CHAPTER 23

398 13 0
                                    

Enjoy reading, Honeys.

Magaan ang pakiramdam niya habang bumabyahe sila ng binata. Hindi niya rin alam kung saan siya nito dadalhin basta hinayaan na lang niya ang binata. Hindi na siya nagtanong at hinayaang balutin sila ng katahimikan. Pero ang mga bibig lang nila ang tahimik, dahil ang puso niya ay walang tigil sa pagtibok, minsan ay natatakot na siya na baka marinig iyon ni Deandree. Tahimik lang din ang binata ngunit halos ayaw nitong bitawan ang kamay niya, nabibitawan lang nito iyon kapag kailangan na nitong kumambyo.

Nanatili ang sinusupil na ngiti sa mga labi niya hanggang sa makarating sila sa isang magarang-
"Restaurant?" Pag-siguro niya.

Hinarap siya ng binata, pabirong kinurot nito ang tungki ng ilong niya. "Yeah, i know, you missed eating in this kind of restaurant." Parang siguradong- sigurado ito sa sinasabi.

Pero totoo naman. Namiss niya na ngang kumain sa isang magarang restaurant. Ang huling kain pa niya sa mga mamahaling restaurant ay no'ng buhay pa ang mga magulang niya. Hindi lang pagkain sa mamahaling restaurant ang na-miss niya, miss na miss niya narin ang mga magulang niya. Hinayaan niyang makita ng binata ang lungkot na bumalatay sa mukha niya.

"W-hat's wrong? You don't like it here?" Nag-aalangang tanong nito.

May malungkot na ngiting hinarap niya ito at umiling. "Na-mi-miss ko lang si Mommy at daddy." Pag-amin niya.

Walang sinabi ang binata at marahan lang na pinisil ang kamay niyang hawak nito.

"So.." He trailed off. "Uuwi na lang tayo?" Malambing na bulong nito sa kaniya.

Mabilis siyang umiling at siya na mismo ang humila sa binata papasok. Pagkapasok pa lang nila ay may waitress na agad ang lumapit sa kanila.
Hindi niya napigilang hindi irapan ang waitress nang malagkit nitong nginitian si Deandree.
Siya ang unang pumasok ngunit mas inuna nitong kausapin si Deandree.
Mabilis niyang ipalibot ang kamay niya sa braso ni Deandree at nginitian ang waitress ng pagkatamis-tamis pero sa kalooban niya ay labis ang inis na nararamdaman niya.

"Table for two daw." Ulit niya sa sinabi ni Deandree nang hindi ito gumalaw at nanatiling nakatitig lang sa binata.

Hmph!

Naiinis siya sa babae dahil naka-tanga parin ito sa harap nila kaya naman hinila niya na lang ang binata, ipinalibot niya ang tingin sa kabuuhan ng restuaran para maghanap ng bakanteng mesa, nang makakita siya ay hinila niyang muli ang binata.

Buti na lang ay lalaki na ang lumapit sa kanila para itanong ang mga orders nila. At dahil isang american
restaurant ang pinasukan nila, puro mga american dish ang nasa menu. Naka-ngiti siya ng malapad habang sinasabi ang mga orders niya. Ngayon na lang ulit siya naka-kain sa mga ganitong restaurant kaya naman sinulit niya na. Hindi niya na inalintana ang mga presyo ng bawat pagkain.

Binasang muli ng waiter sa kanila ang mga orders nila bago ito umalis. Nang maka-alis ito ay saka lang tumuon ang pansin ang kay Deandree.
Nangunot ang noo niya nang mapansing madilim ang anyo ng mga mata nito.

"Bakit?" Nagtatakang tanong niya rito.

He spoke without emotion on his voice. "Napaka-lapad ng ngiti mo sa waiter kanina. Hindi mo ba napapansin na kakaiba ka niya tingnan?"

Inungusan niya ito. "For your information, sa mga pagkain ako nangingiti hindi sa waiter noh." Sagot niya.
Totoo naman, hindi nga niya maalala kung ano ang itsura nung waiter.
"Atsaka, bakit ka ba nagagalit?" Dagdag na tanong niya.

"I'm jealous" straight na anito habang titig na titig sa kaniya.

Nagkunwari siyang walang epekto sa kaniya ang sinabi nito ngunit sa loob-loob niya ay halos magiba na ang puso niya sa kakatibok niyon.
Calm down heart
Pinanatili niyang casual ang mukha niya kahit pa panay ang kurot niya sa hita niya sa ilalim ng mesa dahil sa kilig na nararamdaman. Hindi niya alam pero kunting bagay na nanggagaling sa binata ay kilig na kilig na siya.
She had a crushes before pero hindi naman siya kinilig ng tulad ng nararamdaman niya ngayon. Ibang-iba ang epekto ng binata sa kaniya. Minsan ay natatakot na siya dahil paano kung mawala ito? Paano kung hindi na siya nito mahintay? Oo, siya ang nagsabing pwede itong magkagusto sa iba pero sa tuwing naiisip niyang may babaeng magugustuhan nito ay parang may milyo-milyong karayom ang tumatarak sa puso niya. Minsan naiisip niyang tama bang desisyon ang hindi lagyan ng 'label' ang status nila? Pero kasi ay natatakot siya. Ayaw niyang isabay sa pag-aaral niya ang pagkakasintahan. Gusto niyang makapagtapos muna para buo ang oras ang maibibigay niya rito kung sakaling mahihintay siya nito. Bata pa naman siya at hindi niya rin alam kung nakatadhana na ba talaga siya sa binata o magiging parte lang ito ng buhay niya.

Escaping Hell (Dark series book 2) On viuen les histories. Descobreix ara