Chapter 11

504 34 1
                                    

Joaquin's PoV

"Magsitabi nga kayo!" Sigaw ko dahil naabutan namin ang kumpulan ng tao sa quadrangle. Tsk, ano naman kayang pinagkakaguluhan nila?

Agad namang nahawi ang tao at nagulat ako ng nakita ko ang itsura ni Jesty. Punit punit ang damit at magulo ang buhok. May nakasabunot padin sakan'ya hanggang ngayon at kitang kita ang mga kalmot sa braso at mukha n'ya. What the heck happened?!

"Anong nangyayari dito ha?" Tanong ko at tinignan ang babaeng nakasabunot padin sa buhok n'ya. If I'm not mistaken ang pangalan nya ay Lannel, isa sa mga campus bully dito sa school. "What the fvck do you think you're doing?"

"Oh hi my dear, i heard kasi na may siga daw dito so why not teach her a lesson diba? I mean, it's not like i really care-- ew, why the hell are you helping her?" Maarteng tanong ni Lannel kina Lucas na lumapit na kay Jesty. Bigla naman s'yang kumapit sa braso ko na animo sawa kung makalingkis. "She looks so kawawa." Tatawa-tawa pa n'ya na asik kaya pinanlisikan ko s'ya ng tingin.

"Ayos ka lang ba?" Dinig kong tanong ni Lucas kay Jesty. Hindi naman 'to sumagot at dumura lang, may kasama 'yong dugo na nakapagpatindi ng inis ko kaya agad na itinulak ko papalayo si Lannel dahilan para matapilok s'ya at matumba dahil na din sa taas ng suot n'yang takong.

"What the hell Joaquin? I thought she's your target? Aren't you supposed to be happy to see her like that?" Tanong ni Lannel at sinusubukang tumayo. Tumingin naman ako kay Jesty at nakita ko s'yang kumapa sa ulo n'ya, at may nang tignan n'ya 'yon ay sabay-sabay kaming napasinghap...may dugo.

Agad kong sinampal si Lannel dahilan para mapangudngod s'ya sa sahig. Tangina! Ano bang nangyayari sa'kin?!

"Omgolly, Joaquin's mad!"

"Yari na."

"Oh Lannel's dead."

"Peace na ba sila no'ng girl? Why is he angry?"

"Oo nga, diba dapat matuwa pa sila?"

Agad kong tinignan ng masama ang pinanggalingan ng boses na 'yon dahil hindi ako natutuwa at 'yon ang nakakainis!

"Nobody. Touches. My. Target." I strongly said while pointing at Lannel. Her expression suddenly changed. Yeah, that's right. Be scared.

"Joaquin! Kailangan madala sa clinic si Jesty!" Sigaw naman ni Marcus. Nagpapanic na sila dahil mukhang mawawalan na ng malay si Jesty sa putla ng mukha n'ya. Shit naman!

"W-who are you calling Jesty?" Singit na tanong naman ni Lannel. Kita ko ang pagtataka sa mga mata n'ya kaya naman napakunot ang noo ko.

"Bobo ka ba? Edi 'yang babaeng pinagdiskitahan mo!" Gigil na asik ko sakan'ya dahilan para mapaatras s'ya sa takot. "Ano pang itina-tanga-tanga n'yo d'yan? Edi dalhin n'yo na!" Sigaw ko. Nauubusan na ako ng pasensya sakanila! Lahat sila ay nagulat dahil sa pagsigaw ko. Psh.

"Her name is not Jesty for pete's sake Joaquin. It's Bella. Bella Iverson you ding dong head! God! Y'all are so stupid!" Sigaw n'ya at tsaka nagmartsa papaalis. What???

***

Bella's PoV

Andito kami ngayon sa guidance office, katapat ko sina Joaquin, Lucas, ang kambal at 'yong mga babae na nanabunot sa'kin. Lintek, ansakit ng ulo ko ha. Nakatingin s'ya ng masama sa'kin habang ang mga pugo naman ay parang tangang nakatingin din.

Meeting The Devil's SonWhere stories live. Discover now