CHAPTER 2

74 13 8
                                    

∞∞∞

Someone's POV

---

Nandito ako ngayon sa kotse, nakaupo at nagmamasid-masid lang sa labas habang umaandar ang sasakyan.

Papunta akong school ngayon. Kakauwi lang namin dito sa Pilipinas noong nakaraang Linggo. Lagi naman kasi kaming palipat-lipat ng tirahan. Kaya nasanay na ako kahit na minsan, nakakasawa ng sumunod sa mga magulang ko.

"Ahmm.. Sir?" kuha ng driver ko sa atensyon ko.

Napatingin ako sa kanya. "Yes?" tugon ko.

"Pinapasabi po ng Mommy niyo na lilipat muna daw po sila sa Qatar. Maiiwan daw po muna kayo sa Lola niyo dito po sa Cavite." sabi niya habang patuloy lang sa pagda-drive.

"Okay. No problem." tugon ko saka ibinaling ulit sa bintana ang tingin.

Nasanay na ako na palipat-lipat kami ng tirahan. Pero hindi alintana ng mga magulang ko ang pera na nagagastos nila sa pagbili ng ng bawat bahay namin sa tuwing lilipat kami ng tirahan sa iba't ibang lugar.

Ilang sandali pa'y nakarating na kami sa school. New school, new life. Nasa fourth year na ako sa High School ngayon at dito sa school na 'to ako mag-transfer.

Pagbaba ko ng kotse, nagkatinginan lahat ng mga estudyante at nagbubulungan. Ano ba'ng meron at parang gulat na gulat sila? Para kasi silang nakakita ng multo tapos pinagtsi-tsismisan rin nila ako.

Dumaan ako sa hallway dala ang bag kong nakasukbit sa dalawang balikat ko patalikod. Habang naglalakad sa hallway, napatingin ako sa phone ko. Tumunog kasi.

*KLING!*

A text message from my older sister.

From: Ate Jade

- "I'm here at the cafeteria. Just waiting for you. Come here, faster."

Ibinulsa ko na lang ulit ang phone ko. I don't care if she's waiting for me. I have my own life. I can do whatever I want.

Ilang sandali pa'y may biglang lumapit sa akin na babae. May kaliitan siya at may itim na unat ang buhok. Pero mukhang naihampas ang bibig sa pader. Ang pula kasi ng bibig niya. Akala naman niya siguro mas naging maganda pa siya sa itsura niya. Para kaya siyang pokpok na nagtatrabaho sa bar. Bayarang babae na nakawala kaya dito nang-aakit ng mabibiktima, tsk.

Napahinto ako sa paglalakad.

"Pwedeng magpa-picture, Mr. Pogi?" tanong niya sa tonong nang-aakit.

"No." sagot ko at nilampasan na siya.

"Why naman? Hey! Please! Pa-picture ako!" sigaw niya habang rinig ko ang mga yabag niya papalapit sa akin.

Binilisan ko na lang ang lakad ko para hindi na niya ako maabutan pa. Nang makalayo na ako, dumiretso na ako ng cafeteria. Nakita ko ang ate ko na nakaupo sa left side malapit sa salamin na tanaw na ang labas ng cafeteria.

Pinuntahan ko siya at umupo sa upuang nasa tapat niya. Kinalong ko ang bag ko at sumandal sa sandalan ng upuan.

"Ba't ang tagal mo?" bungad niyang tanong sa'kin.

She's the Writer and I'm her Reader [ON-GOING] - SOON PUBLISH UNDER KM AND H PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon