CHAPTER 3

506 16 1
                                    

Enjoy Reading.

"Mom...daddyy" She shouted.

"Mom, daddy. Please....don't l-e-av-e-me." Pagmamaka-awa niya sa harap ng magulang na natatabunan ng puting tela. Ang dalawang kamay ng magulang niya ay hawak niya kahit pa malamig na iyon.

"Sabi n-iyo..." Halos hindi niya matapos ang sasabihin dahil tila nawawalan na siya ng dila. Ang puso niya ay parang pinira-piraso.
"Sabi niyo ay....ibibigay niyo ang lahat ng gusto ko. At ang gusto ko ay h'wag niyo akong iwan." Humagulgol siya at nang manghina ang mga tuhod niya ay tuluyan na siyang napaluhod.

It feels like she is dead too. She may be physically okay but her heart and mind was already dead.
Her heart has been ripped into tiny pieces when she saw her parents slowly burning inside in thier car.
At wala siyang nagawa. Wala siyang ginawa! Pinanuod niya lang ang magulang niyang masunog! Wala siyang kwentang anak! Hindi man lang niya natulungan ang mga magulang. Samantalang pag siya ang humiling sa mga ito ay mabilis nila itong binibigay sa kaniya kahit pa gaano kamahal iyon.

"Gising na po kayo, mmy, daddy. Promise po... h-indi na ako gag-gas-tos ng ma-laking pera." Pangako niya.
But she know that it's too late to say that.
Her parents died.

Dumating ang tita niya sa morgue at tinulungan siyang tumayo. "Halika ka na Tiff. Kahit anong luhod mo dyan ay hindi na maibabalik ang buhay ng magulang mo."

Tita niya ito sa mommy niya kaya naman hindi niya maiwasang hindi maluha habang nakatitig sa itsura nito. Halos magkamukhang-magkamukha ang mommy niya at ang auntie niya.

Wala siyang ginawa kundi ang humagulgol ng iyak sa balikat ng auntie niya, samantalang ito ay panay lang ang haplos sa buhok niya.

Bago sila lumabas ay bumalik siya sa kinahihigaan ng magulang. Pikit-mata niyang binuksan ang telang nakapatong sa mga ito.

Napatakip siya ng bibig habang nakatitig sa nasunog na mukha—katawan ng magulang.

"MOMMYY, DADDY."

Hinihingal siya nang magising siya mula sa bangungot.
Ramdam niya ang pagdaloy ng mainit na likido mula sa mga mata niya.

Napa-angat siya ng tingin nang may magsalitang lalaki. Hindi naitago ang gulat niya habang nakatingin sa lalaking merong baby bluish eyes. Ipinikit niya ng mariin ang mata at inalala kung saan niya ito nakita. Nang maalala niya ay napa-awang ang labi niya kasabay ng pagpintig ng ulo niya.

"Ayos ka lang ba?" Tanong nito.

"S-sino... ka nga ulit?" Nahihirapang tanong niya rito.

Kitang-kita niyang natigilan at malalaki ang matang pinakatitigan siya. "You...can't remember me?" Turo nito sa sarili.
Umiling siya kahit ang totoo ay naalala niya ito ngunit hindi lang siya makapaniwala na nakaligtas nga siya at wala na siya sa Poder ng tita niya.

"I'm Atty. Deandree Hayward." Pagpapakilala nitong muli.

Ipinikit niya ng mariin ang mga mata at inalala ang lahat ng nangyari sa kaniya. Tears instantly filled her eyes. Hindi niya alam kung para saan iyon. Hindi niya alam kung magpapasalamat siya dahil buhay siyang nakalaya sa auntie niya at sa asawa nito? She doesn't know anymore! Paano na siya ngayon? Paano na siya mabubuhay? Paano kung paglabas niya sa bahay na ito ay makita siya ng tita niya?
Punung-puno ng katanungan ang utak niya at wala siyang magawa kundi ang umiyak. She is hopeless. Unti-unti siyang nawawalan ng gana... ganang mabuhay. Dahil para saan pa? Para saan pang mabubuhay siya kung wala naman siyang silbi.

"Shh.. stop crying. I'll help you." Atty. Deandree said in a concern tone. And god knows how she badly want concerns for her whole being. Pero naloko na siya ng taong sobrang pinagkatiwalaan niya. Naloko na siya ng taong akala niya ay magulang niya. Sobrang sakit na akala niya ay totoo ang mga haplos nito sa buhok niya sa tuwing umiiyak siya noon.

Escaping Hell (Dark series book 2) Where stories live. Discover now