CHAPTER 30

480 10 2
                                    

Enjoy reading, Honeys.

She and Deandree was so busy preparing for their upcoming wedding. Pero lahat ng pagod ay hindi niya na iniinda dahil mas nangingibabaw sa kaniya ang excitement. Kasama niya ang mama ni Deandree at syempre ang kaibigan niyang si Hera kahit pa buntis ito sa ikalawang anak nila ni Professor Donovan.

Kasalukuyan nilang inaayos ang mga karton na may lamang mga papel na gagamitin sa invitation card.
Ganun na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita ang kaibigang may buhat-buhat na isang box.

"Hoy! Buntis ka! Ibaba mo iyan!" Pasigaw niyang utos sa kaibigan, kasalukuyang nasa bulwagan pa ito ng pintuan. Napapikit siya ng mariin.
Kapag si Hera nakita nang asawa nito ay paniguradong malilintikan siya.

"Gusto mo bang katayin na ako ng asawa mo?!" Sigaw niya ulit.

Si Hera naman ay naiiling na ibinaba ang hawak na karton kanina. Medyo may kabigatan nga iyon pero medyo lang, kaya naman niya. "Hindi naman mabigat, e" Depensa pa ni Hera.

Nakapamewang na nilapitan ito ni Tiffany. "Kahit na!"
Hindi niya tuloy alam kung pagsisisihan na ba niyang pumayag siyang tumulong ito. Mukha siyang nanay na na-stress na sa makulit na anak.

"Doon ka na lang," itinuro niya ang mesa kung saan mag nagkalat na mga color paper, gunting, ribbon at mga color pen. Sa tabi n'un ay isang pitsel ng fresh mango juice na pinaglilihian ng kaibigan niya. "Lumamon ka na lang muna doon at magpahinga." Utos niya.

Napakamot na lang si Hera sa pisnge. "E...wala naman akong naitulong sayo, kanina pa ako kumakain at nagpapahinga." Mababakas sa boses niya ang pagrereklamo.

Hinawakan ni Tiffany si Hera sa balikat at dahan-dahang iginaya paupo. "Kasi nga bawal sa buntis ang mapagod, bawal kang magbuhat." Mahinahon niyang paliwanag dito kahit pa gustong-gusto na niyang kutungan ang kaibigan.

"Pangalawang beses mo nang pagbubuntis iyan! Hindi mo parin ba alam?" Mauubusan na siya ng pasensiya sa kaibigan niya. Kailan nga ba siya hindi naubusan ng pasensiya pagdating kay Hera? Wala. Walang araw na hindi siya na-stress sa kaibigan. But she loved her bestfriend kahit pa ito na ang pinaka-nakakainis na kausap sa buong mundo.
"You are such a sweet burden." She murmured with a gentle smile plastered on her face.

"Ano? Hindi ko narinig!" Reklamo ni Hera.

Inirapan lang ito ni Tiffany. "Manahimik ka na lang na buntis ka, babatukan na talaga kita kapag matigas parin iyang ulo mo." Pag-iiba ni Tiffany ng usapan.

Inosenteng minasahe ni Hera ang ulo habang  pilit ang ngiti sa kaniyang labi sa harap ni Tiffany. "Matigas naman kasi ang ulo ko. Bakit malambot ba iyang sa'yo?" Nahihiwagaang tanong nito. Sinubukan nitong abutin ang ulo ni Tiffany pero tumakbo na ito palayo.

"Wala namang malambot na ulo." She mumbled.

Ipinagpatuloy nila ang ginagawa habang si Hera naman ay...Well, nagsasayang ng color paper dahil kung anu-anong hugis ang ginupit nito. Hinayaan na lang niya kesa naman sa sumakit na naman ang ulo niya sa kakasaway dito.

Nang sumapit ang hapon ay mas naging magulo dahil dumating pa ang mga ibang kaibigan nila.
Wala naman ang mga iyong naitulong kundi ang kumain at tulungan si Hera'ng magsayang ng papel. Ang buong sala ng bahay nila Deandree kung saan iniayos ang mga box ng papel ay magulong-magulo na dahil sa mga baliw at isip bata niyang mga kaibigan. Sumama narin ang kaibigan niyang si Sofia.

"Oh, tingnan natin kung sino ang may pinakamalayong mararating ah." Ani Joshua.

Nagtaas ng kamay si Kyle. "Magkano ang premyo ng may pinakamalayong mararating na paper plane?" Tanong nito.

Escaping Hell (Dark series book 2) Where stories live. Discover now