CHAPTER 12

414 13 5
                                    

Enjoy reading, Honeys<3

NAGMAMADALING umuwi si Deandree matapos siyang tawagan ng ina.
Habang nasa daan ay halos lumipad na ang sasakyan niya sa kakamadali.
Panay ang higpit niya sa manobela. Wala naman sinabi ang nanay niya kundi bigla na lang daw nawalan ng malay si Tiffany.

"She must be scared" Pagkausap niya sa sarili.

Napabuga siya ng hangin.
Nang makarating sa building kung saan ang penthouse niya ay mabilis siyang sumakay sa elevator na maghahatid sa kaniya sa taas.
Nang bumukas ang elevator ay tumakbo na siya papunta sa pintuan ng penthouse niya.

Naabutan niya ang inang hinahaplos ang buhok ni Tiffany habang nakaunan ito sa hita ng ina.
The sight made him stopped from moving.
Hanggang sa tawagin ng ina ang pangalan niya.

"Andree" Tawag sa kaniya ng ina.

Mabilis siyang lumapit sa ina.

"Who is she?" Seryosong tanong ng mommy niya.

Napaisip siya kung ano ang sasabihin niya sa ina.
Ngunit kahit anong pag-iisip niya ay hindi niya magawang sumagot sa ina.

"Not your girlfriend, I see.." Ani ng ina nang ilang minuto siyang natahimik lang.

"S-iya po si Tiffany Mendez Rodrigo." Sa wakas ay naibuka niya ang bibig.

Tiningnan siya ng mommy niya kapagkuwan ay tumitig naman ito sa maamong mukha ng dalaga. "She is familiar to me."

Nangunot ang noo niya.

"Parang nakita ko na siya dati" Dagdag ng ina.
Kapagkuwan ay huminga ito ng malalim. "Bago siya nawalan ng malay ay nagmamaka-awa siyang tulungan ko daw at h'wag isumbong." Seryosong humarap sa kaniya ang ina. "Is she truamatize?"

Bumuntong hininga siya bago tumango. Sabay nilang pinagmasdan ng ina ang walang malay na dalaga.

"Why are you keeping her?" Kapagkuwan ay nakapamewang na humarap sa kaniya ang ina.

Lumapit siya sa ina at umupo sa likuran nito bago ipinatong ang baba sa balikat ng ina.

"Mommy, She need help. Hindi ko kayang pabayaan siya." Naglalambing ang boses niya.

Nakita niya ang pagsilay ng magaan na ngiti mula sa labi ng ina. "Ofcourse. She need help. Sana matulungan mo siya. And also I'm willing to help her too." Bumukas ang kalungkutan mula sa mukha ng ina. "Nakita ko ang labis na takot sa kaniya kanina, she was even shaking." Pagkuwento ng ina.
"Alam mo ba ang nangyari sa kaniya?" Tanong ng ina.

"Medyo may alam na ako sa mga pinagdaanan niya pero alam ko...marami pa siyang hindi naikukuwento." Sagot niya sa mommy niya.

"I wanna know what happened to her" Untag ng ina habang patuloy na hinahaplos nito ang buhok ng dalaga.

His mom is the sweetest person he have ever met. Kahit hindi nito kakilala ay tinutulungan nito kahit pa nga paulit-ulit naring naloko ang mommy niya dahil sa sobrang bait nito. His mom may look sophisticated but her heart is soft as marshmallows.

"I think...it's not my story to tell." Sabi niya sa ina.

"I know. But can i stay here.. With her." Her mom looked at him with pleading eyes.

"Mom. Kapag natakot siya sa inyo ay hindi natin siya mapipilit." Paalala niya sa ina. "Ako nga nahirapan din akong makuha ang tiwala nito na hindi ko ito sasaktan. Takot na takot din siya sa akin." Nakangusong pagkuwento niya sa ina.

"Let's find ways to help her in any way we can, Anak." Pagkausap sa kaniya ng ina.

"I know, mom."

Napagkasunduan nila ang ina na saka na lang sila mag-usap at magplano kapag nagising na ito.
Kung siya lang ay gusto niyang manatili ang mommy niya kapag may time ito sa penthouse niya lalo na kapag walang kasama ang dalaga pero hindi naman nila pwedeng pilitin si Tiffany.
Wala silang magagawa kung mahirapan itong pakisamahan ang mommy niya.

Escaping Hell (Dark series book 2) Where stories live. Discover now