng libro sa bookcase.

Nakamask? S'ya yung babae kanina? Nakapusod ang mahaba n'yang buhok pero ang gulo. Tsk, mas maganda padin si Chelsea.

Napakunot naman ako ng noo dahil sa sinabi ko. Aish, malamang mas maganda si Chelsea!  Wala nang ibang mas gaganda pa kay Chelsea! Tinignan ko ulit si Lucas na nakatingin na pala sa'kin kaya nagulat ako pero agad din naman s'yang lumingon palayo.

Tumingin ulit s'ya sa babae pero wala na 'yon doon. What the? Saan nag punta 'yon?

Lumingon ako sa likod ko at ganoon nalang ang gulat ko ng makita ko s'ya sa likod namin at nakahalukipkip. Teka, paanong.... Ang bilis naman n'ya?

Agad akong napalunok dahil ang tapang ng tingin n'ya sa'ming dalawa ni Lucas. Inaangasan ba ko ng babaeng to?

"Anong tinitingin-tingin mo d'yan ha?" Tanong ko. Pero hindi n'ya ako sinagot, palipat-lipat lang ang tingin n'ya sa'min bago s'ya lumakad papalayo. Anak ng!

Bastos to ah! "Hoy! Huwag kang tumalikod kapag kinakausap kita!" Sabi ko bago hatakin ang braso n'ya pero mabilis n'ya 'yong nahatak at nasipa ako sa binti dahilan para mapaluhod ako.

Literal na napanganga ako habang nakatingin sa lapag dahil sa pagkabigla.

Saan n'ya naman nakuha ang lakas ng loob para gawin 'yon? Hindi n'ya ba ako kilala?! At bakit ang lakas n'ya? Bakit parang ang dali lang sakan'yang nasipa ako??

Binitawan n'ya ako dahilan para bumagsak ang brasong hawak-hawak n'ya at tsaka s'ya naglakad papunta sa parking lot. Mula dito ay kita namin ang sinakyan n'ya at pinatakbo.

Ducati chopper.

"Ano 'tol! Ayos ka lang ba? Pakshet! Ang astig n'ya naman HAHAHAHA!" Sabi ni Marco. Sinamaan ko naman s'ya ng tingin dahil sa sinabi nya. Napakadaldal talaga ng isang 'to. Tumayo ako at pinagpag ang pantalon na soot ko. Peste 'yon ah.

"Fascinating." Sabi ni Lucas habang abot tenga ang ngiti. Napailing s'ya at tumingin sa'kin. "That's a first." Sabi n'ya pa tsaka tumawa.

"Unknown girl 1 - Joaquin 0." Pang-aasar pa ni Marcus.

"Mga gago. 'Yon ba 'yong kaninang hinabol mo sa park?" Tanong ko sakan'ya habang nakaturo sa nilabasan ng babae kanina.

Nag kibit-balikat s'ya at sinabing-- "Siguro. Parehas ng mata eh. Pero bakit kaya s'ya nakamask? Hmm..." Sabi n'ya habang nakatingin din sa exit ng mall.

"Baka pangit." Sabay na sabi ng kambal kaya naman nag apir sila at sabay na tumawa. Tsk, pareho talaga ang takbo ng utak ng dalawang 'to eh.

"'Yon siguro ang sinasabi ng kapatid ko na nagpasakay sakan'ya sa motor na ducati chopper. Peste!" Sabi ko at asar na asar sa iniisip ko na baka sinaktan n'ya din ang kapatid ko katulad ng ginawa n'ya sakin.

Meeting The Devil's SonWhere stories live. Discover now