CHAPTER 3

48 14 1
                                    

∞∞∞

Also dedicated to: MsvManunulat

∞∞∞

Nathalie's POV

---

Nasa mall ako ngayon, nanakit ang paa ko. Kanina pa kasi kami palibot-libot ni Zara dito sa isang shoes shop. Ewan ko ba dito!

Na-bored ako sa loob ng shoes shop at nagpaalam muna na lumabas. Gusto ko lang magmasid-masid, eh sa bored nga ako.

Habang palinga-linga, may dalawang babae na tumawag sa akin gamit ang username ko sa Wattpad na siyang ikinagulat ko. This is unexpected!

"Ms. @inky_girl!" sigaw ng isang babae.

"Ate! Pa-picture!" sigaw naman nung isa.

Kinawayan ko silang dalawa sabay sabing...

"Hello!"

Patakbo silang lumapit sa akin. Ang isang babae ay may mahabang buhok na hanggang baywang na medyo kulot ang dulo ng buhok niya. Nakasuot ng blue faded jeans at naka white crop-top. Nakasuot run siya ng white rubber shoes na ang tatak ay Rike.

Ang isa naman ay may buhok na hanggang balikat lang. Nakasuot ng black-stripe white shirt na tinernuhan ng kulay black na jumper. Nakasuot siya ng white rubber shoes na ang tatak ay Aderras.

Parehas silang simple lang ang make-up. Parehas silang naka-sling bag at parehas silang maganda ah.

"We're your silent reader po. By the way, I'm Roseann Lee po." pagpapakilala ng babang may mahabang buhok at nakipagkamay.

"Ako naman po si Maria Sofia Viola Fuertes." simpleng pagpapakilala naman nung babaeng hanggang balikat ang buhok at nakipagkamay din.

"W-wait, how did you recognized my face? Hindi pa nga ako nagfe-face reveal eh." tanong ko sa kanila sabay taas ng dalawang kamay.

"Ahmm... may nakita po kasi kaming isang post sa Facebook at nakita po namin yung mukha niyo with your username. Kaya doon po namin nalaman na kayo po si @inky_girl." sagot ng babaeng may mahabang buhok.

"We're so happy nga po kasi nakita po namin kayo dito and finally, we can take a picture po na kami lang at walang ibang readers." sabat naman nitong isa.

"Ahh~... gano'n ba? Sige, sige. Magpa-picture na kayo sa'kin. Baka kasi biglang mag-aya yung kasama ko." tugon ko.

"Nathalie! Tara na!" sigaw ni Zara kaya napalingon ako doon.

"Wait!" sigaw ko pabalik at tumingin ulit dito sa dalawang babae.

Nagpa-picture sila sa akin ng dalawang shots. Pagkatapos no'n ay nagpaalam na sila. Ako naman ay pumunta na kay Zara na nakakunot na ang noo.

"Ang tagal mo!" reklamo niya sabay nilagpasan ako.

"May nagpa-picture kasi sa akin. Nakilala ako as a writer sa Wattpad." sabi ko sa kanya at sinabayan na siya sa paglalakad.

"Ang tagal mo!" reklamo niya sabay nilagpasan ako.

"May nagpa-picture kasi sa akin. Nakilala ako as a writer sa Wattpad." sabi ko sa kanya at sinabayan na siya sa paglalakad.

Magkasunod kaming pumunta sa parking area at hinanap ang kotse niya. Kotse niya kasi ang pinagsakyan namin. Sayang yung gasolina ng kotse ko kung ginamit ko pa 'yon para lang samahan itong bruhang kasama ko.

Dire-diretso lang ako sa paglalakad hanggang sa makarinig ako ng sigaw mula sa kasama ko kaya napalingon ako sa kanya.

"Hoy! Saan ka pupunta? Nandito yung kotse ko oh! Ayan! Wattpad pa! Lutang na lutang ka? Lutang na lutang? Siguradong, sigurado ako na napuyat ka na naman kagabi kaya ka lutang ngayon!" sigaw niya sa akin. Akala mo naman nanay ko kung makapanermon. Wagas magalit, daig pang mga magulang ko.

Nang makalapit ako sa kanya, nakataas ang mga kilay ko na tinitigan siya. "Tsk! Wala ka ng paki doon. Eh nasa Wattpad lang nagpapasaya sa akin, bakit ba?" mataray kong sabi sa kanila.

"Tsk! Masyado ka ng umaasa sa mga nababasa mo na magiging totoo sila. Nathalie, ipapaalala ko lang, 'no? Fictional characters lang sila, hindi sila tunay na mga tao, okay?" makapangaral akala mo hindi nakikiagaw ng mga asawa sa Wattpad. Sipain ko 'to eh.

"Ayy wow~... makapanermon ka akala mo naman hindi ka umaasa na maging katulad ng mga leading man sa novels yung magiging future husband mo. Lagi ka ngang nakikipag-agawan sa akin ng asawa eh." reklamo ko naman.

