CHAPTER 15

450 14 0
                                    

Enjoy Reading, Honeys<33>

Matapos ang isang linggo mula no'ng mag-usap sila ng binata ay inihanda na niya ang sarili. Ngayon na nila sisimulan ang mga plano nila. Ngayong araw na siya lalabas muli pero bago ang lahat ay kailangan muna niyang kausapin ang mga kaibigan, they deserve to know what happened to her. They are after all bestfriends.
Alam niyang kaya na niyang ikuwento ang buong nakaraan niya ngayon hindi tulad no'ng nagkuwento siya sa magulang ni Deandree na nahimatay siya sa kalagitnaan ng pagkukuwento dahil sa takot.

"Hindi ka nag-iisa" Pagkausap niya sa sarili.

Hindi nagtagal ay nakarinig siya ng katok mula sa pintuan.

"Ma'am Tiffany, nasa baba na po si Sir Deandree" Ani ng katulong sa kabilang pinto.

Simula no'ng sumama siya kay Tita Savvanah ay hindi na sila pinabalik pa sa penthouse ni Deandree, dito na sila namalagi sa mansiyon.

"Baba na po." Magalang na sagot niya. Dinampot niya ang isang Dior Sling bag na ibinigay sa kaniya ng mommy ni Deandree, inilagay niya roon ang cellphone niya bago lumabas sa kwartong inuukupa niya. 

NAABUTAN niya ang binatang nasa bugad ng mansiyon. Nakasandal sa mamahaling kotse nito, Ang coat nito ay nakasabit sa braso, tanging ang long sleeve polo lang ang pang-itaas na damit na bakat na bakat sa katawan nito. Bumaba ang tingin niya sa pang-ibabang suot nito, mabilis din siyang nag-iwas ng tingin ng mapansing sinusuri na niya pala ang binata.

Nang makalapit siya binata ay tumikhim siya.
"Tara na." Pagkatapos ay lumapit siya sa kabilang bahagi ng kotse para makasakay na.

Nagulat siya nang lumapit pa sa kaniya ang binata at pinagbuksan pa siya ng pinto.

"Thank you." She muttered before stepping in passenger seat.

"Welcome," Kininditan pa siya ng binata.

"Gorgeous" Bulong nito bago lumipat sa kabila.

Hindi niya maiwang hindi mapangiti dahil sa narinig.
The perfectionist Deandree Hayward just praised her.

Pinausad nito ang sasakyan palabas sa gate ng mansiyon. Sinabi niya rito ang address na pupuntahan niya. Ang Twilight Club kung saan lagi silang tumatambay ng mgs kaibigan.
Hindi pa niya nasasabihan ang mga kaibigang pupunta siya doon, saka na lang niya sila tatawagan kapag nandon na siya.

Inihinto ng binata ang sasakyan sa tapat ng Twilight Club. Akmang bubuksan na niya ang pintuan ng kotse nang i-lock iyon ng binata.

"Why?" Nagtatakang tanong niya.

Nakakunot ang noo nito at magkasalabong ang kilay.
"Your friends are here?" May pangangamba sa boses nito. "I think this is not a good idea, not a good meeting place. Hindi ka pwude dyan—"

"Mali iyang iniisip mo. Lagi kaming tumatambay ng mga kaibigan ko sa Top Floor, hindi iyon parang bar kundi parang bahay lang. Doon namin iseni-celebrate ang lahat ng achievement naming magkakaibigan at kahit birthday doon na kami naghahanda. Don't worry walang masamang mangyayari sa akin doon." Paliwanag niya sa binata.
Pero mukhang hindi parin ito naniniwala.

Ilang minuto itong natahimik bago nagsalita."Fine but let me accompany you."

Tumango na lang siya bilang pagsang-ayon.
Ilang beses siyang huminga ng malalim habang naglalakad sila papasok sa entrance ng club.
Walang mga custmomers dahil maaga pa naman, tanging mga janitor at janitress lang ang naabutan nilang naglilinis. Sumakay sila sa elevator na maghahatid sa kanila sa taas.

Nang makarating sa top floor ay pinuntahan niya ang nag-iisang pinto doon. She punched the passcode and the automatic door open.

Iginaya niya ang binata papasok. Hinayaan niya lang na maglibot-libot ito sa loob.
Siya naman ay naupo sa sofa.

Escaping Hell (Dark series book 2) Onde as histórias ganham vida. Descobre agora