Chapter 48

258 26 0
                                    

Joaquin's PoV

[3:30am]

"Bella it's really okay. Kukunin ko nalang si mom sa kwarto mo--"

"Shut up."

Agad akong napanguso dahil mukhang mainit talaga ang ulo n'ya. Hindi naman kasi talaga maganda na pag samahin kami ni tito sa iisang kwarto eh. Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil parang dragon nanaman 'tong si Bella.

Andito kami ngayon sa kwarto at nakaupo ako sa sofa habang s'ya ay nasa lamesa at umiinom ng kape n'ya. Alas tres ng madaling araw, nagkakape? Napakaweird talaga nitong babaeng 'to.

"E'di dito ako sa sofa matutulog." Sabi ko sakan'ya.

Ang akala ko ay papayag s'ya pero bigla n'ya akong tinapunan ng masamang tingin. Hindi ko talaga malaman dito sa babaeng 'to kung saan ako lulugar eh!

Agad akong napatingin sakan'ya ng bigla s'yang tumayo at tsaka s'ya lumapit sa gilid ko kung saan nakapatong ang laptop n'ya bago bumalik sa lamesa.

Tsk, bakit kasi eto pa yung binigay na kwarto tapos gusto nila dito kami matulog pareho? Iisang single bed lang kasi ang nandito tapos sofa at dining table. Sa totoo lang ay pwede naman na sa sofa ako matulog, kanina ko pa sinasabi 'yan sakan'ya pero lagi n'ya lang ako sinasamaan ng tingin. Napapa-abnormal talaga n'ya.

"Sa tingin mo ba, kasya ka d'yan ha? Doon ka sa kama matulog, wala akong balak matulog, nawala na ang antok ko." Sabi n'ya bago nag suot ng salamin. Huh? Eh kasasabi n'ya lang kanina bago kami pumasok dito na inaantok s'ya at gusto n'ya nang matulog eh.

"Alam nating dalawa na inaantok ka kaya sinong niloko mo ha? Kung ayaw mo na sa sofa ako matulog, e'di sa lapag. Kasya naman siguro ako do'n no?" Sarkastikong sabi ko sakan'ya pero hindi n'ya na ako pinansin. Gusto n'ya, kapag sinabi n'ya eh masusunod. Tsk!

At dahil takot akong maibalibag at wala naman na akong magagawa kung hindi ang sundin s'ya kaya nag lakad na ako papunta sa kama at doon naupo.

Pinakikiramdama ko lang s'ya kung lilingon ba s'ya pero wala, kaya higa na ako at sinubukang matulog pero pag katapos ng sampung minuto ay agad din na sumuko. Muli akong naupo at tumingin kay Bella na napalingon din dahilan para magtama ang paningin namin. Ang cute n'ya kapag nakasalamin hehe.

"Let's play a game."

***

Von's PoV

[9am]

Haaaaa! Sa wakas, nakabawi din ng tulog!

Huling tulog ko ng ganoon kahaba ay noong nakaraang taon noong nag bakasyon kami sa France, parehong dahilan din.

Nakidnap din ang tauhan ni Bella, si William. Dinala s'ya sa France kaya doon kami nag bakasyon ng isang buwan.

This is pretty normal to be honest, for the last 3 years that Bella is handling the underground business and her own organization, every year of her birthday, someone's trying to disturb her peace. Like who has the guts to make an enemy out of Bella right? She can kill you just by snapping her finger.

I got out of bed and stretched a little before heading to the bathroom. I took a quick shower and then after, i put on a blue Hawaiian polo and a white cargo shorts. And to finish my look, i wore a white flipflops. There's no shoes in here, seriously, Bella?

Meeting The Devil's SonWhere stories live. Discover now