CHAPTER 18

417 14 2
                                    

Enjoy Reading, Honeys>33

Everything went smoothly, Mabilis na naipakulong ang mag-asawa na may sentensiyang habang buhay na pagka-bilanggo dahil sa mga krimen na nagawa ng mga ito, Isa na doon ang pagpapa-patay sa mga magulang niya, nagpatong-patong ang mga kaso ng mag-asawa. 

Inikot niya ang tingin sa isang silid kung saan merong taong nag-alaga at tumulong sa kaniya. Hindi sapat ang salitang 'salamat' kung gaano siya nagpapasalamat sa binata. While looking at the four corner of the room, memories with Deandree flashed through her mind again. Parang kailan lang nagmumukmok pa siya, parang kailan lang no'ng mga araw na pakiramdam niya ay walang-wala na siya. Napakabilis ng panahon na ngayon ay aalis na siya sa lugar kung saan siya muling bumangon.

Mabilis niyang dinampot cellphone na bigay sa kaniya ni Deandree at ang wallet niya. Bago pa man magbago ang isip niya ay lumabas na siya sa silid na iyon.
Naabutan niya ang binatang nakatulala sa kawalan habang naka-upo ito sa pang isahang sofa.

Tumikhim siya upang kunin ang atensiyon nito.
"Aalis na ako." Tanging iyon ang unang lumabas sa bibig niyang mga kataga.

Parang wala sa sariling humarap sa kaniya ang binata. "Huh?"

Napabuntong hininga siya. "Sabi ko....aalis na ako."
Pagkatapos niyang magsalita ay nakakabinging katahimikan ang namayani sa kanila hanggang sa basagin iyon ng binata.

"Hindi ba pwedeng dito ka na lang?" His voice was somehow like begging.

Hindi niya maipaliwanag kung bakit ganun ang binata simula no'ng magpaalam na siyang aalis na siya sa poder nito. Nalilito narin siya sa mga ikinikilos nito.
Hindi naman siya bata para hindi maintindihan iyon pero.....hindi niya pa kaya sa ngayon. Marami pa siyang dapat na ayusin at isa na doon ang sarili niya.

"It is inappropriate to a woman to stay in a man house"
Tanging iyon ang naipaliwanag niya.

Saglit na natigilan ang binata bago pilit na ngumiti sa kaniya. Alam niyang pilit lang ang ngiting iginawad nito sa kaniya dahil kilalang-kilala niya ang totoong ngiti nito.

"Halika na, ihahatid na kita." He spoke up before he turned his back on Tiffany.

Walang magawa si Tiffany at ayaw niya sa gusto nito dahil alam niyang tama ang lang na hindi sila mag-sama sa i-isang bahay lang.

Naging tahimik ang byahe nila hanggang sa makarating siya sa condo'ng tutuluyan niya ngayon ay wala paring imik ang binata. Hindi niya tuloy magawang bumaba.
Tiningan niya si Deandree ngunit nanatili ang tingin nito sa harap, hindi man lang siya tinapunan ng tingin.

"Aalis na ako. Mag-iingat ka" Aniya at naghintay pa ng ilang segundo, nagbabaka-sakaling lingunin man siya nito ngunit hindi nito ginawa.

Nanlulumong lumabas siya sa sasakyan nito at mabilis na pumasok sa nasabing condominium. Nang nasa elevator na siya ay hindi na niya namalayang umiiyak na pala siya. Ang akala niya ay sanay na siya sa sakit pero hindi pa pala, hindi parin niya kayang masaktan.
Ganun na lang ba ang pamamaalam nila sa isa't-isa?
Alam niyang busy'ng tao si Deandree at siya naman ay marami ng aasikasuhin, mag-aaral na siyang muli at aasikasuhin niya rin ang pagpapa-renovate sa mansiyon nila. Balak niyang gawing orphanage iyon dahil hindi niya kayang tumira muli doon. Wala naman siyang masyadong masasayang alaala doon kundi mas timbang ang sakit na naranasan niya doon, kaya naman hindi siya sigurado kung kailan naman ulit sila magkikita ni Deandree.

Nang makapasok siya sa room niya ay hindi niya magawang mamangha sa ganda ng loob n'on. Mabigat ang kaloobang pasalampak siyang dumapa sa malambot na kama.

Hindi niya alam kung ilang minuto o oras siyang nasa ganung posisyon nang may marinig siyang nagdo-door bell. Walang ganang tumayo siya at naglakad papunta sa pintuan para tingnan kung sino ang nagdo-door bell.
Siguro ay isang staff lang iyon na nagta-trabaho dito sa condominium na kinaroonan niya.

Escaping Hell (Dark series book 2) Where stories live. Discover now