Chapter 15

517 31 1
                                    

Marco's PoV

Pagkadating namin sa classroom nila ay biglang umingay. Pero agad ding nawala ng dumating si Sir. Galang. Sa'ming apat last year, si bro Joaquin ang pinaka pinag-iinitan ni Sir dahil hindi talaga hilig ni bro ang science o ang sumagot manlang sa recitation ay hindi magawa, lagi kasi s'yang tulala.

Ako man ay nagulat sa sinabi ni Sir Galang kay Fay pero mas nagulat ako ng ipagtanggol s'ya ni Bella. Mali ba ang akala ko na masama ka?

Habang sumasagot s'ya sa mga tanong ni sir ay hindi maitatago ang paghanga sa kan'ya ng lahat ng nasa loob ng classroom. Maging si sir ay nalito dahil sa pagsagot sakan'ya ng gano'n pero bakas din ang pagkagulat dito.

"Ako si Bella Iverson sir."

Sabi n'ya na nakapagpatigil kay Sir Galang. Bakit parang takot s'ya? At...bakit parang hindi natatakot 'tong si Bella?

"I-ivers-son?" Tanong ni sir. Nagulat kami dahil para s'yang tinakasan ng dugo sa putla ng buong mukha n'ya. Natawa naman bigla si Bella kaya napatingin sakan'ya ang lahat.

"Yes sir. Familiar ho ba sa'yo?" Tanong n'ya at tsaka s'ya ngumisi ng nakakaloko. Ang pagsasabi n'ya ng ho ay halatang pilit. What the heck?

"C-class...Class d-dismissed." Sabi ni sir at nagmamadaling kinuha ang mga libro n'ya bago lumabas.

"Anyare kay sir?"

"Ewan, pero orayt! Maagang dismissal!"

"Psh, ang weird naman no'n."

"Omg, hindi ako makaget-over kay Bella."

"True, she may look like a, err, a squatter but she's so smart."

"Yeah, unlike Luanne and Lannel, puro paganda lang, walang utak."

"Oo nga, pero bakit parang takot s'ya sa squatter?"

"I don't know girls."

"Yeah like i mean, wala naman dapat ikatakot sa isang squatter."

"And she's hella rude!"

"Sinabi n'yo pa."

"But she's smart thought."

Hati ang opinyon ng mga lumabas ng classroom, may mga galit at sinasabing squatter s'ya pero madami din ang nagsasabi na ang talino n'ya. She really is smart, and genuinely kind.

Tahimik lang kaming nakaupo at pinagmamasdan sila Bella na nakaupo at nakatanaw lang sa mga lumalabas at nang makalabas na ang lahat...

"Yieeeee! Bakla ka omg!" Biglang tili ni Venice kaya agad na natawa si Bella. Nagpapakiramdaman lang pala sila.

"Gaga ka mamsh, tinakot mo ang dragonang Galang." Tatawa-tawang sabi ni Vince bago lumapit kay Bella na nakatayo na din at nakikitawa sakanila.

"Are you okay, Fay?" Tanong n'ya kay Fay kaya napadako ang tingin namin sakan'ya at gano'n nalang ang gulat ko nang magtama ang paningin namin pero agad din s'ya umiwas ng tingin at lumapit kay Bella para yakapin s'ya.

Meeting The Devil's SonWhere stories live. Discover now