Chapter 25

400 35 0
                                    

Bella's PoV

Hindi ko mapigilang hindi maluha dahil pwedeng pwede kong sabihin sakanila ngayon din ang nalalaman ko, pero maaaring ilagay no'n sa kapahamakan ang mga buhay nila kapag may nalaman sila, ngayon pa't nag pa-plano na sina Cassandra na patayin 'tong mga 'to.

I could try and tell them the truth but i don't know if they will even believe me or if they will stand by my side not on my fvcking way.

Etong Joaquin naman na 'to ayaw pa akong paalisin. Torture din eh 'no.

Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay nakita ko ang mga pinsan ko na nakikinig doon kaya medyo natawa pa ako kasi kabado silang tumawa bago tumakbo sa likod ni kuya. Your mama misses you so much. I secretly smiled before laying my eyes on my brother. I think he's mad. Welp, I'm outta here.

"Care to explain everything, Joaquin Lexington?" Tanong ni kuya. Yari ka, pfft.

Masaya ako na...kahit sa isip ko lang ay natatawag ko sila bilang kuya at pinsan. Dahil hindi ko alam kung dadating pa ba ang oras na matatawag mo pa ba silang gano'n dahil baka kamuhian na nila ako lalo na ni kuya kapag naisagawa ko na ang plano ko. I pity you so much, brother.

Nag lakad na ako papunta sa dining table para isalansan ang mga pinagkainan at nilutuan ko at inilagay ko 'yon sa lababo bago ako kumuha ng tatlong mangkok para lagyan ang tatlong pugo ng bulalo at tsaka 'yon inilagay sa lamesa. Tumukod ako doon ng makita ko silang nakaharap pala sa'kin, parang pinapanood akong kumilos. Ampupu, ano ba 'yan.

"Ano pang itinutunganga n'yo d'yan? Kumain na kayo dito, 'yon naman ang ipinunta n'yo diba?" Tanong ko bago mag punta sa lababo at sinimulang hugasan ang mga plato ng nakangiti. Kita ko kung pa'nong nalukot ang mukha nila dahil sa sinabi ko pero naupo na din naman.

"Anong ginagawa mo dito Bella?" Tanong ni Marco habang sumusubo ng bulalo.

"Oo nga, hindi ba't parang aso't pusa kayo nito ni pareng Joaquin?" Segunda naman ni Marcus bago tumikim ng bulalo. Nakita ko kung pa'nong manlaki ang mga mata nila ng matikman ang luto ko kaya mas napangiti ako pero agad din 'yong nawala ng mapatingin ako kay Joaquin na nakahalukipkip at naniningkit ang mata na nakatingin sa'kin. Anong tinitingin-tingin mo d'yan ha?

"Are you living with--"

"Hindi ang sagot sa tanong n'yo." Sabi ko pagkatapos ko mag hugas at nakapamewang na humarap sakanila.

Nagkatinginan naman ang tatlo na animo hindi naniniwala habang ang noo naman ni Joaquin ay nakakunot na, parang gusto n'ya pang umangal sa sinabi ko kaya pinanlakihan ko s'ya ng mata at binigyan ng 'sumakay-ka-nalang' look.

"Eh sinong nag luto nito?" Tanong naman ni Marcus.

"S'ya." Sagot ko bago nag lakad papunta sa ref para kumuha ng tubig.

"He doesn't know how to cook bulalo." Sabat ni kuya habang nakakapandudang nakatitig sa'kin kaya napalunok ako. Ampotek! Bakit naman kasi hindi marunong mag luto!

"Bakit, hindi ba uso ang YouTube sain'yo, ha?" Tanong ko bago lumapit sa sink para sana ilagay ang baso pero inagaw 'yon ni Joaquin sa kamay ko kaya napalingon ako sakan'ya.

"Ano ba?" Tanong ko sakan'ya habang nakakunot ang noo pero nag lakad lang s'ya sa ref bago kumuha ng tubig at uminom. Anak ng teteng.

Nakita kong papalit-palit ng tingin yung tatlo sa'ming dalawa kaya naman sinamaan ko ng tingin si Joaquin. Nag hahanap ng gulo 'to eh.

Meeting The Devil's Sonحيث تعيش القصص. اكتشف الآن