CHAPTER 29

456 14 0
                                    

Enjoy Reading, Honeys.

NANG magising siya kinabukasan ay cellphone kaagad niya ang una niyang tiningnan. Mabilis din siyang nanlumo nang kahit isang text mula sa binata ay hindi man lang niya natanggap.
Napabuntong hininga siya bago mabagal na kumilos.
Mukhang tinotopak lang talaga ang isang iyon. Susubukan niyang pumunta sa penthouse nito mamaya, sana lang ay naroon ang binata.

Ang ginawa niya ay nilinisin na lang niya ang buong condo niya. Pagkatapos niyang maglinis ay nagluto siya ng pananghalian niya. Nagluto siya ng butter chiken at gumawa narin siya ng vegetable salad.
Ang balak niya ay pagkatapos niyang kumain at maligo ay pupunta na siya sa penthouse ni Deandree kaya lang ay nang matapos siyang maligo ay namimigat ang talukap ng mata niya, gusto niyang matulog kaya naman hindi na niya namalayang nakatulog na pala siya.

Nang magising siya ay hapon na. Tinatamad pa siyang bumangon pero kailangan na niyang puntahan ang binata. Bago siya nakatulog kanina ay nakabihis na siya kaya naman sinuklay na lang niya ang buhok niyang nagusot dahil sa pagkakatulog niya. Pinahiran niya ng Night Berry shade ang labi niya bago siya lumabas sa condo niya.

Takipsilim na nang makarating siya sa tapat ng penthouse nito. Hindi na siya nag-abalang kumatok dahil alam naman niya ang passcode nito.
Nang mabuksan niya ang pintuan ay tumuloy na siya.
Isang masuyong ngiti ang gumuhit sa labi niya habang pinagmamasdan niya ang lugar kung saan nagsilbing tahanan niya no'ng mga panahong walang-wala na siya.  Habang pinapalibot niya ang tingin ay sumasabay ang mga alaala niya sa bawat sulok ng bahay na iyon. There's a lot of things happened in the past. A painful past but she survived because someone help her to.

Naglakad siya patungo sa kwarto. Hindi niya alam pero may kakaiba siyang nararamdaman. Hindi niya maipaliwanag kung ano iyon. Kinakabahan siya na natatakot at masaya. Huh? Kahit siya ay napapailing na lang dahil sa kakaibing nararamdaman niya.

Nanginginig ang kamay, dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan ng kwarto nito.
The first thing she noticed was the dim light.
Lumiko siya panganan para makita ang kama nito.
Ganun na lang gulat niya sa nakita.
Her heart pound rapidly as the same time her knees wobbled. Her mind stop from working, it feels like her world stop from spinning. Nakatutok ang mata niya sa nakasulat sa ibabaw ng kama. Gamit ang flower petals, inukit ang salitang..

'Will you mary me?'

Napatakip siya sa bibig kasabay ng pagtulo ng mga luha niya.
Mabilis siyang humarap nang marinig ang boses ni Deandree habang kumakanta ito ng 'Marry me' by Jason Derulo. Mas lalo siyang napaiyak habang nakikinig sa malamyos nitong boses at ang mahina nitong pag-gitara.

She just stand there watching her man serenade her like she is the most beautiful and amazing woman in this world. Those stares made her feel heaven.

"Will you marry me?"

Hindi na niya namalayang nasa harapan na pala niya ang binata, she was too overwhelmed.
Napatitig siya sa gwapong mukha nito habang sumisinghot-singhot parin.

"Ikaw?.." duro niya dito. "Halos hindi ako makatulog, kakaisip kung anong ginawa kong mali sayo. Hindi mo man lang ako tinext tapos napaka-lamig mo sa akin no'ng umalis ka, ni hindi ka nagpaalam."
She just can't contain her happiness kaya naaway na lang niya ito.

"Well, pasado na ba akong artista?" Natatawang tanong ni Deandree.
Umani naman ito ng hampas galing sa dalaga.

"Bakit mo ginawa iyon?" Naiinis na tanong ni Tiffany.

Escaping Hell (Dark series book 2) Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