Chapter 4

640 38 0
                                    

Bella's PoV

Pagkauwing-pagkauwi ko ay dumiretso agad ako sa banyo para maligo at pagkatapos ay nagsuot ako ng puting t-shirt at pantalon. Oo, hindi halatang mahilig ako maligo. Tsk, natalsikan kasi ako ng dugo no'ng babaeng 'yon eh, peste na 'yan.

Tumingin ako sa salamin at kitang kita ko ang hubog ng katawan ko dahil sa pagka-fitted ng soot ko. Nagsuot din ako ng leather jacket at naglagay ng pocket pistol sa loob tsaka hinayaan na nakaladlad ang mahaba kong kulot na buhok.

One pocket knife and a pocket pistol is more than enough. Kung mano-mano naman ang pag uusapan ay wala din silang magagawa. Mom used to teach me karate, taekwondo and stuffs like that when i was a kid. Napangiti ako ng mapait sa naisip ko.

Mom, i already killed the 14 bastards who killed you mercilessly. Only 3 more assholes left. I won't let you down.

Naglakad ako papunta sa drawer kung saan nandoon ang files na kailangan ko sa school. Nag enroll ako para mag aral at makapagtapos, hindi para magmanman at pumatay. My mom would be proud kapag nalaman n'ya na nagkadiploma na ako, kahit sakit ako sa ulo.

All i want to do is to finish all of this and to live a normal life, like a normal teenager. But that's impossible. I never really enjoyed my childhood. Dahil simula ng mawala si mom ay hindi ko na nakita pa ang ama ko. At wala na akong ginawa kung hindi makipag-patintero kay kamatayan sa araw araw na paggising ko sa umaga.

I let out a sigh and took my files and key. No need to wear mask, sa school ang punta ko, remember? Lulan ng BMW motorcycle ay pumunta ako sa school na papasukan ko. Tiningala ko ang gate para tignan ang pangalan na nakaukit sa mismong bakal nito at tsaka nagpark sa tagong parte ng parking lot ng school, para walang makapansin sa'kin masyado.

Maddox High University. Sana naman wala nang sagabal sa'kin dito.

May mangilan ngilan akong nakikitang naglalakad. Mga mukhang estudyante pero nagkakapalan ang kolorete sa mukha at ang heels ay singhahaba ng mukha nila. Napailing nalang ako at tsaka naglakad papunta sa entrance. Agad naman akong hinarang ng guard.

"Bawal ang outsiders dito sa loob 'neng." Sabi ni kuyang guard.

Itinaas ko naman ng bahagya ang files na hawak ko, sapat lang para makita n'ya. "Magpapasa ho ako ng files, transferee ho ako." Sabi ko.

"Ah ganon ba. Sige tuloy ka. Doon sa kabilang building ang office." Sabi ni kuyang guard at itinuro ang mataas na gusali. Nagpasalamat naman ako at nagsimulang maglakad.

I must say, ang ganda ng school na to. Ang tataas ng gusali at ang linis ng lugar. Nagkalat din ang mga tao at ang iba ay ang sasama makatingin. Hmm, at least walang nangbabato ng bola sa ulo--

Because of my fast reflex, naharangan ko ng palad ko ang bolang papalipad sana sa ulo ko. Take note, nakatalikod ako. Nilingon ko kung saan nanggaling ako bola at nakita ko ang lalaki na may katangkaran sa'kin na papalapit. S'ya yung kasama ng lalaking nagpunta sa park ah? Matangos ang ilong at maputi. Nakasuot s'ya ng pang soccer, pero ang lumipad papunta sa'kin na bola ay bola ng basketball.

"Sorry miss, buti nailagan mo." Sabi n'ya at tsaka kinuha sa kamay ko ang bola. Luh, gago ba 'to? Anong nailagan eh kita n'yang hawak ko ang bola. Engot.

"Hindi ako na-inform na bola na pala ng basketball ang gamit sa soccer ngayon." Sabi ko at tinignan s'ya mula ulo hanggang paa. Napakamot naman s'ya ng ulo sa sinabi ko. Mukha naman s'yang tipikal na estudyante lang, walang kailangan sa'kin kaya hindi ko na s'ya hinayaan pang makasagot at tinalikuran ko na s'ya. May narinig akong tumawa mula sa kinatatayuan ko kanina pero hindi ko na 'yon pinansin pa at nagderetso nalang papunta sa office.

Meeting The Devil's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon