CHAPTER 9

420 10 1
                                    

Enjoy reading, Honeys<3

Binuksan ni Tiffany ang cellphone, mula sa setting ay tiningnan niya hanggang sa napadpad siya sa social  media. Nag-aalangan pa siya kung magla-log in ba siya o h'wag na, pero sa huli ay napagpasiyahan niyang i-log in ang isang account niya.

Sunud-sunod ang notification na natanggap niya. It's been two months since she last open her account, two months since she last talk to her friends.

Isa lang ang pinindot niyang notification, ang notification na galing sa admin ng Donovan University.
Binasa niya ang nilalaman ng text at doon nabasa niyang drop-out na siya sa school. Inaasahan na niya iyon. Sinong hindi mada-drop out kung two months ka ng hindi pumapasok at ni- hindi man lang nagpaalam.

Pero ayos lang naman iyon sa kaniya. She had been lost interest in going to school. She even withdraw herself from her friends. Matagal ng nawala ang interest niya sa lahat ng bagay ngunit pinipilit niyang ibalik sa dati ang sarili.

Nag-scroll na lang siya at akmang isasara na ang phone nang may isang article siyang nakita.

"Famous model, Irene Sandoval and Atty. Deandree Hayward's break-up" Basa niya sa title ng article.

Sikat palang model ang kasintahan ng binata?

Pinindot niya ang article at binasa ang nilalaman n'un.
Base sa article ay tugma iyon sa ikinuwento ni Deandree sa kaniya.

Napailing-iling na lang siya. Paano pa lolokohin ang isang taong nasa sa kaniya na ang lahat?
Napatawa siya ng pagak.
Deandree even had a Title; Mr. Faithful

"Mga taong hindi makuntento" Bulong niya habang tinitingnan ang pictures ng dalawa.

While looking at the sweet photos of Deandree and his EX-GIRLFRIEND, her heart feels weird.
Hindi niya alam kung bakit naiinis siya kaya naman nag-log out na lang siya at nagtalukbong ng kumot.

Kasalukuyan paring nasa banyo ang binata at naliligo, hindi niya na ito nahintay dahil unti-unti na siyang hinila ng antok.

Sa pagtulog niya ay napanaginipan niyang muli ang nangyari sa magulang niya.

"Paano mo nasasabing aksindinte iyon, auntie?" Nagwawala na siya simula no'ng pauwiin siya ng auntie niya sa mansiyon, kagagaling lang nila sa hospital.

Nang hindi nagsalita ang auntie niya ay nagsalita siyang muli. "Imposibleng bigla na lang nawalan ng preno dahil bagong bili ang kotseng iyon. Alam niyo po iyan." Pinipigilan niyang h'wag mapaiyak.

Nagtatagis ang bagang niya. Bakit sumabog ang sasakyan nila? Ang alam niya ay nawalan lang ito ng preno at bago pa man bumangga sa puno ay sumabog na ito, hindi lang isang beses kundi dalawa.

"Magpahinga ka na muna" Malumanay na pagkausap sa kaniya ng auntie.

"How? Paano ako magpapahinga?" Hindi niya na mapigilan pa ang mga luha.

Wala na siyang magulang. Patay na ang daddy at mommy niya.

Ilang araw siyang hindi kumain at tulala lang sa kawalan, hanggang sa sumapit ang libing ng mga magulang niya, hindi siya sumama. Hindi niya kayang tingnan ang kabaong ng mommy at daddy niyang unti-unting tinatabunan ng lupa. Hindi niya kayang mamaalam sa mga magulang.

Sa mga oras na iyon ay pakiramdam niya ay nadurog ng husto ang puso niya. Hindi nagpa-awat ang mga luha niya. Hindi niya alam kung ilang oras na siyang nagmumukmok sa kwarto niya hanggang sa marinig niyang may kumakatok sa pintuan niya.

"Tiffany? Anny? Nandito na kami." Rinig niyang sabi ng auntie.

Hindi niya magawang sumagot.

Escaping Hell (Dark series book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon