Chapter 49

258 25 0
                                    

Joaquin's PoV

"So?"

Agad na napatingin ako sakanila bago napalunok sa kaba dahil sa mga talas ng tingin nila sa'kin. Andito kami ngayon sa may puno nakaupo at nakapalibot sina Jester sa'kin pati na din ang kambal at si tito na inaabangan ang sasabihin ko. Aish! Bakit kasi iniwan ako dito ni Bella?!

"A-ahh...ganito kasi 'yan..."

[Flashback]

"Let's play a game." Sabay na sabi namin.

Kita mo nga naman, pareho pa kami ng isip netong si Tibo oh.

Sabay kaming napangisi at tsaka tumalikod para kumuha ng mga gagamitin namin kaya agad akong lumapit sa lamesa at pagkaharap ko ay lumapit ako sakan'ya dala ang papel at ballpen para sana sa tic-tac-toe kaso...

"Tic-tac-toe? Ano ka, bata?" Tanong n'ya at tsaka lumapit sa'kin.

Ngingisi-ngisi n'yang inalog-alog sa harap ng mukha ko ang...baraha?

"Anong gagawin natin d'yan?" Tanong ko bago s'ya pinangunutan ng noo. Ano naman kayang malalaro namin sa baraha? "Unggoy-ungguyan--"

"Bobo." Sabi n'ya bago naupo sa sofa at tsaka nag labas ng sigarilyo. Agad naman akong napabusangot. "Tong-its."

Tong-its? Pambihira! Ni hindi ko nga alam kung pa'no laruin 'yon eh!

"Hindi ko alam kung pa'no laruin 'yon. Napakadugas mo talaga kahit kailan!" Sabi ko bago lumapit sakan'ya. Sinamaan ko s'ya ng tingin pero ginantihan n'ya lang din ako ng tingin kaya napanguso ako. Mandaraya talaga!

Bumuga s'ya ng usok kaya agad kong kinuha sa bibig n'ya ang sigarilyo at pinatay ang sindi no'n kaya mas dumoble ang sama ng tingin n'ya sa'kin. Tsk! Anong akala mo, masisindak mo ako d'yan?

"Makinig ka. Ganito laruin 'yan."

---

Malakipas ang limang minuto ay naintindihan ko na din kung pa'no s'ya laruin. Ha! Gano'n lang pala eh, sisiw!

Meeting The Devil's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon