Chapter 71

51 9 0
                                    

Marcos' PoV

"Insan, pwede mag tanong?"

"Nagtatanong ka na."

Kamot-ulo kong tinitigan si insan dahil sa pambabara n'ya habang ang mga kasama naman namin ay lihim na natawa. Tsk, ang init ng ulo ni insan lately mga bro, para s'yang takure na umuusok, mapapaso ka kapag hinawakan mo. Pero dahil curious ako, walang makakapigil sa'kin!

"Hindi nga insan, babae ba 'yung--"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng tumunog ang door chimes kasabay ng pag bukas ng pintuan nitong coffee shop.

"Yo." Bati ng pumasok kay insan.

Huh? Sino naman kaya 'to at kung titigan s'ya ni bro Joaquin eh gano'n nalang katalas? Lumingkis pa talaga s'ya kay insan.

"Marco, Marcus." Tawag ni insan sa'min kaya sabay kaming napalingon sakan'ya, si bro kasi eh kumakain nanaman kaya hindi n'ya mausisa si insan, katakawan. "I'd like you to meet my new associates, do introduce yourselves to my cousins." Utos pa n'ya sakanila na agad nilang sinunod.

"Hiro Takashi." Nangungunang sabi no'ng nasa unahan na lalaki na may nunal sa ilalim ng mata n'ya.

Agad naman s'yang sinundan no'ng nasa salamin na lalaki pero hindi s'ya mukhang nerd, mas mukha s'yang chill, gets n'yo mga bro? "Van. Van Luther."

"Ares Mealox at your service." Sabi naman no'ng lalaking kulay asul ang buhok at malawak kung ngumiti, sumaludo pa s'ya sa'ming dalawa.

"Nice to meet you mga bro, ako si Marco, and that right there is my twin brother, Marcus." Pagpapakilala ko din sakanila na agad naman nilang tinanguan.

Sino naman kaya sila? Ang pagkakaalam ko ay wala naman silang bagong pinagkakaabalahan diba? Kasi kung meron ay malamang sa malamang na sasabihan kami ni insan lalo na't s'ya naman ang namamahala lagi sa mga misyon na dinadaluhan namin.

Mga bago din kaya silang mga bodyguards? Pero para kanino naman kung gayong hindi naman kailangan ni insan no'n? Si insan? Kailangan ng bodyguard? Patawa kayo mga bro!

"Hoy kayo." Napalingon ako sa upuan nila insan habang sumisipsip ng kape ng tawagin bigla ni bro Joaquin 'yung tatlo. "Nasaan ang mga kasama n'yo?"

Kasama? May kasama pa silang tatlo?

"They wouldn't make it because they have their own things to do today." Sagot sakan'ya no'ng Hiro. "Ah, Maj--i mean, Bella."

"What?" Tanong agad ni insan habang umiinom ng kape. Ni hindi n'ya nilingon 'yung tatlo kasi busy s'ya sa pagdudutdot sa cellphone n'ya pero no'ng iangat n'ya ang ulo n'ya para tignan ang mga empleyado dito ay bigla silang nagsi-alisan na, parang alam na nila na at sanay na sa ganito kaya napailing nalang ako sa pagkangha. "What are you doing here?"

Siguro kung hindi ko kilala si insan ay iisipin kong normal lang s'ya na teenager, masungit, suplada at laging nakakunot ang noo pero...okay, h'wag n'yo akong isusumbong kay insan ha? Pero mga bro, riltok tayo, masungit talaga si insan pero may pinanggagalingan naman talaga lagi yung pagsusuplada n'ya. Hindi pwede naman kasi pwede na soft hearted si insan sa pinasok n'yang buhay, mapapahamak lang s'ya lagi.

Hanga na ako kay insan eh, despite of her young age, she still managed to cope up with all of the struggles that she's been through, alone. Kasi, akalain n'yo 'yon mga bro, 9 years old s'ya nag simula mag training, siguro ay mamatay-matay s'ya no'ng mga panahon na 'yon sa pagod at panghihina, tapos wala pa s'yang magulang na sinasandalan. Nako, kung ako 'yon mga bro? Baka sinukuan ko nalang si life!

"We don't have any business with you today as far as i can remember." Sabi naman ni bro Joaquin sakanila habang nilalaro-laro ang libreng kamay ni insan. "So what brings you here?"

Meeting The Devil's SonUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum