CHAPTER 10

466 13 2
                                    

ANG sikat ng araw at malamyos na simoy ng hangin na nanggangaling sa naka-bukas na bintana ang gumising sa kaniya.
Pakiramdam niya ay lumulutang siya habang naglalakad papunta sa banyo.
Ni hindi niya alam kung nakatulog ba siya kagabi. Nakapikit ang mga mata niya pero hindi naman nagpapahinga ang utak niya. Her painful past keeps on flashing into her mind.

Humarap siya sa salamin at pinakatitigan ang mukha.
Tinampal niya ang mukha at nang walang maramdamang sakit ay tinampal niya ito ng mas malakas ngunit tulad kanina ay wala parin siyang maramdaman.

"Wake up! Wake up!" Naiinis na sinampal niya ang sariling pisnge ngunit wala pa rin siyang naramdaman.

Nanghihinang pumailalim siya sa malamig na shower.
Nang matapos ay lumabas siya sa banyo at tinuyo ang katawan gamit ang tuwalya bago nagsuot ng isang sweatshirt at pajama.

Bumaba siya at dumiretso sa kusina at doon ay naabutan niya si Deandree na nakasuot pa ng apron habang nagluluto.

May kung anong emosyon ang pumitik sa puso niya.
Nah! Baka namimiss niya lang iyong mga araw na pinagsisilbihan siya, pagkagising niya ay may nakahanda ng pagkain para sa kaniya.

Siguro ay naramdaman ng binata ang presinsiya niya kaya naman humarap ito sa kaniya at nang mag-tama ang mga mata nila ay mabilis siya nitong nginitian.
Kung sa ibang pagkakataon sana siya nginitian ng binata na ganun ay baka nalaglag na ang panty niya pero kasi iba ngayon. Her own mind keeps on distracting her, she can focus her attention in the present, in the people infront of her.

"Maupo ka na, malapit ng matapos ito." Anito sa kaniya na pumukuw sa naglalakbay na naman niyang diwa.

Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "No. Tutulungan na kita." Hindi niya ito taga-silbi at dapat nga ay siya pa ang magsilbi dito.

Umiling naman si Deandree. "No, you will sit there" Tinuro nito ang mesa at upuan.

Umiling din siya at lumapit dito kaya lang ay inihirang nito ang kamay na nagpapakitang huminto siya.
Napahinto siya habang naka-kunot ang noo sa binatang papalapit sa kaniya hanggang sa hawakan nito ang dalawang balikat niya at pinaharap sa mesa. Masuyo siya nitong itinulak paupo.

"You will sit here like a queen." Bulong nito nang makaupo na siya.

Hindi siya nakapag-salita hanggang sa bumalik na ito sa pagluluto.
Why is her heart beating so fast?

Nakatitig lang siya sa likod ng binata habang nagluluto at hanggang sa maghain ito sa mesa ay sinusundan niya ng mata ang lahat ng galaw nito hanggang sa kumain sila ay nakatitig parin siya sa binata.

"Natutunaw na ako sa mga titig mo sa akin." Puna ng binata kahit hindi ito nakatingin sa kaniya.

Napalunok siya bago nagbaba ng tingin sa pagkain niya.

"S-sorry" Nauutal na aniya.

Nag-angat ito ng tingin. "You can do whatever you want. Kung saan ka nasisiyahan ay ayos lang sa akin." Napaka-seryuso nito habang nagsasalita.

The truth is nalilibang siya sa tuwing nasa tabi niya ito. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman at sa tuwing nakikita niya ang binata ay nagkakaroon siya ng lakas ng loob na iahon ang sarili.

"Thank you" she murmured softly while looking at the man who saved her. The man who is encouring her to fight for her life, the man who is willing to win her case in the court.

"For what?" Tanong nito habang nilalagyan ng pagkain ang plato niya, mula sa kanin hanggang sa ulam.

"For helping me." Nagbaba siya ng tingin at sinimulang kumain. Hindi niya maipaliwanag ang eksaktong nararamdaman sa mga oras na iyon.

Escaping Hell (Dark series book 2) Where stories live. Discover now