Chapter 25

409 26 2
                                    







Nakatulog kami ni Catherine kinagabihan nang hindi man lang kumakain ng dinner. I asked her to prepare our dinner as I was too tired to cook something for her. Hindi siya nagreklamo doon at hinalikan ang aking pisngi bago ako makatulog.



Akala ko'y gigisingin niya ako para kumain pero hindi 'yon nangyari. I woke up quarter to two in the morning and Catherine was sleeping so deep. Gusto ko sanang gisingin siya pero parang makokonsensya ako doon.


Pinakatitigan ko siya at agad na napaisip. Ang pag aaya niya sa aking pagpapakasal, gaano siya kaseryoso doon? Kung dumating man ang araw na doon nga ang bagsak namin, paano naman kami mabubuhay habang nagtatago sa mga tao?


I understand that she is really taking our relationship seriously. Ganoon naman din ako. I'm just not sure on how are we going to handle a married life.


Umusog ako papalapit kay Catherine. Her sleep was too deep that even my movement did not bother her a bit. I touched her face and caressed her cheeks as I saw how smooth and pale they are.



Ngumuso ako at agad na napaisip. Does Catherine like the way we're living here in Batanes? O baka naman pinakikisamahan niya lang ako dahil ito na ang buhay ko ngayon? After what my father did to their company, I don't see any reason for her to date me again.


Ang iniisip ko nga, sa lahat ng taong magagalit sa akin, galit lamang ni Catherine ang titiisin at tatanggapin ko. Ang pamilya ni Catherine, tanggap kong magagalit sila sa akin. But Catherine, I know that she'd be fuming mad at me.


Napapikit ako at agad na inalala ang mga naiwan ko sa Manila. Our house, my room, the good restaurants, malls everywhere, night outs, my friends.


God knows how much I miss my friends. My Gabriella, My Criza and Francesca. Oh, I miss them so. Napakagat ako sa pang ibabang labi at inisip kung ano na ang lagay nila ngayon.


Naniwala ba silang wala na ako? Naiisip ba nila ako? Hindi rin ba nila ako matanggap katulad kay Catherine? Si Mommy... talaga bang wala lamang ako sa kanya? I unconsciously bit my lowerlip as I tried to remember each memory that I had with the friends that I left in the metro. I badly want to see them. They are my family.


Lumandas ang mga luha kasabay ng aking pangungulila. Para akong naliligaw na bata na pilit iniintindi ang pag galaw ng kumpas na dala dala. Parang bata na hinahanap ang daan palabas mula sa gitna ng kawalan.


I know for a fact that in the middle of my longing with everyone, there's a single hope that makes me believe that I'll be able to walk through it. That's Catherine. The source of my hope, the light to my darkness, the white in my black. She may not know this but Catherine saved me more than I saved myself. Siya ang lakas ko. Siya ang dahilan ko.


Agad akong napabangon nang dumating ang nag dadagsaang emosyon. Para akong nalulunod sa sariling hininga nang umahon ako sa pagkakaupo at agad na dumaloy ang mga luhang hindi ko alam na nasa sistema ko pa pala.


For days, I have been so happy that it made me forget how hard it was for me to even get out of bed for the past few months.



Hindi malamang mauunawaan ng ibang tao, pero sobrang sakit na taong mahal mo pa ang sisira sa mga bagay na gusto mo. I'm blaming Daddy for everything that I am experiencing now. But what hurts me the most is the fact that I always blame my innocent self the same way I blame my parents.


My parents won't be greedy if not for me. Ako ang iniisip nila sa mga desisyon na ginagawa nila sa buhay. Lalo ang Daddy ko. My Dad never made me feel that he loves someone more than he loves me and Mommy.


The White in her BlackWhere stories live. Discover now