"Che! Pwede ba? Pumasok ka na lang doon sa loob ng kotse at ng makaalis na tayo."

"Naasar yarn? Pikon ka?"

"Heh! Stop insulting me! I want to go home na!"

"Oo na, oo na."

"English, english ka pang nalalaman, mabaho din naman hininga mo." dugtong ko pero hininaan ko para hindi niya marinig.

"What did you just say?" tanong niya habang nakataas ang isang kilay.

"N-nothing! Halika na nga lang!" aya ko sa kanya para hindi niya na ako kulitin kung ano yung sinabi ko.

***

Habang nasa biyahe kami pauwi, napagdesisyunan kong pag-usapan ang tungkol sa mga pagbabago sa buhay nitong si Zara simula nang umuwi sila dito sa Pilipinas galing sa London.

A month ago, umuwi sila dito sa Pilipinas dahil may bagong negosyo raw dito ang Daddy niya. Dito na rin siya pinag-aral kasi baka matagalan daw bago makabalik sila sa London. Tsaka nandito naman daw ako para bantayan si Zara. Kaya okay lang na dito muna siya sa Pilipinas habang may inaasikaso ang Daddy niya dito.

Yung Mommy naman niya ay may-ari ng isang expensive hotels building dito sa Pampanga. Mayaman sila Zara sa totoo lang. Pero hindi naman sa nagmamayabang, mas may kaya kami kumpara sa kanila. Mas maraming negosyo ang pamilya namin kaysa sa mga negosyo nila.

At kahit na gano'n, iginagalang at nirerespeto ko si Zara sa kung sino siya at kung ano siya para sa akin. Hindi kasi ako mapili sa mga kakaibiganin. Basta ang mahalaga, tanggap niya ako at nirerespeto rin tulad ng ginagawa ko sa kanya. Doon pa lang, masasabi ko na, na ang lahat ng tao kahit na hindi pantay-pantay ang pamumuhay ay kailangang makatanggap ng respeto at kabaitan ng bawat isa. Hindi yung kinaibigan mo lang para sa isang bagay.

Hindi naman kasi basura ang tao na walang pakiramdam at kapag natapos mo ng gamitin ay itatapon mo na lang ng basta-basta. May damdamin din tayo, nasasaktan rin tayo sa mga masasakit na sinasabi ng iba. Yung tipong pinipintasan nila tayo tapos sila naman pala ang may bahong tinatago. Maging totoo na tayo sa sarili natin na lahat ng tao ay hindi perpekto at may pagkakamali, huwag mo ng dagdagan ang kasalanan mo sa pamamagitan ng pagpipintas sa iba.

Kung sinasabi mong nagpapakatotoo ka lang, sabihin mo ng harapan. Hindi yung kung kailan nakatalikod na yung tao, doon mo lang sasabihin ang nakita mong hindi maganda sa kanya. At ang malala pa nga ay ipagsasabi mo pa sa iba. Kung pwede namang deretsahan, why not? Bakit hindi mo sabihin sa kanya ng harapan? Bakit kapag nakatalikod pa siya? Backstabbing 'yan ah, bawal 'yan.

So ayon, balik tayo sa usapan namin ni Zara. Ang sabi niya sa akin, baka abutin ng 3 years ang pagbabakasyon niya dito sa Pilipinas. Dahil sa maraming inaayos ang Daddy at Mommy niya na mga negosyo nila.

Actually, pati rin naman sila Mommy eh. Kaya nga wala na silang time para sa akin. Pero kahit na gano'n, iintindihin ko pa rin sila. Alam ko naman na importante ang negosyo nila at tsaka alam ko na para sa akin din iyon, para sa kinabukasan ko at ng pamilya namin. Nagsusumikap ang mga magulang ko para hindi na ako mahirapan pagdating ng araw.

Parehas kami ng mga kalagayan. Si Willow nga lang ang may kakaibang kaunti sa kalagayan namin. Si Willow kasi, kahit na alam niyang mayaman siya, pangarap pa rin niyang yumaman pa. Para sa kanya kasi, hindi sapat ang kita ng kompanya at ibang negosyo nila para masabing mayaman sila. Tsaka gusto niya raw maging independent.

Yung tipong hindi na kailangang humingi pa sa mga magulang ng pera na kailangan para lang masunod ang lahat ng gusto niya balang araw. Yung tipong kaya na niyang mabuhay ng siya lang ng walang hinihinging kahit na piso mula sa mga magulang niya.

Iyon ang dahilan kaya gusto niyang kumita ng malaki sa pamamagitan ng pago-online selling ng mga gamit niyang never pa niyang ginamit o nagamit.

She's the Writer and I'm her Reader [ON-GOING] - SOON PUBLISH UNDER KM AND H PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon