CHAPTER 11

435 12 3
                                    

Enjoy reading, Honeys<3

TIFFANY locked her self up. Napasandal siya sa likod ng pintuan habang hawak ang pusong kanina pa tumitibok ng mabilis na animo'y tumakbo siya ng mabilis.
Dahan-dahan siyang napahawak sa labi niyang kanina pa naka-awang. Nang maalala ang nangyari kanina ay nag-iinit ang pisnge niya. Panay ang lunok niya ng matunog dahil pakiramdam niya ay nanuyo ang lalamunan niya.

Mabilis ang tibok ng puso niya pero hindi dahil sa takot. Nanlalamig ang kamay niya pero hindi dahil sa takot. Parang nababaliw'ng napangiti siya kasabay ng pagpatak ng mga luha niya. Is she overcome her fear anymore? Wala siyang maramdamang takot kapag ito ang katabi niya pero ang isiping lalabas siyang mag-isa ay mabilis na dinadaga ang puso niya at nanghihina ang mga tuhod niya.

"Salamat sa'yo" Napahikbi siya habang ibinubulong sa hangin ang pasasalamat niya para sa binata.

Halos mapatalon siya dahil sa gulat nang marinig ang sunud-sunod na katok sa pintuang kinasasandalan niya.

"I'm sorry." Parang nahihirapan ito habang nagsasalita. "Please, forgive me... Please don't be mad at me" He sounds so powerless and  hopeless.

Mabilis niyang tinuyo ang luha at lumayo mula sa pintuan.

"I'm sorry, please, please open-up. Please forgive me"
May karugtong pa sa sinabi nito ngunit hindi niya na narinig ng maayos.
"Please, huwag kang matakot sa akin. Please say you are not affraid of me." Nagmamaka-awa na ang boses nito.

She? Affraid? Iniisip siguro nitong natakot siya. Tumikhim siya pero hindi parin niya binubuksan ang pintuan. Mas natatakot siya sa uri ng pagtibok ng puso niya sa tuwing katabi o kaharap niya ang binata kaya mas mabuting pakalmahin na lang muna niya ang puso.

"I—m not mad." Malumanay niyang pagkausap rito. Idinikit niya ang tenga sa pintuan.

"Then, open the door and tell me that you are not affraid of me." He replied.

Huminga siya ng malalim at umiling kahit hindi naman makikita ng binata iyon.

"I'm not. I am"

Rinig na rinig niya ang pagbuntong hininga nito sa kabila. Ilang minutong wala siyang narinig, ang akala niya ay umalis na ito pero hindi pa pala.

"I'm sorry. Please. I'm sorry hindi na mauulit"

Hindi na mauulit
Hindi na mauulit
Hindi na mauulit

Parang sirang plakang nagpabalik-balik iyon sa utak niya. Iyon lang ata ang tumatak sa utak niya hanggang sa marinig niya ang mga yabag papalayo.

Is he sorry because he kissed her? Kaya ba ito humihingi ng tawad?
It feels like someone pinched her heart.
Ofcourse! Walang gugustuhing halikan siya!

Sino ba siya? Isa lang naman siyang maruming babae, babaeng biktima ng karahasan.

Nanliit bigla ang tingin niya sa sarili niya.

"Nakakahiya ka, Tiffany" Pagkausap niya sa sarili.

Kung kanina ay pakiramdam niya ay inililipad siya sa alapaap, ngayon naman ay pakiramdam niya ay pinagsakluban siya ng langit at lupa.

Ganun ba talaga kahirap sumaya?

She was lively a while ago but she is now back to being lifeless. Her scars, her painful past is always pulling her back. Everytime she try, the picture of herself in the mirror always making her back-out. The she is full of scars and she came from a very dark place she called hell. Paulit-ulit niyang naiisip na walang tatanggap sa kaniya.

Nanghihina siyang nahiga sa kama at ipinikit ang mga mata. Sa pagpikit niya ay siya namang pagtulo ng mga luha niya hanggang sa makatulugan na niya ang pag-iyak.

Escaping Hell (Dark series book 2) Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα