Chapter 5

633 39 0
                                    

Lucas's PoV

Sinundan ko s'ya ng matapos na s'yang makipag-usap sa telepono n'ya. I wonder kung sino ang kausap n'ya at kung bakit s'ya nakamask kanina. May sakit kaya s'ya?

Pagkaakyat ko ay nakita ko s'yang sumasayaw and wow...

She's good. Wait, scratch that, she's amazing! Ang galing n'ya sumayaw. Kahit ang baklang masungit na instructor ay napangiti habang pinapanood s'yang sumayaw. Malambot ang katawan n'ya to be exact and her body sways so smoothly kahit walang music.

Something tells me that i need to know her more. That i have to know everything about her, everything.

She stopped dancing and she suddenly let out a sigh before heading back to the chair para kunin ang jacket n'ya. Bigla namang dumating ang kambal na ang ingay ingay kaya napalingon ang dalawa sa loob. Agad kong inilagay ang hintuturo ko sa labi ko para isenyas na manahimik silang dalawa. Nagbatukan pa silang dalawa na nagsisisihan kung sino ang maingay. Aish!

"You're in. And you're our star this year, no buts." He said bago nagpunta sa harap ng salamin at nagsayaw ulit. Alam kong nagsusungit lang 'to dahil bago pa 'yung babae pero habang patagal ng patagal ay magiging close din sila. Ganon 'yang baklang 'yan eh.

Agad namang napahilamos ng mukha 'yung babae dahil halatang ayaw n'ya. Pfft, she's adorable.

Lumabas na s'ya ng walang sinasabi at agad na napahinto dahil nakita n'ya ako na nasa may pinto. Tumaas naman ang kilay n'ya pero nagpatuloy lang sa paglalakad. I was taken aback when i saw her looked at me straight to my eyes. Those eyes, i could've sworn i already saw those somewhere...

Napatigil ako sa pag-iisip ng makita kong papababa na s'ya. Shit! Kailangan ko malaman ang pangalan n'ya!

"H-hey!" I said while chasing her. Hindi s'ya lumingon kaya naman binilisan ko ang pagbaba sa hagdan para lang maabutan s'ya at maitanong ang pakay ko.

Naabutan ko s'ya at nailagay ko ang kamay ko sa balikat n'ya pero gano'n nalang ang gulat ko ng maibalibag n'ya ako. Aray ko!

"Bro!" Sigaw ng kambal at agad akong tinulungan tumayo. Napapikit ako ng maramdaman ang sakit sa likod ko. Tumingin ako sakan'ya at nakita kong nakatingin lang s'ya sa'kin at nakataas ang kilay. Sungit.

"Gusto ko lang naman malaman ang pangalan mo." Sabi ko habang hawak ang likod ko. Tumango lang s'ya at naglakad papalayo. Literal na napanganga naman ako dahil do'n. What the hell?

"Ano bro? Ayos ka lang?" Tanong no'ng kambal habang nakatingin doon sa hagdan na dinaanan n'ng babaeng bumaba. Tsk! Sila kaya ibalibag ko tapos tanungin ko kung ayos lang sila? Ano 'to, gagohan

Si Marcus naman ay ngingisi ngisi na nakatingin doon sa babae. Alam ko ang iniisip nito, ang kapatid nitong si Marco eh makulit pero etong isang 'to matinik sa babae, lalo na ang mga lumalaban. Hindi ko gusto ang naiisip ko-

"H'wag mo nang tangkain Marcus Sasaki."

Pati ako ay nagulat dahil sabay kami nagsabi n'yan ni Joaquin. Nagkatinginan kami at umiling pareho. Natawa naman ako dahil nangunot lalo ang noo n'ya. Pfft.

Tinaas naman ni Marcus ang dalawang kamay n'ya na animo sumusuko na at tsaka s'ya natawa.

"Kayong dalawa ha." Sabi ni Marco na may mapang-asar na tono. Napailing na lang ako at idineretso ang likod ko. She's damn strong.

Napailing nalang ako dahil mas may dahilan na ako para malaman ang tungkol sa pagkatao n'ya.

"Ikaw din, Lucas Buenavente. H'wag mo nang tangkain." Sabi ni Joaquin na ikinataas ng kilay ko. At nangunot naman ang noo ko dahil sa pagtaas ng kilay ko. Never ko nagawa 'yon hmm, nahawa ata ako.

Meeting The Devil's SonWhere stories live. Discover now