CHAPTER 22

389 11 0
                                    

Enjoy reading, Honeys<33

DEANDREE JUST stand still away from her, he didn't move nor speak not even a single emotion can be seen on his face. Hindi na niya maibukang muli ang bibig para mag-salita hanggang sa tinalukaran siya ng binata. Doon lang siya parang binuhusan ng malamig na tubig, malalaki ang lakad na sinundan niya ito, naabutan niya itong palabas na sa pintuan.

"W—ait." She stammered. Kinagat niya ng mariin ang pang-ibabang labi ng magsalita ito.

"You promised me..." Untag nito na parang ipinapaalala sa kaniya ang lahat habang nanatili ang likod nito sa kaniya.  "Am i not enough to at least help you? Hindi pa ba sapat ang mga ginagawa ko?" Walang emosyong humarap ito sa kaniya. "How dare you?....how dare you hurt the body of the girl i love?"

Natutop lang niya ang bibig at hindi makapag-salita.
Her mind couldn't function well. It feels like everything has stopped. 

"Gusto kitang alagaan, ayaw kong nasasaktan ka pero kahit anong gusto kong mangyari iyon kung ikaw mismo ang ayaw tulungan ang sarili. Don't worry hindi kita susukuan. Aalis muna ako kasi galit ako sayo."

"W—ait..." Hindi pa man siya tapos magsalita ay inunahan na siya nito.

"Saka na tayo mag-usap." He stated.

Wala siyang nagawa nang tuluyan na nitong binuksan ang pintuan at malalaki ang hakbang na iniwan siya.

Napatitig siya sa kawalan. Gusto niyang kutusan ang sarili kung bakit ba niya naisip iyon. Gusto niyang magpaliwanag sa binata pero ano namang sasabihin niya?
Napabuga siya ng marahas na hininga at napatitig sa pulsuhan niya.

"Gusto ko lang namang na malaman kung talagang may deperensiya sa katawan ko." Malungkot na bulong niya sa sarili. "I mean, why i can't feel any physical pain?"
Para na siyang nababaliw'ng kinakausap ang sarili.
"Galit si Deandree sa akin." Unti-unting nagsipatakan ang mga luha sa mga mata niya. Nasasaktan siya sa tuwing naalala niya ang walang emosyong mga mata nito kanina. Hindi siya sanay sa ganun. Ayaw na niyang makita ang walang emosyon nitong mga mata, gusto lang niya ay kung paano siya titigan ni Deandree dati.
Hanggang sa makatulog na lang siyang may hilam na luha sa mga mata.

KINABUKASA ay walang buhay siyang bumangon. Tinitigan niya ang sugat niya sa pulsuhan. Hanggang ngayon ay may mga marka parin doon dulot din ng paghiwa niya sa pulso dati, no'ng mga panahong puro kadiliman ang nasa paligid niya, tanging isang liwanag lamang ang tumayo para sa kaniya, iyon ay si Deandree na ngayon ay galit na sa kaniya.
Nang maalala na naman ang binata ay kusang pumatak ang mga luha niya. Hanggang ang tahimik na pag-iyak ay nauwi sa paghagulhol.

"H-indi ko naman ginusto ang nangyayari sa katawan ko ngayon." Bulong niya sa gitna ng pag-iyak.
"Bakit ayaw niya sa aking makinig?" Puno ng hinanakit na tanong niya sa kawalan.

Hindi na muna siya papasok sa ngayon, balak niyang pumunta sa hospital para kumunsulta sa doktor kung ano ba ang nangyayari sa kaniya. Sana ay iyon na lang ang unang pumasok sa utak niya, hindi iyong naisipan pa niyang saktan ang sarili para masigurong wala nga siyang maramdamang sakit. Aaminin niyang medyo bobo siya sa part na iyon, pero tao lang naman siya, nagkakamali. Mas pinangunahan siya ng emosyon niya, hindi na niya naisip ang ginagawa, kung tama pa ba o masama na.  Kapag nalaman na niya kung ano ang kondisyon niya ay tsaka na lang niya kakausapin ang binata. 

Dumiresto siya sa banyo para maligo. Pagkatapos ay pumili siya ng damit na maisusuot niya. Hindi naman siya nahirapan sa pagpili dahil hindi naman na katulad ng dati ang mga damit niya sa dami. Atsaka tanging mga maluluwag na t-shirt at jeans na lang ang gusto niyang i-suot ngayon dahil doon siya komportable hindi katulad dati na lagi siyang naka-dress at madalas din siyang magsuot ng mga sexy'ng damit lalo na no'ng nagdadalaga pa siya.

Escaping Hell (Dark series book 2) Where stories live. Discover now