Chapter 3

653 36 0
                                    


Friday night simply means a sleepless night. Nandito ako ngayon sa unit ko habang tinititigan ang sarili sa harapan ng salamin.

Muli kong pinakatitigan ang suot na maiksi at hapit na maong na palda. I paired my skirt with a white silky bralette. Kitang kita sa gitna ang kumakaway kong cleavage.

"Saan ka na?" Criza asked the moment I picked up her call. "Ano? Pakshet 'tong si Fancesca, gusto yata ako." Dagdag niya.

"Paalis pa lang ako." Sagot ko sa una niyang tanong. "She makes everyone feel that way. Hindi ka pa nasanay." Umirap ako bago pindutin ang alarm ng sasakyan.

"Ewan ko dito, parang tanga." Ramdam ko ang irap niya mula dito. "Drive safely." She added before saying goodbye.

"Yeah, I love you." Ibinaba ko ang tawag nang ibalik niya ang love reminder ko.

Hindi ganoon katagal ang naging biyahe ko. When I arrived, Fancesca and Criza were sitting next to each other. It was unusual, tho. Palagi kasing nasa dancefloor si Francesca.

I kissed both of them before sitting next to Fancesca. She introduced herself as Chesca but I never called her that way. Palagian kasi siyang nagbibigay ng sakit sa ulo.

"My old friends will come here. I invited them. Apat 'yon sila." Criza said after drinking a shot glass of Cuervo.

Nang lumalalim na ang gabi, unti-unti na akong tinatamaan ng alak. Tho I'm still sober, alam kong sumisipa na ang alak sa sistema ko.

Tumayo ako at nakihalo sa dagat ng mga tao. I danced with everyone. Maingay at masikip but one thing's for sure. Someone's dancing behind me.

I felt a hand on my tummy. It was almost hugging me. I continued dancing with the rhythm of the song. It was bouncy and catchy.

Bahagya kong nilingon ang nasa likuran at nakita ko yung lalaking sumasayaw sa likuran ko. He pulled me closer to him as I look at his face.

Doon ako naalarma at bahagya siyang itinulak. When he didn't let go of me, mas nilakasan ko ang tulak sa kanya. Doon niya pa lang nakuha ang ibigsabihin ng tulak ko. He raised both of his hands as if surrendering over something. Umalis siya at iniwan ako sa gitna.

Nawalan ako ng gana mag sayaw kaya umalis ako doon at bumalik sa lamesa namin. Criza's friends were there when I came back. Isang lalaki at tatlong mga babae.

"Hi," I greeted them as I sit beside the girl. "Madison," I introduced myself to everyone. "Where's Criza?" I asked.

"Nag cr si Chesca sasayaw daw, sabi niya." Ani ng katabi ko.

Nagpakilala silang lahat sa akin at inabutan ako ng inumin. They're all older than me. Nakipagkwentuhan ako at sumasagot sa kanila kapag tinatanong. They're fun to be with. Hindi nakakailang at maayos kausap.

Naputol ang tawanan namin nang bumalik si Criza at Fancesca. Pinagagalitan ni Criza yung isa.

"Sabi ko sayo, kapag alam mong ganon yung gagawin, lumayo ka na. Ang kulit-kulit mo!" Si Criza na mukhang totoong galit.

She's like the mother of our friendship.

"Malamang, nag sasayaw nga di ba? He can be a little touchy." Umirap ito at naupo sa tabi ko.

I handed my drink to Fancesca. She's murmuring curses. Kinuha niya ang alak at agad na ininom.

"Parang ewan..." mahina nitong bulong.

"Let her have some fun." Ani ng kaibigan niyang si Trisha.

"Hinihipuan na nga siya, eh. Sa hita na nakahawak tuwang-tuwa pa 'yan." Umirap si Criza at kinuha ang kahon ng sigarilyo.

The White in her BlackWhere stories live. Discover now