Chapter 73

49 9 0
                                    

Jester's PoV

Ang boring kapag walang action!

Kailan ba 'yong huling beses na napalaban kami? Tagal na din no'n, muntik ko ng ma-miss magkabangas pero dahil kailangan kong ingatan ang angking ka-gwapuhan at ka-kisigan ko, h'wag nalang pala.

"Brad, naaalibadbaran na ako sa'yo, kanina ka pa patingin-tingin sa salamin mo."

Tinapunan ko lang ng maikling tingin si Yuan na nakabusangot sa harapan ko bago ibinaba ang salamin.

"'Tol, gano'n talaga, mahirap maging pogi eh." Pangaalaska ko pa sakanila ni Raven na lumalamon nanaman katabi n'ya bago hinawi ang buhok ko. "Kaya nga--"

"Kaya nga brad, buti hindi mo naranasan 'no?"

Agad kong binigyan ng bad finger si Raven dahil sa pambabara n'ya kaya natawa sila pareho. "Ulol, sa gwapo kong 'to? Bulag lang ang--"

"Bulag lang ang lalapit sa'yo, hahaha." Sabay na tawa ng dalawang ugok na 'to kaya inangilan ko nalang sila at tumingin sa may pinto dahil tumunog ang gate.

"Palibhasa pareho kayong napainom ng mga panis na gatas no'ng mga bata kayo eh, 'no." Inis na sabi ko na ikinatawa nilang dalawa.

Andito na agad sila? Tanong ko sa sarili ko dahil kapag umaalis si Bella para pumunta sa kuya n'ya ay kadalasang pagabi na kung umuwi 'yon. Ahh, baka dito sila tatambay.

"Ay brad, kilala mo 'yung nagsasabi lagi ng ano, 'yung 'todo na 'to'?" Tanong bigla ni Raven bago ipinakita ang picture sa cellphone n'ya. "Lagi kong nakikita 'yan sa pesbuk ko, tawang tawa ako lagi."

"Si Rufa Mae?" Sagot naman sakan'ya ni Yuan no'ng tinignan n'ya ang picture kaya tinanguan s'ya ni Raven bilang sagot dahil hindi nanaman s'ya makapagsalita dahil sa pagkain sa bibig n'ya.

"Ganito kasi 'yan mga 'tol, ehem." Sabi ko ng maisip kong gayahin si Rufa Mae. "Go, go...gago!"

Agad akong napatayo ng makita ang magang mata ni Bella habang papasok sa pinto. "Anong nangyari sa'yo?" Tanong ko habang nakakunot ang noo ng malapitan s'ya pero hinawi n'ya lang ang kamay ko na nakahawak sa pisngi n'ya bago dumiretso sa kwarto n'ya kaya nilingon ko nalang ang kasunod n'yang si Hiro. "Anong nangyari do'n?"

"It's a long story." Sabi n'ya lang bago ipinag-krus ang kamay sa dibdib n'ya kaya agad na nangati ang palad kong manuntok ng mukha.

"Tarantado ka pala eh, edi paikliin mo!" Sigaw ko sakan'ya dahilan para sa'kin s'ya tumingin. "Magsalita ka ngayon din at paikliin mo 'yang storyang sinasabi mo kung ayaw mong buhay mo ang umikli." Gigil na sabi ko sakan'ya.

Mula noong mga bata pa kami, pinaka-ayaw namin lahat na makitang umiiyak si Bella, kapatid na ang turing namin sakan'ya kaya ayaw namin na nakikita s'yang gano'n, feeling namin ay bumabalik 'yung mga panahon noong mga bata pa kami na mag-isa s'ya at wala s'yang malapitan kasi wala sila tito sa tabi n'ya.

Magsasalita na sana ulit ako ng biglang bumuntong-hininga 'tong si Raven at kakamot-kamot ang ulong lumapit sa'min kasunod ay ang nakapamulsang si Yuan. "Nakipag-break s'ya?"

Taka ko s'yang tinignan bago inilipat ang tingin ko kay Hiro dahil sa pag tango nito. "Nakipag-break? Sino?" Tanong ko pa dahil naguguluhan ako, mukhang may alam silang tatlo pero ako 'tong parang tanga na walang alam sa sitwasyon. "May alam ba kayo dito?"

Parang nag aalangan pa si Raven na sumagot pero wala din s'yang nagawa ng magsalubong ang paningin namin matapos ko s'yang bigyan ng matalas na tingin. "Brad, tanda mo 'yung araw na kasama n'yong dalawa ni Yuan si Bella sa kabilang pad n'ya?"

***

Raven's PoV

"Natatandaan n'yo? Diba nag paalam ako no'n na lalabas ako saglit para magpahangin? Pinagalitan n'yo pa nga akong dalawa kahit si Bella pumayag na." Sabi ko bago binutingting ang kamay ko sa kaba dahil sa natatanggap kong tingin kay Jester.

Meeting The Devil's SonKde žijí příběhy. Začni objevovat