Chapter 30

285 20 13
                                    


"Nakakainis." Mahina at mariin kong sabi. I haven't even absorbed the whole thing yet and I now have a reason to hate this city.

"Why are you mad?" Malambing na sambit sa akin ni Catherine. Kasama noon ang haplos niya sa tagiliran ko.

Her grip on my waist was enough for me to feel that I am her only. Yumakap pa siya mula sa likuran ko nang makita niya na lalo lamang akong sumimangot.

"Do you hate it here?" Tanong niya nang hindi ako magsalita.

Umiling ako at yumuko. How can I hate a mansion with perfect marbled floor? The mansion is cream-like colored with some touch of white. The walls are built perfectly as if it is a newly built property. Alam kong matagal na ang mansion dahil kung tutuusin, luma ang ilang kagamitan pero halatang may halaga.

"This mansion looks expensive." Sambit ko nang lumakad kami patungong kusina. Ni hindi pa nga kami nakakarating sa sala at bulwagan ng mansion niya, o namin, alam ko na agad na hindi ko kahit kailan kakayanin bumili ng ganito.

"Why were you mad earlier, hmm?" She asked, hugging me from the back a little tighter.

"I wasn't mad. I knew you needed some rest." Deretsahan kong sabi.

Binuksan niya ang isang cabinet nang bumitaw siya sa akin. ang cabinet na binuksan niya, fridge pala. She took a pitcher of water and open another cabinet to get a tall glass for the water.

Agad siyang nagsalin at lumapit sa akin. "My wife needs rest too..." Bulong niya sa akin.

Bahagya akong umatras. Ang inis ko kay Nica ay lumipat rin kay Catherine. Agad ko siyang inirapan nang marinig ko ang mahina niyang tawa dahil sa reaksyon ko.

"Nothing's funny." Mahina kong sambit, unti-unting umaatras mula sa kanya.

Agad na gumapang ang mga braso niya paikot sa aking tiyan matapos ilagay ang baso ng tubig sa aking harapan. Mahigpit ang mga yakap niya sa akin, parang ayaw akong pakawalan.

"Why are you acting so sassy?" She asked.

Inismiran ko siya at agad akong lumapit sa baso ng tubig sa lamesa, nagpapanggap na interesado ako sa mansion na inaapakan namin ngayon.

Uminom ako ng tubig at pinakatitigan ang paligid. Maganda ang property at malinis ang paligid. Ang mga muwebles ay halatang mamahalin, katulad ng mga materyales na ginamit sa pagtayo ng mansion. everything looked strong and expensive.

"That Nica obviously likes you." Mahina kong sambit, iniisip na mukhang hindi ako matutuwang may mga kasama kami rito.

"And my wife obviously doesn't like her, huh?" Her voice was sweet. She was not teasing me or anything. Pero ang dugo ko, kumukulo para sa kay Nica.

"Palagi ka bang lalabas?" Tanong ko sa kanya.

"Only when needed. I won't go out without you, of course."

Inismiran ko siya at dumiretso ako sa sala. Two long stairs are placed in the middle, nakakurba at nakadikit sa mga dingding kabilaan. Upstairs is where the ends meet. Doon naman nakabungad ang malaking painting ng isang magandang babae.

"Is she the owner?" I asked, seriously ignoring the irritation about Nica just outside our Mansion.

She shrugged her shoulders. "I guess so." Hindi sigurado niyang sagot.

We decided to go upstairs and rest for a bit. I took a quick shower and felt extremely tired as I wait for Catherine to finish. Ang paghiga ko sa kama ay nauwi sa tulog.

Nagising akong palubog na ang araw at wala si Catherine sa tabi ko. Golden hours makes me feel such comfort. I'm not sure if it's the breeze, the salty air or just the thought that the day is almost ending and I was able to stay alive. Automatiko akong napabangon para hanapin siya. I went downstairs, tinitignan ang pasilyo ng mansiyon habang iniisip kung saan ko madadatnan ang fiancee ko.

The White in her BlackWhere stories live. Discover now