Chapter 32

307 27 11
                                    




Mababaw ang naging tulog ko. Kaya naman nang may pumasok, agad akong nagising. I smiled slightly when Gabriella appeared as I open both of my eyes. Ngumiti siya sa akin at bahagyang itinuro ang switch ng ilaw. Naintindihan ko ang gusto niyang iparating kaya naman agad akong tumango.

Umahon ako at umupo sa kama. Lumapit siya at tumabi sa akin matapos buksan ang isang ilaw na medyo malayo sa kung saan ako nakapwesto.

Bahagya niyang hinaplos ang aking braso nang makalapit sa akin. The lamp beside me is currently on with a yellowish tone. The alarm clock beside it says that it is 4:36 in the morning and I barely slept.

"How are you?" Gabriella asked with a slight smile.

"Anxious," Marahan kong sambit.

"You can back out with the press tomorrow..." Sagot niya sa akin.

Ngumiti ako nang bahagya, "Hindi na. Aubrey would be there with me so I'm okay." She looked worried so I have to assure her that I can do it.

Mukhang hindi kombinsido doon si Gabriella kaya naman natawa ako nang mahina.

"I'll be okay, don't worry." Dagdag ko.

Doon lamang siya nakampante bago tumayo at lumabas ng silid. Nakatulog ako saglit at nagising rin kinaumagahan. Naabutan kong nakaupo si Criza sa malambot at mahabang sofa bandang tanggapan, malapit sa sala.

"Paputol-putol tulog ko..." Mahina kong sambit nang lumapit sa akin si Criza habang naglalakad ako papalapit sa kusina.

"I'll make you a coffee." Sambit niya sa akin.

Tumango ako at nagpasalamat. Tahimik lang na nagtimpla ng kape si Criza sa gilid habang panaka naka ang tingin sa akin.

I didn't eat anything. Mas madalas pa akong tulala kaysa sumagot sa mga itinatanong nila sa akin. I kept quiet and observant.

I took my phone and read some article once again. Nakita ko ang litrato na hindi ko pa nakita kailanman noon. There's a photo of Catherine and Mei Ong in a party, Catherine Montemayor had her arm snaked around Mei's waist. Wala akong kakilala sa mga taong kasama sa litrato bukod sa isang Miss Universe candidate na nandoon.

Nasilip ni Criza ang nasa telepono ko kaya naman agad akong napatingin sa kanya nang bahagya siyang tumawa.

"Bullshit," she said. "Really..." she added.

Natawa rin ako dahil sa reaksyon niya.

She cleared her throat right after laughing. "It looks like you're some type of compensation. Parang hinanap ka at hinabol para humingi ng tawad at paikutin."

"You think so?" I asked. Napaisip rin.

"Yeah..." sang ayon niya. "It seems like she pursued you out of guilt. And now that you're doing okay," she paused and looked straight through my eyes. "She'd leave you behind. Her goal involving you has been done."

Sa lahat ng sinabi niya, isa lang ang natandaan ko. She pursued me out of guilt. That could be it.

I'd feel sorry for myself too. Nakakaawa naman kasi talaga ako. I know for a fact that I am pitiful. Totoo kaya yun? Naawa siya sa akin? Hindi niya ako mahal... naaawa lang siya sa akin?

Magdamag kong inisip ang mga posibilidad na pumasok sa sistema ko. Hindi ako masyadong makapag focus habang inaayusan ni Aubrey. Nakapag ayos na siya kanina kaya naman ako na lang ang iniintindi niya ngayon.

"Thanks..." Mahina kong sambit nang tulungan ako ni Aubrey sa pagbibihis para sa presscon. She bought a red Prada dress for me.

The length is just fine for my body. It has a slit on the right leg. Kalahati ng hita ko lang ang natatakpan at may maliit pang hati doon ang tela kaya naman medyo exposed ang balat ko. It is tight on my waist and is showing enough skin on my chest part.

The White in her BlackWhere stories live. Discover now