CHAPTER 4

49 12 5
                                    

∞∞∞

Zara's POV

---

Nasa bahay na ako ngayon. Kakahatid ko lang kay Nathalie sa bahay nila. Pagka-park ko ng sasakyan ko sa garahe, dumiretso agad ako sa loob ng bahay.

Nadatnan ko si Aling Marta na nagluluto na ng meryenda ko. Kilalang kilala niya na ako eh. Alam niyang kapag may pinupuntahan ako tapos kapag umuwi na, bigla na lang akong nagugutom kaya agad nagluluto na siya ng meryenda ko.

"Aling Marta!" tawag ko dito kaya napalingon siya sa gawi ko na nasa tapat ng main door ng mansyon.

"Oh, Ms. Zara! Nand'yan na po pala kayo. Sandali lang po ah, niluluto ko pa po yung meryenda niyo." tugon niya.

"Ano po ba 'yang niluluto niyo?" tanong ko sa kanya.

"Pancakes at hot cakes po. Masarap po 'to." sagot niya.

Tumango-tango ako bilang tugon at nagpaalam na ako papunta sa kwarto ko. Medyo napagod ako kakalakad sa mall eh. Medyo sumakit yung mga paa ko.

Nang makarating na ako sa loob ng kwarto ko, ibinagsag ko ang katawan ko sa kulay asul ko na kama. Nakakapagod talaga bumyahe! Tinatamad na akong lumabas. Ayoko ng bumangon!

Pero hindi pa pala ako nakakapagbihis. Baka pagalitan ako ni Mommy kapag nalaman niyang hindi agad ako nagbihis ng pambahay. Kaya kahit na masakit ang katawan ko at tinatamad bangon ay pinilit kong tumayo saka pumunta sa dressing room.

Kumuha ako ng isang oversized t-shirt na kulay puti at isang blue faded denim shorts saka lumabas na ng dressing room ko.

So ayon, bumalik ako sa kwarto ko. Pumunta sa banyo at nag-shower. Ayokong maligo eh, nakakatamad magpatuyo ng buhok. Ang haba pa naman ng buhok ko.

***

Ilang sandali pa'y natapos na rin akong mag-shower. Eksaktong paglabas ko ang pagkatok ng kung sino sa pinto ng kwarto ko. Dali-dali ko iyong binuksan.

Bumungad sa akin ang nakangiting si Aling Marta na dala na ang tray ng meryenda ko. Kinuha ko iyon mula sa kanyang mga kamay at inilapag iyon sa mini table ko dito sa kwarto ko.

Agad umalis ang kasambahay namin at bumaba na ng hagdan. Sinabi ko na ako na lang ang magbababa ng pagkakainan ko.

Habang kumakain, naisipan kong magbukas muna ng mga social media accounts ko. Tutal bored din naman ako. Tsaka ayoko munang magbasa habang kumakain. Baka hindi ako makakain ng maayos. Kasi siyempre, kikiligin ako tapos hindi na makakakain ng maayos kasi nabusog na ako ng kakatawa at kilig. Kaya social media muna this time.

Nagtungo ako sa search bar at hinanap ang account ni Nathalie sa Facebook. Ang daming followers! Nakakainggit naman itong account ng bestfriend ko. Gusto ko rin ng ganito pero, tamad akong gumawa ng nobela eh. Mas gusto ko lang nagbabasa na lang ng mga gawa ng underrated authors kaysa magsulat ng sarili kong nobela. Baka pagtawanan lang ako, kaya huwag na lang.

Oo, wala akong tiwala sa sarili ko. Kahit na sinasabi ng mga kaibigan ko na kaya ko, feeling ko talaga sa sarili ko ay hindi ko talaga kaya. Kahit na pilitin ko, ayaw pa rin. Kaya sa kanya na lang, kapag ready na talaga ako.

Habang nagi-scroll down, may nag-notification. Kaya agad kong tiningnan iyon. Mukhang interesting kasi. At dahil medyo may pagka tsismosa rin ako, tiningnan ko.

Sa post lang pala ni Nathalie—wait! May nag-comment na pogi! Oh. My. God. Like, what the f*ck? Pogi? Magiging reader ng bestfriend ko? Like, omg talaga!!!

Kaagad kong tinawagan si Nathalie para i-inform na merong pogi na reader niya. Waaaaah! Grabe! Kinikilig ako! Kyaaaaaah! Sa wakas! Magkakaroon na ng lovelife ang favorite author ko! Yehey!

*KRIIIIING! KRIIIIING! KRIIIIING!*

Ano ba, Thalie?! Sagutin mo! Sayang ang tsismis!

["Ano??? Ano ba naman, Zara? Busy ako eh."]

Ayy.. ang pangit ng bungad ha? Reklamo agad! Eh kung sakalin ko kaya 'to.

"Ano ka ba? Tsismis 'to! Mamaya baka mahuli ka!"

["Eh?? Wala akong pake sa mga tsismis-tsismis na 'yan. Sige na, bye."]

"W-wait! Sandali lang na—.."

*TOOT TOOT TOOT*

Aba! Napakabastos ng bruhang 'to! Lagot sa'kin 'to kapag nagkita ulit kami. Kainis! Sayang yung future boyfriend niya sana. Jusko! Baka iba pa ang makabingwit sa kanya! Bruha kasi itong Nathalie na 'to! Ang sarap batukan!

Ito lang naman ang sabi nung boy wattpader na nag-comment. Yung pogi? Kyaaaaah!

(Perish G. Thermione
- "I'm so proud of you, Inky! Congrats!")

Yes! Perish ang name nung guy and I stalked his account! Like, f*ck! He's so handsome! Baka crush ko na siya. Yes! Crush ko na nga siya! Pero siyempre, magpaparaya ako para sa bestfriend ko. Sa kanya lang dapat si Perish. Yes, self. Kay Nathalie lang si Perish.

So, ayon. Nag-send na lang ako ng messages kay Nathalie. Ang laman ng messages ay patungkol sa boy wattpader na nag-comment sa post niya. Eh sa gusto ko nga na malaman niya. Kawawa naman yung guy kapag hindi siya napansin ng SIKAT kong bestfriend.

Alam kong hindi gaanong sikat si Thalie sa ngayon. Pasikat pa lang. I mean, sumisikat pa lang ang nga gawa niya at pati na rin siya. Iilan lang din ang nakakakilala sa kanya sa ngayon kaya konti pa lang ang mga bumibili ng books niya.

Sa katunayan ay isa pa lang ang kilalang libro ni Nathalie. Hindi niya ikinakalat ang ilang libro niya. I mean, nagseself-publish siya ng mga gawa niya. Kaya hindi siya gaanong kilala ng karamihan. Thousands of people are reading her stories in Wattpad. Pero ang hindi nila alam, may mga libro na ng mga 'yon si Nathalie. Ewan ko ba sa babaeng 'yon! Sikat na sikat na sana siya kung hinayaan niya lang na ma-reprint lahat ng mga libro niya at mai-deliver sa book stores.

Kaso, ayaw yata niyang sumikat. Lagi niya kasing sinasabi na nagsusulat lang naman daw siya ng mga nobela para sa mga readers niya at para hindi siya ma-bored. Doon siya masaya kaya sinusuportahan na lang namin.

Tama naman kasi siya. Dapat ang mga writers,  nagsusulat para sa mga readers nila at para na rin hindi sila ma-bored. Hindi yung gumawa ka lang ng nobela para lang magpasikat. Tapos ang malala pa, porque sikat ay ibababa na nila ang confidence ng mga aspiring writers. Ang sasama! Mga hindi marunong tumanaw ng utang na loob! Mga walang patutunguhan sa buhay!

Para namang hindi sila malalaos pagdating ng panahon. Baka nakakalimutan nila na nanggaling rin sila sa walang wala. Zero, no readers, no votes, zero followers, and no supporters. Tapos matapos silang suportahan, aasa silang reyna o hari? Tapos ano? Iinsultuhin ang mga nasa ibaba? Ang mga nagsisismula pa lang? Aba! Napakagaling naman nila! Sana hindi na lang sila sumikat kung gano'n rin naman ang inaasta nila matapos silang suportahan ng mga taong naniniwala sa mga kakayahan nila. Jusko! Nakaka-high blood!

Ito namang mga supporters nila, jusko! Kumakampi pa sa mali! Alam na ngang mali, sige pa rin sila ng sige, kahit na nasasaktan na yung ininsulto nila. Tsismis d'yan, tsismis doon.

Alam niyo? Huwag na tayong maglokohan, alam kong karamihan sa atin ay JUDGEMENTAL. Palihim man o bulgar ang pagiging judgemental, siya pa din 'yon. Judgemental pa din tayo. Kaya huwag mo ng itanggi. Niloloko mo lang 'yang sarili mo.

Maging judgemental in a good way. Huwag naman yung paprangkahin mo na nga yung tao, sasabihan mo pa ng mga bagay na mas magpapasakit pa sa damdamin niya. Yung tipong sisiraan mo pa siya sa iba.

Sabihin mo sa kanya ng deretso. Tapos kalmahan mo lang. Huwag yung high blood agad. Parang ikaw naman yung gumawa ng nobela. Napakataray ha? Parang madali naman kasing magplano at magsulat ng nobela. Sige, magyabang ka pero dapat kapag may napatunayan ka na, na mas magaling ka kumpara sa mas magaling sa lahat.

Oh ano? Natamaan ka? Hindi ko naman sinasabi na dapat masaktan din kayo na mga toxic na nagbabasa, ang sa akin lang naman. Dapat alam niyo yung LIMIT niyo as a readers, tulad ko na isang reader. Pero hindi ako katulad niyo na toxic. Mahal ko ang lahat ng mga writers, sikat man o hindi. Maganda man o hindi ang gawa, I still appreciate their works. Sana kayo din.

She's the Writer and I'm her Reader [ON-GOING] - SOON PUBLISH UNDER KM AND H PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon