Chapter 59

246 18 0
                                    

Bella's PoV

"JOAQUIN!"

Agad akong nakaramdam ng matinding takot kaya ang tanging nagawa ko lamang ay tawagin ang pangalan n'ya at tsaka mabilis na tumakbo bago s'ya dinamba papahiga.

"Oof--"

Mabilis kong binunot ang baril ko at humarap sa likod ko. Babarilin ko na sana si Dawson ng makita ko s'yang nakabulagta na kaya agad na nangunot ang noo ko dahil doon.

Tumingin ako sa harap ko at nakita ko doon si Alexander Dawson na may hawak na baril at nakatutok sa pwesto ni Fiend kaya napataas ang kilay ko dahil doon. Did he just shot his father?

"Babe! Ang bigat mo!" Sabi ni Joaquin bigla bago natawa kaya sakan'ya napaling ang tingin ko. Binigyan ko s'ya ng pingot kaya naman napasigaw s'yang bigla.

"Aray ko naman babe! Matatanggal ang tenga ko, hindi ko pa nag naririnig na sabihan mo ko ng i love you eh! Teka, babe! Aray, araaaaay!"

"Bwisit ka! Hindi ka tumitingin sa paligid mo!" Sigaw ko.

Bwisit naman kasi! Lagi akong pinag-aalala ng lalaking 'to!

Sesermonan ko pa sana s'ya ng nagulat nalang ako ng bigla akong nahila papatayo. Napatingin ako sa gilid at nakita kong si Alex pala ang humatak sa braso ko bago ako hinila at binigyan ng mahigpit na yakap.

"Woah wait---"

"Let's go." Sabi n'ya pagkabitaw.

Hinila n'ya ako kaya naman nahila ko din papatayo si Joaquin dahil mag kahawak pala ang kamay naming dalawa. Sabay-sabay kaming tumakbo at--

BOOOOGGGSSS!!

Sabay-sabay kaming napatalon at nag kubli sa isang mataas na bato dahil sa malakas na pag sabog. Pagkalingon ko sa gilid ay nakita ko sa kabilang bato sina Jester, Raven at Yuan kasama ang kambal at si Blake. Lahat sila ay ligtas at walang kahit na anong galos na natamo na ipinagpapasalamat ko.

Lahat sila ay nakangiti, ngiting tagumpay. Ngiting masaya, ngiting natural at walang ibang hinanakit na itinatago at isinisikreto. Tinanggal ko ang mask na suot ko bago silang nginitian pabalik at tsaka tumayo.

Tapos na ang malalakas na pag-sabog. Nag kalat ang mga katawan, dugo, at mga sirang gamit dahil doon. Nang tumayo ako ay nag simula silang mag lakad papalapit sa'kin kaya tumingin ako kay Alexander Dawson na nakatingin pala sa'kin.

"Yuhoooo!" Pag diriwang nila kaya may napangiti ako.

"Where are they?" I asked before pulling out some ammos on my jacket and that's when i felt a pain on my stomach. Goddammit!

Hahawakan ko na sana 'yon ng maunahan ako ng kamay ni Joaquin. May panyo s'yang idiniin sa sugat ko kaya naman napakapit ako sa braso n'ya bago s'ya tinignan sa mga mata n'ya. Makikita ang halong saya at lungkot kaya naman nginitian ko lang s'ya para iparating na ayos lang ako at kaya ko ang sarili ko.

"Aren't you going to greet your brother first?"

Sabay kaming napatingin kay Alexander na nakasandal na sa batong pinagkublihan namin kanina habang nakakrus ang mga braso. Kita ko ang matatalim na tingin n'ya kay Joaquin kaya naman hinila ko si Joaquin papalikod bago sinamaan ng tingin si Alexander.

"Where. Are. They?" Pag-uulit ko. Nakabuntong hininga naman s'ya bago nag simulang mag lakad papalayo.

Ang mga tauhan ko ay nag simula na ding mag labasan at sinundan si Alexander kaya naman sabay-sabay din kaming nag lakad at tsaka s'ya sinundan.

"Babe, masakit ba?"

Napalingon ako sa pag ta-tanong ni Joaquin.

"Try ko sa'yo, gusto mo?" Tanong ko pabalik.

Meeting The Devil's SonWhere stories live. Discover now