CHAPTER 9

21 6 0
                                    

∞∞∞

Nathalie's POV

---

Malapit na ako sa main gate ng mansiyon namin nang matanaw ko sa di kalayuan ang dalawang sasakyan na kumuha ng atensyon ko.

Ayy, oo nga pala at darating sila Tita. Makakalimutin na talaga ako, hayst.

Nang maipasok ko na ang kotse ko sa garahe, pinatay ko na ang makina nito at bumaba na kaagad, dala-dala ang bag ko at iba ko pang gamit saka pumasok sa mansyon.

Bungad pa lang, sinalubong na agad ako ng mga maids namin. Iniabot ko ang mga gamit ko sa dalawang maids na lumapit sa'kin saka ako nagpatuloy sa paglaakad papasok ng mansyon.

Nang makapasok na ako ng tuluyan, lumapit ang kanang-kamay ng Mommy ko na kasambahay namin at sinabing nasa dining area na daw sila Tita pati na sila Mommy kaya sumunod ako sa kanya papuntang dining room.

Pagpunta ko doon, nag-greet agad sa akin si Mommy at Daddy at sinabing sumabay na daw ako ng dinner sa kanila. Hindi naman ako makatanggi kaya pumayag na ako. Naupo ako sa tabi ni Mommy, nasa left side kaminga dalawa at nasa right side naman sila Tita at Tito pati na si... oh my god... okay, he grown. Whatever!

"Nathalie! Ikaw na ba 'yan? Ang ganda mo na ah," bungad ni Tita sa'kin.

"Tita, dati na po akong maganda noh," tugon ko naman.

"Sabagay, dati ka naman talagang maganda. Mas gumanda nga lang ngayon," aniya at ngumiti.

"Thank you, Tita."

"Mare, mas bumagay pa siya lalo sa anak mo. Ang laki ng ikinagwapo ni Axel ngayon ah." Mommy naman! Malaki na kami, okay? Hindi na pwede 'yang ship, ship na 'yan ngayon! My ghad!

"Mommy, hindi na po kami mga bata. Pwede po bang itigil na ang ship, ship na 'yan?" Alam kong masamang sumabat sa usapan ng mga matatanda pero wala akong pakialam. Ayoko ng ganyan, i-shiship tapos sila, sila lang din kikiligin. Hayst!

"Bakit? Bagay naman kayo, anak. May chemistry, hahaha! Di ba, mare?"

"Oo, maganda ka at pogi naman itong anak ko—"

"Mom! Stop! Ayaw na nga nung tao ipinagpipiliyan niyo pa din." Nagulat kami nang biglang magsalita itong katapat ko.

"Bakit naman? Hindi ba't crush na crush mo si Nathalie noong mga bata pa kayo? Kaya nga madalas mo siyang inaasar kasi natutuwa ka at kinikilig ka kapag nakikita mo siyang inis na inis sayo kasi sabi mo ang cute niya—"

Napayuko na lang ako. Grabe! Ang cute ko daw mainis, ang kapal talaga ne'to. Pero...

Bakit ang init ng mukha ko?! Shuta! Hindi pwede 'to. Hindi pwede 'to! Bakit naman ako kikiligin doon? Noon lang naman 'yon—no! Hindi ko naman sinabing umaasa ako hanggang ngayon noh! Hayst!

"Mommy! I said stop! Binubuking mo na ako eh. Tss! Sana di na lang ako sumama. Ibinabalik niyo pa yung dati. Dati lang naman na 'yon...."

Napatingin ako sa kanya.... at nagulat ako nang mahuli kong nakatitig pala siya sa'kin! Tang*na ang lakas ng tibok ng puso ko! Alam ko yung feeling na 'to. May something! Bakit naman ako magkakaganito? No, hindi ako papayag. Kaaway ko siya!

"Kasi iba na ngayon." dugtong niya kaya napatingin ulit ako sa kanya. Tapos mga beh! Nakatitig pa din siya haang nakangiti! No, I can't! Ang gwapo na niya! Mas gumagwapo siya kapag nakangiti, huhuhu... Shuta talaga!

"Ayieeeeeeeee!"

Ito talagang dalawang shipper na 'to. Hayst!

Padabog akong umalis doon sa dining area. Nawala ako sa mood. Basta gano'n! Hayst!

She's the Writer and I'm her Reader [ON-GOING] - SOON PUBLISH UNDER KM AND H PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon