Chapter 14

480 30 0
                                    




Ang tawag at update na hinihintay ko mula sa kanya, hindi dumating. Nanginginig ang mga kamay ko at hindi mapakali sa kama habang paulit-ulit na binabasa ang mga article mula sa ibat-ibang journalist tungkol sa relasyon 'daw' ni Catherine Montemayor at Mei Ong.


Hindi na ba siya tutuloy sa pag uwi dito sa Pilipinas dahil sa girlfriend niya? Titigil na ba ang komunikasyon namin? Ano na bang kasunod?


She was in a huge rumor when she got caught hanging out with Mei Ong, someone she refused to denied herself with. Pilit ko siyang pinapadalhan ng mensahe tungkol sa babaeng yon and I guess... I guess, she doesn't like having someone who nags a lot about her other girls.


Nakatulog akong walang sagot na nakukuha mula sa mga bagay-bagay. Umahon ako at nagpasyang pumunta na lang kay Daddy.


Ilang araw ko na rin naman sinubukan na abangan at sipatin siya mula sa opisina ni Daddy. Hindi nalalayo ang opisina nilang dalawa.


Paiba-iba na nga ang ginagawa ko makita lang siya. Para akong tanga na naghihintay sa taong ayaw magpahanap sa akin.


With my tube top and black mini skirt, I found a way to still look formal... a little. White Chanel blazer, black stiletto, and my butterfly glasses, I went out of my condo. I sent Daddy a message regarding my visit and he said that he misses me. Muntik pa akong makonsensya doon. Hindi naman kasi si Daddy ang tunay na pakay ko.


"Daddy!" I tried to sound excited and happy when I saw my Dad sitting on his chair. I fixed his blinds so I would see who will walk through the hallway.


Ilang araw ko na 'tong ginagawa. Hinihintay ko ang pagdaan niya dito para naman makita ko ang pagdating niya. She stopped talking to me.


"You want to come with me? I'll have a meeting with the executives in three minutes regarding their mass hiring." Daddy, as usual, sounded sweet as he tried to reach for my shoulders. Niyakap niya ako at hinalikan sa ulo habang pumapagitna sa amin ang malaki niyang tiyan.


"No, Dad, I'll stay here." Mahina kong sagot sa kanya.


"Okay, anak. You can stay here... aalis na ako."


Naupo ako sa upuan niya at napatitig sa nakaangat na blinds. Ilang minuto ang lumipas na ganoon lang, tulala ako.


I couldn't help but to get upset. Ang sabi niya kasi sa akin, she would be happy to see me first thing after landing here. At ilang linggo na ang nakakaraan pero hindi na siya nagparamdam pa sa akin.


Nanlaki ang mga mata ko nang biglang dumaan ang dalawang damulag na bodyguard ni Catherine. Tumayo ako at inabangan ang pagdaan niya at hindi ako nabigo. Nasa gitna siya habang dalawang nakaitim na polo-shirt with 'POLICE' written at their back ang nasa likuran.


Ilang minuto ko sinubukang iabsorb ang nangyayari. She's here! Sa kabilang office lang siya at hindi ko alam ang gagawin ko!


Tumayo ako at naglakad palabas ng opisina. Sinubukan kong silipin si Catherine pero sarado ang mga bintana niya.

The White in her BlackWhere stories live. Discover now