Chapter 43

306 24 0
                                    

Bella's PoV

Ano bang ginagawa n'ya?!

Naiurong ko ang ulo ko ng bigla n'yang hinalikan ang tenga ko kaya asar akong napapikit at nag isip.

Tuso ka ha. Ginagamit mo ang kahinaan ng tao para mapatumba mo. But not me.

Ipinagdikit ko ang palad ko at tsaka 'yon isinuntok sa tyan n'ya dahilan para mapaatras s'ya.

"Boooooo!!"

Hinila ko ang braso n'ya at buong lakas s'yang  ibinalibag at agad ng lumapat ang likod n'ya sa lapag ay hinawakan ko ang kamay n'ya papataas.

"Araaaay." Sabi n'ya habang nakahawak sa kamay ko. Nanatili akong nakatayo at tsaka inilagay ang isang paa ko sa gilid n'ya, ngayon ay nasa gitna ko s'ya na nakahiga.

"Masakit?" Tanong ko sakan'ya.

Tumango naman s'ya kaya dahan-dahan kong pinilipit ang kamay n'ya dahilan para mapasigaw s'ya.

"Araaaaaaaaaaaaaaay!!" Sigaw n'ya at laking gulat ko ng hatakin n'ya ako dahilan para mapahiga ako sa dibdib n'ya at hindi ko inaasahan ang pag-ikot n'ya kaya ngayon ay nasa ilalim n'ya na ako. Inipit n'ya ang dalawang kamay ko sa itaas ng ulo ko at tsaka n'ya ako dinaganan. Shit!

"Ano ba!!" Sigaw ko at sinubukang kumawala pero sadyang mas mabigat s'ya sa'kin at iniipit n'ya ang mga binti n'ya sa binti ko bago n'ya ako tinignan.

"Not so easy huh? Give up already, tibo." Sabi n'ya kaya sinamaan ko s'ya ng tingin. Maririnig ang panunukso ng ilan kaya may naisip akong gawin.

"5!"

"4!"

"3--"

"The word 'give up' is unfortunately not in my vocabulary, dimwit." Pagpipigil ko sa pagbibilang na habang nakangisi bago pwersahang isinipa ang tuhod ko papunta sa pinakaiingat-ingatan n'ya dahilan para mapagulong s'ya sa gilid ko. Agad akong tumalon sakan'ya inilagay ang tuhod ko sa leeg n'ya at ang paa ko ay tinapakan ang kamay n'ya na nakahawak sa baba.

"Oooooooh."

"Aray kooooo!" Sigaw n'ya pa kaya mas diniinan ko ang pagkakatapak sa kamay n'ya dahilan para mas mapahiyaw pa s'ya. "Bella, tama naaaaa!!" Sabi n'ya pa at itinulak ako papalayo. Tumayo na ako tsaka ngumisi sa iba.

"Wala pa din talagang tatalo sa nag-iisang si Majesty." Sabi ni Jester kaya natawa ako ng bahagya.

"Angas boss." Sabi namang nina Raven at Yuan habang ang kambal naman ay bagsak ang balikat habang nakatingin kay Joaquin na namimilipit pa din sa sakit.

"Umay sa'yo, bro!" Sabi nila kaya natawa kami. Si dad ay nakangiti sa'kin kaya ginantihan ko s'ya ng ngiti ng biglang--

Agad akong napaupo ng sipain ako sa paa at akma na sana akong aatake ng bigla n'ya akong hatakin sa batok at hinalikan!

Oh no! Not in front of them again! But, shit! I'm loosing control everytime that i kiss his lips!

Naramdaman ko ang dahan-dahang pag lapat ng likod ko sa lapag ng hindi manlang pinuputol ang paghalik n'ya sa'kin. My brain is not functioning well, Joaquin. This is all your fault!

"TENG! TENG! TENG! NATALO NA SI BELLA!"

Agad akong napadilat at naitulak si Joaquin papalayo at nakita kong ngingisi-ngisi s'yang bago tumayo.

"Gotta play dirty to win a game against you." Sabi n'ya bago kumapit sa'kin at binuhat ako papatayo. Shit! Nanlalambot ang mga tuhod ko!

Meeting The Devil's SonWhere stories live. Discover now