CHAPTER 21

386 13 0
                                    

Enjoy reading, Honeys🥰

KINABUKASAN ay masayang siyang naghanda para pumasok sa university. She can't stop from smiling whenever Deandree's popping in her mind. 

"Nababaliw na ako sa lalaking iyon." Naiiling na bulong niya sa sarili. 

Habang nasa kusina siya at naghahanda ng almusal ay aksidenteng nahiwa niya na ang hintuturo gamit ang kutsilyong gamit niya. Tinitigan niya ang hintuturo'ng nababalot ng dugo niya. Wala siyang maramdaman na kahit kaunting sakit na ikinabahala niya.
Napahinga siya ng malalim.

"Siguro ay dahil maaga pa?" Pagkumbinse niya sa sarili pero kalaunan ay napangiwi rin sa sariling kunklusyon. "Ano namang connect?"
Napakamot na lang siya sa sariling pisnge bago nagpasiyang hugasan ang kamay niya.
Nawalan na siya ng ganang mag-agahan, doon na lang siya sa Campus kakain.

INIHANDA NA niya ang ngiti sa mga labi nang makitang nasa harap niya na ang kotse ni Deandree.
"Good morning." Nakangiting bati niya rito.

Sinuklian naman siya ng binata ng ngiti.
"You look prettier as ever."

Umakto siyang parang nasusuka. "Tigilan mo na iyang mga iyan, hindi uubra sa akin iyan." She smirked. She hate man with sweet tongue and Deandree was not exception.

"Ang aga-aga, sinisira mo diskarte ko." Deandree actually rolled his eyes on her that made her chuckled.

"Masyado rin kasing maaga iyang ka-kornehan mo." Balik niya rito.

Hindi na nagsalita ang binata at pinagbuksan na lang siya ng pinto sa may passenger seat. May ngisi sa labing sumakay siya sa kotse nito.

"Sabi sayo, e. I'm kind of different from the women you've met and to the women you're just going to encounter." Pagpapa-alala niya rito.

"Oo nga, nakikita ko." Pambabara ng binata sa kaniya.

Buong byahe silang nagbangayan lang, natigil lang no'ng makarating na sila sa tapat ng Donovan University.

"Ihahatid na kita." Ani ng binata habang nagtatanggal rin ito ng seat belt. Mabilis niya itong pinigilan.

"Naku! H'wag na. Kaya ko naman."

Hinarap siya ng binata. "Alam ko, pero ihahatid parin kita." Pamimilit pa nito.

Napailing-iling na lang siya. Kapag sinabi nito ay gagawin talaga nito, in short matigas ang ulo ni Deandree.  Mabilis na nag-init ang pisnge niya nang may iba pang ulong pumasok sa isipan niya.
Kung pwede niya lang sampalin ang sarili nang hindi siya nag mumukhang baliw ay ginawa niya. 

"Halika na." Sigaw ng binata sa labas.
Hindi na niya napansin na nasa labas na pala ito.
Nagmamadali siyang lumabas at linampasan ito.

"Hey, wait." Sigaw naman nitong muli.

Kunot ang nuong hinirap niya ito. "Oh, bakit? Estudyante ka dito at may gana kang pumasok?" Naka-pamewang na tanong niya rito.

Napa-buntong hininga na lang si Deandree. "Hindi ba pwedeng gusto lang talaga kitang ihatid?"

Mabilis na umiling ang dalaga. "Ayaw ko." Mataray na aniya rito. "Sobrang busy mong tao tapos nagpapakalat-kalat ka lang sa campus ng Donovan University?"

Deandree tsked. "Grabe ka naman sa pakalat-kalat." He clutched his chest. "Nagtunog basura akong pakalat-kalat. Ouch! Hindi naman nakakasama ng loob" May kasamang sarkasmong anito na ikinatawa niya.

"Sige na kasi, umuwi ka na. Papasok na ako." Paalam niya rito.

"Oo na oo na, pumasok ka na, tsaka ako aalis dito kapag naka pasok ka na." Anito.

Escaping Hell (Dark series book 2) Where stories live. Discover now