CHAPTER 8

455 11 2
                                    

Enjoy reading, Honeys.

MAGKa-iba sila ng inuukupang hotel room ng binata kahit pa hindi naman siya magrereklamo kung sakaling isang kwarto lang ang kinuha nito. Sino ba siya para magreklamo? Sobra-sobra na nga ang naitulong nito sa kaniya. Kahit pa hanggang ngayon ay may pangangamba parin siyang nararamdaman kung bakit siya nito tinutulungan.

Inihiga niya ang katawan sa malambot at malapad na kama at tumitig sa kawalan. Ipinikit niya ang mga mata ng mariin nang tila makarinig naman ng bulong sa tenga niya at inuutusan siyang pagpakamatay na lang.

Naiinis na ginulo niya ang buhok, pinagtatampal niya ang puso niyang namamanhid. Hindi niya namalayan na unti-unti na pala siyang naglalakad palabas. Hanggang sa matagpuan niya ang sariling naglalakad sa gilid ng swimming pool. Tinangala niya ang hotel na kinaroroonan niya kanina. Tulog na kaya ang binata? Siguro oo, malalim na ang gabi at wala narin siyang makitang ibang tao. Baka nga madaling araw na, e. Kanina kasi no'ng dumating sila sa hotel ay may nakikita pa siyang nagna-night swim. 

Umupo siya gilid ng swimming pool at inilublob niya ang mga paa, tinangala niya ang kalangitan at pansin niyang makulimlim, ni isang butuin ay wala siyang nakita. Umihip ang malamig na simo'y ng hangin pero nanatili parin siya sa kinaroroonan. Hindi siya nag-abalang umalis nang unti-unting pumatak ang ulan, hanggang sa lumakas ang ulan at sinabayan pa ng malakas na hangin at kulog.

Sa gitna ng malakas na ulan ay hinayaan niyang malaglag ang mga luha niya, sa gitna ng kadiliman ay wala namang makakakita sa kaniya.

"Miss na miss ko na po kayo mommy, daddy" Bulong niya sa gitna ng mga hikbi niya.

"Bakit naman kasi hindi niyo ako pinasama?" Nagtatampong bulong niya sa hangin.

"Bakit hindi niyo pa ako sinama?" Hinang-hinang bulong niya.

Mabilis na bumalik sa alaala niya ang araw kung kelan sila na-aksidente.

"Saan po tayo pupunta, dad?" Tanong niya habang inaayos ng mommy niya ang buhok niya.
Dinampot niya ang liptint at ipinahid iyon sa labi niya.

Her father groaned. "Nagdadalaga ka na" nakabusangot ang mukha ng daddy niya.

"Dalaga na po ako dad. Fourteen na ako, dad. FOURTEEN" Ipinagdiinan pa niya ang huling binanggit.

"Iyon na nga, dalaga ka. Pero ayaw ko pa, gusto ko baby ka pa, gusto ko kinakarga pa kita." Naka-ngusong ani ng ama. Parehas silang natawa ng mommy niya.

"Saan nga tayo pupunta daddy?" Tanong niyang muli.

"Diba! Sabi mo gusto mong magbakasyon sa Korea?" Naka-ngiting tanong ng ama.

Unti-unting namilog ang mga mata niya at nagtatalon na siya sa tuwa. Alam niya na kung saan sila pupunta. Pupunta sila sa korea, ang matagal na niya gustong pagbakasyunan.

"Yes! Yes! Thank you po, daddy." Mabilis niyang niyakap ang ama at pinugpog ito ng halik sa buong mukha.

"Anything for my baby." Natatawang ani ng ama.

Kapagkuwan ay lumapit siya sa ina at naglalambing na niyakap ito.

Mabilis na tumaas ang kilay ng ina. "Why?"

Ngumuso siya sa make-up kit ng ina. "Pwede niyo po akong lagyan ng make-up? Iyong magmumukha po akong korean?" She made a puppy dog eyes.

Natatawang umiling ang ina. "Maganda ka na. Ayos na 'yang mukha mo."

Mabilis na nalukot ang mukha niya, nagpapadyak ang paa niya. "Mommy naman, e" Naiinis na turan niya.

"Fine, fine" Pagsuko ng ina at pina-upo ulit siya sa harap ng vanity mirror at sinimulan siyang lagyan ng make-up.

Escaping Hell (Dark series book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon