CHAPTER 2

550 14 0
                                    

Enjoy reading, Honeys.

Nang gabi ring iyon ay naghanap siya ng mumurahing marerentahan na bahay. Hindi siya pwedeng mag check-in sa hotel dahil mas mapapadali ang pagkakatunton sa kaniya, mas mabuti nang sa mga hindi kilalang mga paumapahan siya manuluyan muna. Nanakit na ang paa niyang walang saplot, siguro ay dahil marami-rami narin siyang mga matutulis na bagay na naapakan. Sa sobrang layo na ng linakad niya ay nakakaramdam na siya ng uhaw at nanginginig na ang katawan niya dahil sa lamig. Hating-gabi na pero palakad-lakad parin siya sa kalye. Wala parin siyang nakikitang mauupahan.

Napabuntong hininga siya. Nanunuyo na talaga ang lalamunan niya. Halos mapatalon siya sa tuwa nang may makitang bukas na bar. Baka pwede siyang uminom ng tubig doon. Atsaka siguro ay maglalasing narin siya. 

And that night she freed herself. She drink, she dance like there's no tommorow. Alam niyang sa loob niya ay may pinagtatakpan siyang takot at truama.
And that night she met Atty. Deandree Hayward.

"TIFFANY RODRIGK, Daughter of Mr. Timothy Rodrigo and Mrs. Analene Rodrigo..."

Kumunot ang noo niya habang naghihintay sa susunod pang sasabihin nito.

"My lolo wants to handle your parents death case pero dahil matanda na siya ay kailangan na niyang mag-retired. He's been looking for you since last five years.." Tumigil ito sa pagsasalita at tumingin sa kaniya ng madilim. "Tapos makikita lang pala kita dito sa Club." May panghuhusga ang mga tingin nito sa kaniya.

Hindi niya alam kung magsasalita ba siya at magsisimulang magpaliwanag pero para saan?
Huminga siya ng malalim at handa na sang ituwid ang pag-iisip ng binata sa kaniya kaya lang ay hindi siya nakapag-salita sa sumunod nitong sinabi.

"Hinahanap ka niya dahil gusto ka niyang tulungan pero lumipas ang ilang taon ay wala namang nagsasampa ng kaso at nanahimik na lang kayong mga naiwan. My lolo said that according to the investigation there's a person or two that is involve to your parents death. But last year the result was found that one of your relatives is the one who did the crime.
Pero nag-retiro na si lolo't lahat-lahat, hindi ka parin mahagilap." Tiningnan naman siya nito ng matiim.

Samantalang siya ay nagugulahan na.

"Ninong ng daddy mo ang lolo ko kaya hindi matanggap ni lolo ang pagkamatay ng daddy mo kaya siya na mismo ang nagpa-imbestiga nang malamang wala namang ginawa ang mga relatives niyo." Huminga ito ng malalim bago nagpatuloy." And now, sinasabi ko ito sayo dahil ako na ang hahawak sa kaso. Iyon ay kung gusto mo pang makamit ang hustisya....
But i guesse, you already forgetten about your parents death. Nagsasaya ka nga lang dito,e"

Kusang tumulo ang luha sa mga mata niya. All these years, nagsisinungaling lang pala ang auntie niya. Ginawa niya ang lahat, sinunod lahat ng mga gusto nito kapalit ay tutulungan siya nitong makamit ang hustisya para sa mga magulang niya tapos malalaman niya ngayon na wala naman pala itong ginawa.

Lahat ng sakit, lahat ng hirap ay tinanggap niya. Lahat-lahat ng inuutos nito ay sinusunod niya na pakiramdam niya ay hindi niya na pagmamay-ari ang buhay niya dahil hawak na iyon ng auntie niya.
Hindi siya umalis ng maaga sa puder ng auntie niya kahit pa binabastos na siya ng asawa nito sa kadahilanang kailangan niya ang auntie niya para mabigyan ng hustisiya ang pagkamatay ng mga magulang niya.

Sunud-sunod na tumulo ang mga luha niya. Hindi sapat ang salitang galit para ipaliwanag ang nararamdaman niya.

And then the man beside her is judging her too harshly. Wala itong alam sa mga ginawa niya para lang makamit ang hustisiyang ipinagkait sa mga magulang niya. Ngunit ang lahat ng paghihirap niya ay balewala lang pala dahil wala naman talang ginagawa ang auntie niya.

Escaping Hell (Dark series book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon