CHAPTER 19

421 13 0
                                    

Enjoy Reading, Honeys<33

NAKATINGALA SIYA sa mataas na pader kung saan siya dati tumalon para tumakas, nagpatuloy siya sa paglalakad para libutin ang buong mansiyon nila dahil alam niyang hindi na magtatagal ay gigibain na iyon, iyon din naman ang gusto niya, hindi niya na kayang tumira pa ulit sa mansiyon nila.

NANG malibot niya na lahat at tiyaka lang siya pumasok sa gate nila. Pinagmasdan niya ang matayog na mansiyon sa harap niya. Tahimik ang kapaligiran at nagkalat ang i-ilang dahon sa harap ng mansiyon nila, hindi na rin malinis ang mga bulaklak na dati ay alagang-alaga ng mga katulong. Ang fountain sa harap ng mansiyon nila ay natuyo na.

Dinampot niya ang sanga'ng nasa paanan niya at binibit niya iyon habang naglalakad siya papasok sa main door ng mansiyon. Ang bawat nadadaanan niyang may dahon ay wina-walis niya gamit ang sangang hawak niya. 
Nang tumapat na siya sa pintuan ay huminga siya ng malalim at ikinuyom ang kamaong kanina pa nanlalamig.

Mabilis siyang linukob ng takot nang mabuksan niya ang pintuan. Para siyang nasa loob ng sinehan at sa harap niya ay ang screen kung saan kitang-kita niya ang sariling pinapahirapan. 
Kahit saan niya ibaling ang tingin ay puro ang sarili niya lang ang nakikita.

Every lashes, every pleas, scream of pain and terror, she clearly hear those. Para siyang ibinalik sa nakaraan habang inililibot niya ang tingin sa kabuuhan ng mansiyon nila.
Napako lang siya mula sa kinatatayuan at hindi magawang ihakbang ang mga paa.
Nandito siya para masilayan sa huling pagkakataon ang minsang naging tahanan niya dahil kahit papaano naman ay may masasaya rin siyang ala-ala dito no'ng nabubuhay pa ang mga magulang niya ngunit nabura iyon ng masakit at madilim niyang karanasan na ipinadama sa kaniya ng auntie niya at ang asawa nito.

"Bakit ka nag-iisa?"

Halos mapatalon siya sa gulat nang marinig ang boses na iyon ni Deandree. Mabilis siyang nagpunas ng luha at hinarap ito. The moment her eyes met his was the same time her heart beat fast like she just ran in a marathon. It's been a week or two since she last saw Deandree, at hindi niya maitatangging miss na miss na niya ito.

"Ahm..anong ginagawa mo rito?" Tanong niya rito habang naglulumikot ang tingin niya. Hindi niya kayang makipagtitigan dito ng matagal dahil pakiramdam niya ay matutunaw na siya sa tuwing matiim siyang tinitigan ng binata.

"Following you, you've been busy these past few weeks, na-miss kita." Dire-diretsong anito na ikinahigit ng hininga niya.

This man will be the death of me.
Cause of death: Rapid Heart beat.

Mabilis niyang tinalikuran ang binata at naunang naglakad dito. Habang naglalakad ay tiyaka lang niya napansin na nakalimutan niya ang takot na nararamdaman kanina. Ibang-iba siya sa tuwing malapit siya kay Deandree, lahat ng takot at lungkot na nararamdaman niya ay kusang nawawala at napapalitan iyon ng kakaibang pakiramdam, pakiramdam na ngayon niya lang nararanasan magmula nang makilala niya ito. 

"Hey," Tawag nito sa kaniya. Sa pagkakataong iyon ay hinarap niya ito. "Ngayon na nga lang tayo nagkita ulit, tapos hindi mo pa ako papansinin." Naka-ngusong reklamo nito.

She chuckled, Deandree looks like a kid while pouting his lips. She extend her hands towards him. "Halika, libutin natin ang buong mansiyon."
Matagal na tinitigan ni Deandree ang kamay niya tapos ay mag-aangat naman ito ng tingin sa kaniya na parang hindi makapaniwala.
"Ayaw mo? Edi h'wag—"

Mabilis pa sa alas kwatrong pinagsiklop nito ang mga palad nila. "Sinong may sabing ayaw kong mahawakan ang kamay mo?" Bu-bulong-bulong na anito pero rinig na rinig naman niya.

Habang naglilibot sila ay pahigpit ng pahigpit ang kapit niya sa kamay nito. It feels like she is just torturing herself from her painful memories, dark past, everything that has happened to her. Parang sinariwa niya ang sugat na naghihilom na, para niyang binalikan ang impyerno, pero dahil kasama niya si Deandree, ang nagbigay liwanag muli sa kaniya ay kinaya niya ang lahat.

Escaping Hell (Dark series book 2) Where stories live. Discover now