Chapter 21

416 28 0
                                    

Joaquin's PoV

Nagulat ako ng biglang ihagis ni Bella ang telepono n'ya sa hita ko pagkatapos n'yang hilahin ang earphones sa kamay ko. Anong akala n'ya, wala akong music sa cellphone? Tsk! Baka wala naman 'tong taste--

Nagulat ako ng isuot ko sa tenga ko ang earphones dahil...ang ganda ng boses n'ya.

Nang iangat ko ang cellphone n'ya para tignan ay nakita kong 'yung folder na nag pe-play...mga record pala ng kanta n'ya ang tumutugtog ngayon kaya naman agad akong nakaramdam ng antok. Tsk, dinaig pa ng sleeping pill ang boses ng tomboy na 'to.

Nilingon ko si tibo na nakatingin sa kung saan bago isinuot ang sleeping mask at tsaka ang neck pillow bago prenteng naupo at sumandal.

[Joaquin's Dream]

Andito kaming dalawa ngayon ni tibo sa park, hehehe.

Eto ba 'yung tinatawag na HHWW? Dapat baduy 'to eh, pero bakit...bakit kinikilit ako? Tsk! Ginayuma talaga ako ni tibo eh.

Napapangiti nalang bago nilingon si tibo pero nagtaka ako ng makita s'yang nakatingin sa harapan habang nakakunot ang noo kaya doon fin ako napatingin. Huh?

Itim na suit sa mainit na panahon? Ayan ang baduy.

Nang linungin ko si tibo para sana asarin s'ya ay nagulat ako ng bigla nalang nilang hilahin si Bella at tsaka ako hinawakan sa magkabilang braso. Pilit akong nagpupumiglas pero mas malaki at malakas sila sa'kin! Hindi pwedeng ilayo sa'kin si Bella!

Ano mang gawin kong pag pupumiglas, hindi ako makawala hanggang sa pinanood ko nalang silang hilahin s'ya papalayo.

"Bella..."

---

"Bella..." Sabi ko habang nakatanaw sa katawan n'yang nakatali sa isang upuan.

Nakita ko kung pa'no nilang sinikmurahan si Bella, pati ang pag dura at pagtalsik ng dugo mula sa bibig n'ya ay nakita ko...pero bakit natitiis ko? Nakakaramdam ako ng awa dahil sa kalagayan n'ya pero bakit wala akong magawa?

"Nice job, son."

...Dad?

---

Narating ko ang isang masukal na gubat kung saan napag-usapan namin ni Bella ang magkita. Pero ang nakita ko doon ay si....Chelsea?

Meeting The Devil's SonWhere stories live. Discover now